Chapter 41 Alas-cinco pa lamang ng madaling araw ay gising na si Selestina. Kailangan niyang gumising ng maaga dahil alas-sais ng umaga ang practice nila sa volleyball. Inis tuloy siyang bumangon para gumayak. Inayos niya ang kanyang higaan saka dumiretso sa kanyang closet upang maghanap ng susuotin. Kailangan niyang magdalawa ng dalawang damit dahil alam niyang pagpapawisan siya lalo na active sports ang volleyball. Bugnot na bugnot siyang nagliligpit. “Hay, naku! Kung hindi lang talaga ako nalista. Buwisit talaga ang Irish na ‘yan. Naiinis ako. Ayaw kong gumising ng maaga,” nagmamaktol na reklamo ni Selestina. Bumaba siya at naabutan niya ang kaibigan na nagkakape habang nakasalang ang bigas sa rice cooker. “Mag-hot dog na muna tayo at tinatamad akong magluto. Mabuti na lang a

