Chapter 61 Bumili sila ng pagkain sa cafeteria bago pumunta sa gym kung ginaganap ang larong basketball. Nagbihis muna si Selestina ganoon din si Jordan at sabay silang pumunta sa bakanteng bleachers. Nasa bench ang binatang si River at mukhang may kapalitan ito. Tiningnan ni Selestina ang scores. Lamang na lamang ang team ni River kaya siguro hindi na ito pinaglaro. Napangiti sa nakita si Jordan. Nilingon niya si Selestina. “Doon tayo sa pwesto nila para madali natin makita,” suhestiyon niya. Napangiwi si Selestina. “Ayaw kong lumapit masyado,” aniya. “Bakit?” nagtataka na tanong ni Jordan. Umiling lamang si Selestina sabay kibit-balikat na nagsalita, “Basta ayaw ko.” Kumunot ang noo ni Jordan. “Bakit nga ba?” “Ang gulo mong kausap, ah. Basta ikaw na lang doon. Dito lang ako,” u

