Chapter 42 “Hahaha! Tingnan mo nga naman. Huli na dumating ang demonyo.” Kaagad na napabaling ang tingin ni Selestina sa ininguso ng kaibigan. Naglalakad ang dalagang si Irish na para bang siya ang reyna ng buong mundo. “Tss.” “Tingnan mo, kumi-kembot pa. Late na nga siya sa practice, nagmukha pang may-ari ng buong campus kung maka-asta, oh,” rinig niyang komento ng kaibigan. “Tss.” Mukhang hindi siya napansin ng dalaga dahil nasa nagbabasketball ang buong atensyon nito hanggang sa makalapit sa volleyball team. Narinig niya pa itong humalakhak. “Papansin din,” komento na naman ng kaibigan na nakataas pa ang isang kilay dahil sa inis. “You are late, Irish. Kailan ka ba magtitino?” anang Captain nila sa bagong dating. “Psh! Arte mo naman. Para late lang dumating?” mataray nito

