Chapter 7
“Third!” Kaagad na nag-fist bump ang tatlong magkakaibigan. Palibhasa ay sikat, mabilis na naagaw ng tatlo ang atensyon ng lahat. Karamihan sa mga babae ay nagsipagtakbuhan upang matunghayan ang guwapong mukha ng tatlo. Parehong varisty ng baskteball at pareho ring anak ng mga mayayaman kaya may crush sa kanila ang halos lahat ng mga babae. Paghanga ang makikita sa mga mata ng karamihan sa mga lalake.
Nakasanayan na ng tatlo ang bulungan at impit na kilig sa tuwing magsasama silang magkakaibigan.
“Ano ba naman ‘yan? Ang iingay,” reklamo ng binatang si Third.
“Sus! Reklamo ka pa, eh, gusto mo naman,” pang-aalaska ng isa nilang kasama.
“Tss. Eh, ano pa nga ba?”
“Ang yabang, ah.” Sabay na nagtawanan ang tatlo. Sanay na rin ang kanyang mga kasama sa ganoong ingay kaya naman madali lang sa kanila ang balewalain ang mga ito.
“Grabe! Ang guwapo niya ngayon!” dini ni Third na usal ang isa.
“Noon pa naman siya guwapo! Mas guwapo nga lang siya ngayon, hehehe!”
“Bagay na bagay ang puting uniform nila, no? Ang kikinis ng balat!”
“Mayaman, eh.”
“Sus! Lahat naman ay bumabagay sa kanila!”
Tsk! Kailangan ba talagang pag-usapan kapag dadaan kami?
Napabuntonghininga na lamang si Third bago nagpatuloy sa paglalakad. Patuloy sa pag-uusap ang dalawang kasama ni Third. Inilinga-linga niya sa paligid ang kanyang paningin. Wala ang hinahanap ng kanyang isipan. Ang kamukha ni Celestine. Ilan araw na siyang binabagabag ng kanyang isipan.
Paano nangyaring may kamukha ang dalaga? Ngunit nang suriin niya sa deans office, iba ang apilyedo nito kaysa sa babaeng dati niyang kakilala.
“Hey, Bro! Ayos ka lang ba?” untag sa kanya ng kaibigang si Josh.
Nagkibit-balikat siya sabay buntonghininga. “I’m fine,” walang ganang sagot ni Third.
“Mukhang matamlay ka, ah. May nakain ka sigurong hindi maganda,” komento nito. Sumang-ayon naman ang isa pa nilang kaibigan.
“Sandali lang. Gusto kong makita ang crush ko,” pigil sa kanya ni Josh.
“Kailangan ba talagang samahan pa kita?” taka niyang tanong.
“Bro, ayaw kong maiwan dito. Magkakagulo sila dahil ang guwapo ko,” tatawa-tawa nitong sabi.
“Tsk! Hambog.”
“First honor ka, uy,” pang-iinis pa nito. “Sige na. Ngayon na lang tayo nagkasama ulit. Alam mo namang magkaiba tayo ng kurso.”
“Oo na! Ang dami pang rason. Nababakla ka na yata, eh,” hindi niya mapigilang komento.
Binatukan siya ng kaibigan. “Pinagsasabi mo?”
“Rest room lang ako,” paalam sa kanila ng isa nilang kasama na tinanguan lang ng dalawa. Hindi naman kasi nila ka-close ang lalaki. Hinahayaan lang nila itong sumabay sa kanila dahil masyado itong tahimik at walang kaibigan. Hindi rin naman magulo ang binata kaya ayos na rin kay Third.
Humilera sila sa tabi ng hallway dahil may dumadaan. Nasa ganoon silang sitwasyon nang may inginuso si Josh kay Third. Babae. “I’m not available and you know that, Josh.” Nanunuya nuyang tiningnan ang mga paparating. “Ang tagal naman ng babae mo,” reklamo niya.
“Hintay ka lang diyan! Para ka namang hindi kaibigan, ah,” angil ni Josh kaya tumahimik na si Third.
Nakatingin siya sa mga dumaan nang bihlang may nakaagaw ng kanyang atensyon. The woman he’s been waiting for. Hindi niya nagugustuhan ang babae. Kamukha nito ang babaeng kanyang minahal. Kaya naman labis ang kanyang kapag nakikita ito dahil na rin sa takot na baka nagpali lang ito ng pangalan upang maghiganti sa ginawa niyang kasalanan.
Ganito ba talaga kasikip dito? Inis na tanong ni Selestina sa sarili. Masikip ang daan at hindi niya alam kung bakit nagkakagulo ang ilang mga babae. Nahihirapan din siya dahil sa dalang libro at gamit. Nasagip ng kanyang paningin si Irish. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Humakbang ito papalapit at nakangisi siyang pinatid. Nangibabaw ang malakas na tawanan. Isa na roon ang kasamang lalaki be ni Third. Marahil ay kaibigan ito ng binata.
“Lokong Irish!” rinig niyang komento nito. Halos maluha siya dahil sa lakas na kalabog ng kanyang pagkakabagsak. Nagliparan din ang ilang papel kasama ang kanyang mga libro. Ganoon na lamang kasama ang kanyang mukha.
Sumulpoy bigla sa kanyang harapan si River at kaagad siyang tinulungang tumayo. “Are you okay?” nag-aalala nitong tanong.
“Eh, Ikaw kaya ibagsak ko rito sa sahig?” nakasimangot niyang tanong. Pinagpag niya ang suot at pinagpupulot ang nalaglag na gamit. Hinanap niya ang taong may gawa at nakita niya itong nakikipagtawanan.
Kaagad niya itong nilapitan. Huminto ito sa pagtawa at humarap sa kanya. “What are you looking at?” inis nitong tanong sa kanya.
“Irish, right?”
Nagtataka naman itong tumingin sa kanya. “And?”
“Hindi ko kakalimutan ang pangalang iyan,” malamig na tugon ni Selestina.
Humalakhak ang dalaga. “Why? Dahil ba maganda ako? Mayaman? Smart?”
Umiling si Selestina saka natatawang tumingin sa kaharap. “Hindi, eh. Mahirap talagang kalimutan dahil isa kang immature, pangit, at higit sa lahat, para kang walang pinag-aralan. You look stupid in front of me. Sa tingin mo ba papatulan kita sa mga walang kwentang pambubuyo mo? Tss. That’s so lame! May bulbol ka na, wala ka pa ring utak!” halos mamaos siya sa sobrang pagkakadiin ng kanyang sinabi.
Umugong ang tawanan. Kaagad niyang napigilan ang kamay nitong palipad na sana sa kanyahg pisngi. “Huwag mong hahayaang dadapo iyang marumi mong kamay sa maganda kong mukha dahil magsisisi ka kung iyang pangit mong mukha ang masisira.” Ibinagsak niya ang kamay nito at iniwang nakatunganga.
Hindi na niya hinintay na may mangyari pa na hindi maganda. Sigurado rin siyang mapupuna sila lalo na dahil maraing nakakita. Hinanda na lamang niya ang sarili dahil sigurado siyang ipapatawag sila sa guidance office. At iyon ang hindi niya gustong mangyari.
Iika-ika siyang pumasok ng rest room at tiningnan ang sarili sa salamin. Disheveled hair, maruming uniform, at sirang gamit. “Tss. Ano ba ang problema niya? Ano ba siya, bata? Nakakabobo siya, ah!” inis niyang singhal habang sinusuklay ang buhok.
Hindi niya namalayang nakatayo sa b****a ng pinto si River kaya gulat siya nang tumikhim ito.
“Ikaw na naman?” galit niyang tanong. “Please lang! Umaga pa lang at wala na ako sa huwisyo. Tigilan ninyo ako!” angil niya pa.
“You looked cool awhile ago, though,” komento ng binata. “Hindi ko ini-expect na papatulan mo si Irish. Tama lang din. Ganoon niya rin binubuyo si Celestine. You know, the woman who looked like you.”
Nahinto siya sa ginagawa nang magkuwento ito. “Celestine this, Celestine that. I am Selestina Alturas. Imposible namang magkamukha kami. Bago lang din ako sa lugar na ito. At hindi tayo magkakilala. Hindi rin tayo close para makipagkuwentuhan ako sa ’yo.”
“I know. Kaya lang gusto ko lang ikuwento sa ‘yo because you looked exactly like her. It’s uncanny.”
“Sus! Uncanny, uncanny pang nalalaman,” bulong ni Selestina sa sarili. Gustuhin man niyang umiwas, mukhang ang mga ito ang walang planong umiwas sa kanya.
Binitbit niya ang kanyang gamit saka nilingon ang binata. Nakapangalumbaba ito habang magka-krus ang braso. “Ano ba ang kailangan mo?”
Narinig niya itong bumuntonghininga. “Nothing. I’ll accompany you.”
Nagsalubong ang kanyang kilay. “Tss. At bakit? Kaya ko ang sarili ko. Sa pagkakaalam ko, magkaiba tayo ng klase kaya umalis ka na,” pagtataboy niya sa binata.
Nagkibit-balikat lamang ito. “Ihahatid na kita.”
Sabay silang napalingon sa humahangos na si Jordan. “S-Sel—” Nagpalipat-lipat ang paningin ni Jordan sa kanilang dalawa ng binata pagkatapos nitong mag-angat ng paningin. “Nakaistorbo ba ako?” nag-aalinlangan nitong tanong.
Mabilis na umiling si Selestina saka naglakad palapit sa dalaga. “Hindi. Tapos na kaming mag-usap. May kailangan ka ba sa kanya?”
Umiling si Jordan. “H-Hindi. Ikaw ang gusto kong makausap. Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Ano? Nalaman ko lang kasi ang ginawa ni Irish kaya napatakbo ako para hanapin ka.”
Ngumiti si Selestina. “Salamat sa pag-aalala. Ayos lang ako. Medyo masakit ang puwit ko at kumikirot pero mawawala rin ito mamaya.”
“Hay, ewan ko ba riyan sa Irish na ‘yan. Hindi man lang tumino,” kunot noong komento ni Jordan.
Natawa si Selestina sa tinuran nito. “Hayaan na natin. Ayaw ko lang talaga ng gulo pero ewan ko rin at bakit hinahabol yata ako ng gulo ngayon. Hindi naman ako mukhang prone of accident no?” tumatawa niyang tanong.
“Nakuha mo pang magbiro,” anito. “Pero, kasi, gusto ko lang humingi ng tawad sa inasal ko kahapon. Pasensya ka na at mukhang nabigla ka. Nabigla rin ako sa ginawa ko, eh.”
Tinapik niya ang balikat nito. “Ayos lang. Saka tara na at baka mahuli pa tayo sa klase.” Nilingon niya ang binatang kanina pa tahimik na nagmamasid sa kanila. “Ano? Hanggang diyan ka na lang? May pasok pa kami kaya mauuna na kami sa ‘yo. Alam mo naman na siguro kung saan kapupunta, no? Total malaki ka na, hindi ka na namin ihahatid,” mahabang litanya ni Selestina bago hinigit paalis si Jordan.
“Alam mo, hindi ako nakatulog jagabi dahil sa kaiisip sa inasta ko. Nakakapangit, eh,” pagkukuwento ni Jordan. “Hindi ko talaga alam kong bakit ko inasta ‘yon, eh!” Nanggigigil nitong sinabunutan ang sarili.
“Hahaha! Ayos lang ‘yon! Ano ka ba? Ang dami na nating problema huwag na nating isipin ang nakaraan.”
“Salamat sa pag-intindi, ha?”
Tumango lang si Selestina at magkasunod silang pumasok sa kanilang silid. Hindi nawala sa isipan ni Selestina ang nangyari buong maghapon. Lalo na at bulung-bulungan sa buong eskuwelahan ang nangyari. Hindi niya ring maiwasang mangamba lalo na at anak ng mayaman si Irish. Baka ipatalsik siya nito sa eskukelahan at hindi niya iyon matatanggap kapag nagkataong mangyayari ang kanyang kinatatakutan.
Siniko siya ni Jordan. “Ayos ka lang? Namumutla ka.” Bakas sa boses nito ang pagtataka at pag-aalala. “Kanina ka pa tulala,” dagdag pa nitong komento.
Umiling siya. “Hindi ko rin alam. Bigla na lang akong nanghihina,” usal niya. “Mukhang gutom lang ’to. Tatambay muna ako mamaya sa isang Cafe riyan sa tapat. Nasarap kasi ang cheesecake nila.”
“Ha? Diyan ba sa pinagtatrabahuhan ni River? Hindi sila nagbebenta ng cheesecake. Iyon ang pagkakaalam ko.”
Taka niyang nilingon ang kaibigan na kasalukuyang nagdo-doodle. “Huh? Bakit binigyan niya ako ng …” Hindi niya natapos ang sasabihin. Nakatingin sa kanya ang kaibigan na nagtataka na rin. “Hindi kaya nilason niya ako?”
Tumawa nang mahina ang kausap. “Dapat wala ka na ngayon dito. Pinag-iisip mo, uy. Baka naman may gusto siya sa ‘yo?” inosenti nitong tanong. Pareho silang nagulat nang mapagtanto ang sinabi ni Jordan. “Wait!” pabulong pa nitong sambit.
Kunot-noo niya itong tiningnan. “Hoy! Huwag kang assuming!” angil niya.
Para itong piniritong isda na hindi mapigil sa paggalaw. “What if? What if lang naman saka bakit binigyan ka niya kung ganoon? Hehehe!”
“Tss.”
“Yieeeh!”
“Huwag kang maingay,” saway niya rito.
“Hehehe!”
“Tumahimik ka na. Saka na tayo mag-usap. Tawagan na lang kita o kaya mag-text na pang tayo.”
“Oo na. Hindi rin kasi tayo puwedeng magsabay pag-uwi dahil may gagawin pa ako.”
Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t-isa, mag-isang tinahak ni Selestina ang daan pauwi. Madilim na dahil ala-sais na ng gabi. Maingay pa rin naman ang kalsada dahil sa mga jeep at trisikel na dumadaan. Ngunit may daanan siyang medyo madilim dahil sa sira ang solar lights sa gawing iyon.
Tumahip nang mabilis ang kanyang dibdib. Rinig niya ang mabagal, at maingat na yabag ng mga paa ng isang taong kanina pa sumusunod sa kanya.