Chapter 33 “What’s your number?” basa ni Selestina sa karatulang iniharap sa kanya ni Third. Pinagkunutan niya ito ng noo. “Anong ginagawa mo?” kunot ang noo niyang tanong dito. Kumaway lang ang binata gamit ang karatulang hawak nito na animo'y nagsasabing basahin niya ang nakasulat doon. Nagkibit-balikat siya. Bumalik siya sa loob at naghanap ng marker at notebook. Nagsulat siya bago bumalik sa bintana at ipinakita sa binata ang notebook niya. “Bakit mo tinatanong?” Ibinaba nito ang hawak na karatula at nagsulat ulit. “Just asking. Huwag ka ng magtanong.” Pinandilatan ni Selestina ang binata dahil sa isinulat nito. Mabilis niyang sinulat ang kanyang reply. Para tuloy silang tang@ dahil sa ginawang palitan nila ng mensahe kahit na uso naman na sa panahon ngayon ang cellphone.

