Chapter 49 Kaagad na sumunod si Selestina sa kaibigan. Umupo ito sa mismong likuran ng upuan na para sa mga players. Nagugulat niya itong nilapitan. “Hoy! Bakit diyan ka umupo?” nagtataka niyang tanong nang makalapit sa dalaga. Ngumiti lang ito sabay sabing, “Sus! Pwede tayo rito. Kahit itanong mo pa kay Third,” kaswal pa nitong sagot. “Eh?” Tinaasan niya ito ng kilay kahit kunot na kunot ang kanyang noo. “Ano ba ‘tong pinaggagawa mo?” tanong niya ulit. Hindi pa rin siya umupo. Pinagkrus niya ang kanyang braso at taas ang kilay na tinitigan ang kaibigan. “Ano ka ba? Maupo ka na nga riyan at baka mangawit pa ang binti mo.” Inilibot ng dalaga ang paningin sa paligid. “Tingnan mo, maraming tao. Saan ka naman ngayon uupo kung hindi rito, aber?” taas ang kilay rin nitong tanong sa kanya

