Chapter 48 “Galing yun sa ‘yo?” Tumango ang binatang si Third. Bumangon siya ng madaling araw at lumabas ng bahay bitbit ang isang bungkos ng bulaklak. Nilagay niya ito sa hagdan kung saan nakatira ang dalaga. Nahigit ni Selestina ang kanyang hininga. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi naman sila close ng binata. “Why? You don’t like it?” seryoso at kaswal nitong tanong. Umiling si Selestina. “Hindi naman. Pero bakit?” kunot ang noo niyang tanong. Ngumiti ito. “It’s nothing serious. Gusto lang kitang bigyan.” “Ah, okay? Salamat,” naguguluhan niyang sagot. Hindi naman siya bibigyan nito kung wala lang. Walang ganoon. Kaagad siyang humakbang papasok ng gym habang nakasunod sa kanya ang binata. Hindi niya alam kung ano nag dapat

