Chapter 32
Hindi nakatulog si Selestina kaya naman ngarag siyang bumangon. Para siyang lasing at pagod na pagod na umupo sa kanyang kama. Hindi na niya nagawang buksan ulit ang bintana ng kanyang kuwarto sa takot na baka makita niya ulit ang lalaking nakatayo roon at mukhang nakatingin sa kanyang kwarto.Paano kung ang nakatayong lalaki pala ang nagpadala ng text sa kanya? Kinilabutan na naman siya sa naisip.
Kaagad siyang bumaba at tiningnan ang kaibigan sa sala. Hindi niya ito nagawang buhatin paakyat sa sariling kwarto dahil mabigat ito. Sana pala ay pinabuhat na niya ito kay Third. Naabutan niya itong parang baliw na nagpalinga-linga sa buong paligid.
“Mabuti naman at gising ka na,” tawag-pansin niya kay Jordan dahil mukhang hindi mapakali ang kaibigan. Gulat itong tumingala sa kanya.
“Oh! Paano ako nakauwi?” nagtataka nitong tanong. Inamoy pa nito ang sarili sabay ngiwi na animo'y nandidiri sa sariling baho.
“Nangangasim ka,” komento ni Selestina. “Tss. Ganiyan pala ang uminom?” dagdag niya pang komento. Mabuti na lang talaga at hindi siya uminom dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa.
“Pero paano nga ako nakauwi?” nahihintakutan ulit nitong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat si Selestina at nagtuloy sa pagbaba sa hagdan. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng baso sabay inom ng tubig.
“Hoy! Gagang ’to! Huwag ka ngang pa-suspense riyan?” naiinis nitong tanong.
Seryoso niya itong nilingon. “Hinatid tayo,” kaswal niyang sagot.
“Nino?”
“Bakit?”
“Anong bakit? Kailangan kong malaman kung sino ang naghatid sa akin. I mean, ikaw ba ang nagmaneho ng sasakyan ko?” gulat ulit nitong tanong.
Umiling si Selestina. “Hindi, no!” matigas niyang tanggi. “Kung alam kung paano paliparin ‘yon ay baka hindi na tayo hinatid. Tss. Nakakainis nga, eh. Sa dami ba naman ng puwedeng maghatid sa atin, si Third pa talaga.”
Gulat ang rumihestro sa mukha ng kaibigan. “Ano?”
“Gulat ka no?” pang-aasar niya rito.
Binato siya ng kaibigan ng maliit na cushion pillow. “Umayos ka nga, Psh! Bakit siya? Puwede namang si River?”
Nagkibit-balikat si Selestina. “Hindi ko rin alam, okay? Nagtaka nga ako kung bakit hindi ko makita si River. Saka ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Tss.” Naglakad papunta sa sala at umupo sa isa sa mga sofa roon.
“Psh! Maliligo muna ako. Pakshet! Ang sakit ng ulo ko, ah. Ano ba kasi pinaggagawa ko kahapon?” sapo ang ulong tanong nito bagao dahan-dahan na tumayo.
“Hindi ko rin alam dahil naabutan na lang kitang pinapalibutan ng mga lalaking hindi ko kilala. Halatang hindi mo na alam ang ginagawa mo dahil katulad na lang ngayon, ni isa sa mga nangyari ay wala kang maalala.”
Gulat itong lumingon sa kanya. “Ano? Pinapalibutan? Mga lalaki?” sunod-sunod nitong tanong.
Tumango si Selestina. “Oo. Hindi lang isa, kundi marami sila. Mga lalaki nga di ba?”
Napasinghap ito sa gulat. “Psh! And then ano na ang nangyari? Grrr! Iniisip ko pa lang ay gumagapang na ang kilabot sa buo kong katawan! My god! Ano ba ang nainom ko kahapon? Sssh!”
“Maligo ka na nga. Amoy alak ka pa,” pagtataboy niya rito.
“Oo na! Salamat, ah! Mamaya na tayo mag-usap at mukhang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit!” anito habang dahan-dahan na naglakad paakyat sa sariling kwarto.
Inayos niya ang mga kalat sa sala at nagsimula siyang maglinis. Hindi na siya nag-abalang mag-agahan dahil kakainom niya lang ng kape. Marami siyang labahin kaya kaagad niya itong pinasok sa washing machine at habang umiikot-ito ay inayos niya ang mga hugasin sa lababo. Nasa backdoor ang sampayan ng mga labahin at natatakot siyang lumabas. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto papunta sa labas at sumilip. Walang tao at may fence naman kaya hindi basta-basta makakapasok ang sinumang magtakang pumasok sa bahay nila.
“Tss. Ano bang problema ko? Wala naman akong kasalanan. Wala akong utang na tinakasan kaya bakit ba ako natatakot lumabas ng bahay? Magsasampay lang naman ako?” kunot-noo niyang tanong sa sarili habang inilalagay sa malinis na balde ang mga labahin niya. Pababa na rin ng hagdan ang kaibigan at bagong ligo na nga ako. May sarili kasing banyo ang kwarto nito kaya doon na ito naligo.
Binitbit niya sa labas ang mga damit at sinimulang isampay sa sampayan. Sumunod sa kanya si Jordan at tumulong na rin ito. Hindi pa man nakalipas ang isang minuto ay nagsimula na naman itong mag-ingay.
“Alam mo, hindi ko talaga maintindihan ang nangyari. Umalis ka kasi pagkatapos ng sayaw ninyo ni River,” panimula nito. Nilingon niya ang kaibigan at makahulugan itong nakatingin sa kanya.
“And?” walang gana niyang tanong.
“I saw you,” tipid at seryoso nitong sagot.
“Mmm. Hindi naman kasi ako nagtago kaya makikita mo talaga ako.”
“Gaga. Nakita kitang sinundan mo sina Irish at Third. Psh! Mukhang nag-aaway nga ang dalawa, di ba? So, ano na ang nasagap mong balita? Nag-away ba talaga sila? Ang tagal mo kasing nakabalik, eh,” anito na mukhang hindi mapakali kung hindi siya sasagot.
Bumuntonghininga siya. “Hayaan na natin sila.”
“Wow! Hayaan daw pero sinundan naman. Psh! Aminin? Na-curious ka no? Hehehe! Sabagay, guwapo naman kasi talaga si Third.”
Nagugulat niya itong nilingon. “Ano na naman ba ‘yang mga pinagsasabi? Anong koneksyon doon sa guwapo at sinundan? Tss. Kung ano-ano na naman ang iniisip mo.”
“Sus! Huwag mo sabihin sa aking hindi ka man lang kinilig?”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Anong kilig?”
“Diyos ko, te! Kung hindi mo alam kung ano ang kilig, gusto mo kuryentehin kita?” panghahamon nito sa kanya.
Inismiran niya ito. “Sus! Imbis na problemahin mo ‘yong nangyari sa ‘yo, kung ano-ano ang naiisip mo. Sino naman ang kikiligin doon? Mukha naman siyang siopao!”
“Ang ingay!”
Sabay silang natigilan dahil sa malakas na sigaw na iyon. Nagmula iyon sa kabilang bahay. Sa mismong kwarto na katapat ng kwarto ni Selestina. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at ganoon na lang ang gulat niya nang mamataan ang nakatunghay na binata mula sa nakabukas na bintana. Wala itong suot na pang-itaas, magulo ang itim nitong buhok at nakapikit pa ang isang mata.
“T-Third?” gulat niyang tawag sa pangalan nito.
“What the h*ll! Diyan ka nakatira?” gulat pang tanong ni Jordan.
“You’re so loud! Ang sakit ng ulo ko! Ang ingay ninyo! It’s too early for pete's sake!” sunod-sunod nitong reklamo.
Napalunok si Selestina. Hindi niya alam kung paano mag-react lalo na dahil hindi pa niya nakikita ang binata sa ganitong sitwasyon. Lalo siyang napalunok nang magtama ang kanilang paningin. Taranta niyang nilingon ang kaibigan na kasalukuyang sinasampay ang kanyang panty at bra. Mabilis niya itong nilapitan at binawa ang mga panty niya at bra sabay kumaripas siya ng takbo papasok sa bahay. Nagugulat siyang tinawag ng kaibigan.
“H-Hoy! Akala ko ba magsasampay ka?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Sinilip niya ito at nakita niyang palihim na tumatawa ang binata sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin at pinagsarhan ng pinto ang kaibigan. “Hoy! Ano nangyari sa ‘yo bigla?”
“Tss. Wala.”
“Hmm.”
“Huwag mo akong simulan.”
Malakas itong tumawa. “Kaya naman pala. Sus! Panty lang naman ‘yan. Walang nakakahiya sa pagsampay ng panty at bra. Kapag nag-asawa kayo, wala nang hiya-hiya.”
Nagugulat niya itong nilingon. “Anong asawa? Bakit napunta ka na sa asawa? Disos ko!” namamangha niyang sambit. Kung saan-saan na kasi napunta ang isip ng kasama.
Tumatawa lang ito kaya hindi na niya pinansin. Isinampay na lamang niya ang kanyang mga panty at bra sa loob ng banyo. Bahala na kung matagal matuyo.
“Tss. Kaya pala hindi na siya nagtanong kagabi kung saan kami ihatid? Alam na pala niya dahil magkapit-bahay kami? Tss! Ano ba naman ‘to? Umalis ako sa dorm dahil nandoon si River tapos ito pala ang kapalit?” bubulong-bulong niyang tanong.
Kaagad niyang tinapos ang ginagawa at nagpaalam siya kay Jordan na matutulog na muna siya dahil dinalaw na siya ng antok. Humiga siya sa kanyang kama at nag-isip.
“Siya ba ang lalaking nakatayo sa harap ng bintana at nakatingin dito? Siya rin kaya ang nagpadala ng text sa akin?” naguguluhan niyang tanong. “Pero bakit diyan siya nakatira? Akala ko ba mayaman siya? Bakit hindi siya umuwi sa bahay ng mga magulang niya?”
Nagpaikot-ikot siya sa kanyang kama. Ang dami tuloy tanong sa kanyang isipan. Dumagdag pa ang aksidenteng pagkikita nila ng tunay na ina. Hindi mawala sa isip ni Selestina ang mga sinabi ng ginang. “Tss. Paano ako matutulog nito kung puro tanong ang tumatakbo sa isip ko? Nakakainis! Nakakainis kayong lahat!”
Tumunog ang kanyang cellphone kaya kaagad niya itong tiningnan. Nagpadala ng pera ang kanyang ina kaya naman nakangiti siyang nagpadala ng mensahe bilang pasasalamat.
Napatalon siya sa gulat nang may biglang tumunog sa kanyang bintana. Nakasara ito pero rinig niya ang paglagapak ng isang bagay doon kaya mabilis niyang hinawi ang kurtina. at sinilip ang nasa kabilang bintana.
Si Third. Nakasuot na ito ng puting t-shirt at nakapamulsang nakatingin sa kanya. Binuksan niya ang bintana at inis itong tiningnan. Nag-angat ito ng isang maliit na sign board na may nakasulat na tanong.
“What your number?” basa niya sa karatulang iniharap sa kanya ng binata.