Chapter 8

1926 Words
Chapter 8 Ganoon na lamang kabilis ang kabog ng dibdib ni Selestina. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng kanyang bag at mas binilisan ang paglalakad. Naghahanap ng pangdepensa ang kanyang mga mata. Napalunok siya at doon niya napansin ang dalang water bottle. Malaki iyon at may laman pang tubig kaya medyo mabigat. Makapal din ito kaya sakto lang upang pangh*mpas sa ulo sa kung sinomang magtangka sa kanyang manakit. Lakas loob siyang huminto at mabilis na inihagis sa ere ang kanyang kamay na may hawak na water bottle. Narinig niyang umungol ang kung sinomang sumusunod sa kanya pagkatapos niton tamaan. Napaatras siya at gulat na pinagmasdan ang lalake. Nakasuot ito ng itim na hooded jacket. May suot din itong itim na sombrero. “What the heck was that?” rinig niyang tanong nito sa namamaos na boses. Nagpagulong-gulong pa ito habang hinihimas ang tinamaang ulo. Tulalang pinagmasdan ni Selestina ang lalake. Hindi man niya nakikita ang mukha ng lalake ay nakilala naman niya ang boses nito. “Third?” utal niyang tawag sa pangalan ng binata. Bigla sumibol ang galit sa kanyang dibdib. “Ano ba ang ginagawa mo? Bakit mo ako sinusundan? Nabab*liw ka na ba?” “Ang sakit noon, ah!” asik ng binata. Iniharap ni Selestina sa binata ang hawak na water bottle pagkatapos nitong tumayo. “Huwag kang lumapit,” pigil-hininga na wika ni Selestina. “Wait! I’m not trying to harm you,” anito. Hinihingal din ang binata marahil dahil sa bilis ng paglalakad nito kanina upang makahabol sa kanya. “Wait! Let me catch a breath,” namamaos nitong pakiusap. “Ano ang kailangan mo?” inis na tanong ni Selestina. “Gusto ko lang namang makita kung saan ka nakatira.” Tumaas ang kilay ni Selestina. “Talaga?” hindi naniniwala niyang tanong sa binata. “As far as I know, may galit ka sa akin. Malay ko ba kung may balak ka na palang saktan ako?” Mabilis na umiling ang binata. “No—” “Tumigil ka na. Huwag kang lumapit sa akin. Huwag mong susubukan,” putol ni Selestina sa sasabihin ng binata. “Ayaw kitang makausap! Ayaw kitang nakikita! Naiinis ako sa ‘yo! Ilang beses mo akong sinabihang impostor tapos lalapit-lapit ka sa akin? Ang kapal din naman talaga ng mukha mo!” galit na singhal ni Selestina. Ibinaba niya ang hawak na water bottle at inayos ang bag. Napansin niya ang pagbagsak ng mga balikat ng binata. Yumuko ito at kusang humakbang paatras. At hindi niya inaasahang sa ganoong paraan ay lalong naging impyerno ang pag-aaral niya sa sikat na unibersidad. Araw-araw siyang ginugulo ng binata. Hindi siya tinantanan maging ang mga taga-hanga nito. Lalo lang naging mapait ang kanyang tahimik na buhay dahil sa dalawang taong sumira nito. Si Irish Cuevas at Third. “Gosh! She looks d*mb!” “Sinabi ko pa? Ayan, good for you. Ang yabang kase. Akala mo kung sinong magaling.” Itinulak siya ni Irish. Napaingit siya nang tumama ang kanyang likuran sa malamig na pader. “Iwasan mo si Third. He’s mine. Alam mo, para ka ring talagang si Celestine, eh. We were so good together pero dahil sa babaeng kamukha mo, nawala siya sa akin. Isa siyang mang-aagaw!” Malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Hilong-hilo siyang napaupo sa sahig habang tatawa-tawa ang mga itong umalis. Ayos na sana ang bungad ng araw niya. Naisipan niyang mamasyal sa parke ngunit bigla na lamang siyang kinaladkad ng mga ito papunta sa abandonadong building. Wala siyang magawa dahil marami ang mga ito. Mag-isa lang siya. Pinili na lamang niyang manahimik lalo na at wala siyang balak pumatol sa mga ito. Pero hindi talaga niya maintaindihan ang mga nangyayari. Naging impyerno ang buhay niya dahil lamang sa babaeng nagngangalang Celestine. Pagod niyang inayos ang nagulong buhok. Basa rin ang suot niyang jacket dahil binuhusan siya ni Irish ng tubig. Malamig at nanginginig ang kanyang katawan. Mabuti na lamang at itim ang suot niya kaya hindi masyadong napapansin. Taas-noo siyang umalis sa lugar. Hindi niya alintana ang mga nagtatakang tingin na ipinukol sa kanya ng kanyang nasasalubong sa daan. Buntonghininga siyang naglakad paakyat sa ikalawang palapag ng building pagkatapos niyang iwasan ang mga nag-aalalang tanong mula sa kaunting kakilala. Ayaw niyang magsalita. Isa lang ang alam niyang dapat niyang gawin. Ang mag-imbistiga. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Mabuti na lang at umalis ang mga kasama niya kaya walang istorbo. Kinuha niya ang kanyahg laptop at iniharap ito sa kanya. Habang hinihintay na bumukas at mag-loading, naghanap muna siya ng makakain mula sa itinago niyang mga chichirya. Nagpunta siya sa go*gle at tinipa ang pangalang Celestine. Marami ang lumabas kaya hirap siyang tukuyin kung sino ang kanyang hinahanap. Umabot na ng ilang oras at hindi pa rin siya tapos. Walang lumalabas na article tungkol sa babae. Kahit ang pangalang Third ay wala rin. Sinunod niya ang pangalan ni River. May kaunti siyang nabasa tungkol sa binata. May gusto ito kay Celestine. “Tss. Kaya pala sunod siya nang sunod sa akin. Sus! Gagawin pa akong panakip butas, ah.” Itinabi na muna niya ang binabasa. Sumakit na rin kasi ang kanyang mga mata. Hinagod niya ang sariling likuran dahil sumasakit na ito. Kanina pa kasi siya nakaupo habang kaharap ang laptop at wala rin naman siyang napala. Pabagsak siyang humiga sa kama nanaging dahilan nang paglangitngit nito. “Ops! Sorry,” hinging paumanhin ni Selestina kahit wala naman siyang kasama. Lunod sa isipin, napabalikwas siya ng bangon nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang isa sa kanyang kasama sa kwarto. “Bakit? Nagulat ba kita?” natatawa nitong tanong sa kanya. Mahina siyang tumawa sabay tango. “Akala ko kasi kung ano na, eh.” Gulat niya itong tiningnan nang may iabot itong supot. “Sa ‘yo na. Hindi namin naubos. Pizza lang naman ‘yan.” Kaagad niya itong tinanggap. “Salamat. Ang bait mo,” aniya. Ngumiti lang ito at may kinuha sa sariling bed sabay labas ng kwarto. Mukhang hindi pa ito tapos gumala. Dahil gutom na rin naman siya, naisipan niyang kainin ang bigay ng kasama. “Hmm. Wala naman sigurong l*son, ’to,” aniya habang sumusubo ng pizza. Kaagad siyang naghanda sa pagtulog pagkatapos niyang kumain. Tapos na rin naman siya sa paghahanda para sa quiz kinabukasan. Naisipan niyang kamustahin si Jordan bago natulog at tinanong ito tungkol kay Celestine. Wala rin masyadong alam si Jordan dahil tahimik naman daw kasi ang babae. Hindi rin ito pala-post sa social media. Wala rin daw ito masyadong kaibigan maliban kina Third at River. Napag-alaman din niya na magkaribal si Third at River pero mas pinili raw ni Celestine si Third kaya naman hindi raw ito tinigilan ni Irish na i-b*lly. Hindi niya naiwasang isipin na kaya siya napapansin ni Irish ay dahil magkamukha nga raw sila ni Celestine. Imbis na maagang matulog, napuno tuloy ng maraming katanungan ang kanyang isipan. Tahimik na ang paligid at malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang jacket na nakasabit sa sabitan bago ito isinuot. Nagsuot rin siya ng tsinelas saka dahan-dahan na pinihit ang seradura ng pinto bago patingkayad ng lumabas ng kwarto. Naisipan niyang umakyat sa roof top. Wala ng tao sa hallway ngunit may mangilan-ngilan siyang naririnig na mahinang ingay sa mga kwartong nadadaanan niya. Kailangan niyang mag-ingat sa paglalakad dahil tumutunog sa sementadong sahig ang kanyang mga yapak. Sumalubong sa kanya ang mala mo ig na simoy ng hangin pagkatapos niyang buksan ang pinto sa ikaapat na palapag. Dahan-dahan siyang naglakad palabas at maingat na isinara ang pinto sa kanyang likuran. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Isinuot niya ang hood ng kanyang jacket at maingat na naglakad palapit sa railings saka ipinatong ang magka-krus na braso roon. Tumingala siya sa langit saka ipinikit ang kanyang mga mata. She took a deep breath. “It’s quiet here at night.” Mabilis niyang naikilos ang mga kamay at tumama ito sa braso ng taong nagsalita bigla sa kanyang tabi. Napadaing ito. “Sino ka?” Dahan-dahang humakbang paatras si Selestina. Inihanda niya ang sarili kung sakali mang bigla siyang atakihin ng lalaki. “Calm down. It’s me,” ani ng lalaki. Hindi niya napamilyaran ang boses nitong singlamig ng gabi. “River.” Kaagad na naibaba ni Selestina ang mga kamay. Ibinulsa niya ito sa bulsa ng suot na jacket. “Bakit ka nandito? Saka bakit ka ba nanggugulat?” naiinis niyang tanong. “Well, I was here first,” katwiran ng binata. “Sorry kung nagulat kita. Ang seryoso mo kasi. Akala ko napansin mo ang paglapit ko. Pasensya ka ka,” hinging-paumanhin ng binata. “Okay. Pero bakit ka nga ba nandito?” “I lived here.” “Huh? Akala ko ba mayaman ka?” usyusong tanong ni Selestina. Narinig niyang tumawa nang mahina ang binata. “My family, not me. Gusto ko lang mabuhay ng normal. You know, malayo sa kontrobesiya na nakapalibot sa mga mayayamang tulad ko. I work in a cafe to sustain my needs kahit na may natatanggap naman akong allowance from my dad but, yeah, I want to eatn my keep.” Tumango-tango si Selestina. “Sana all.” “Well, why are you here?” Ito naman ang nakakuha ng tiyempong magtanong. “I know you’re not comfortable living here lalo na sa mga nangyayari. But, I’m just curious. Who are you? You looked exactly like Tin. Celestine Lim. That’s her full name.” Hindi napigilan ni Selestina na mapatitig sa binata. Natatabunan ng iilang hibla ng buhok ang mukha ng kaharap. Matangos ang ilong, maputi ang balat, perpekto ang pagkakahubog ng mga panga nito, sakto lang din ang pagkakahulma ng labi ng binata. Makapal ang itim nitong kilay, at mapupungay ang mga mata sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi niya maikakailang guwapo ang binata. At alam niya kung ano ang dala nito sa buhay niya. Panganib. Nanganganib ang puso niya dahil sa bilis ng t***k nito. “Hey,” untag nito sa kanya sa mahinang boses. Doon niya lang napantantong ilang minuto na pala siyang nakatitig sa kaharap. Mabilis niyang binawi ang paningin at humarap sa madilim na kalsada sa ibaba. Huminga siya nang malalim at pilit na tumawa. “Sorry,” utal niyang sabi. “I was lost for a minute.” Narinig niyang humagikgik ito kaya inis niya itong nilingon. “Well, did you take it all in?” “Huh?” taka niyang tanong. “Me. All of me. Did you take me all in?” Napalunok si Selestina at iniwasan ang tingin ng binata. “Pinagsasabi mo?” kunwaring inis niyang tanong para lang maiiwas ang sarili sa nakakahiyang ginawa niya. “Matagal mo akong tinitigan. Tinatanong ko lang naman kung na-memorize ba ng puso mo ang pagmumukha ko,” tumatawa nitong wika. Lalong nag-init ang pisngi ni Selestina. “Pinagtatawanan mo ba ako?” Umiling ito. “Why would I? Gusto ko rin namang tinititigan mo.” Kusang naghabulan ang mga paruparo sa loob ni Selestina. Lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Kung pwede lang lamunin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Hiyang-hiya siya sa ginawa kaya naman hindi niya alam kung paano mag-react sa harap nito. Kaagad siyang tumalikod at humakbang palapit sa pinto. “U-Una na ako.” Mabilis niyang binuksan ang pinto at parang kidlat niyang tinalon ang hagdan pababa ngunit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang nakakapanghina ng tuhod na halakhak ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD