Chapter 6
Napabalikwas si Selestina ng bangon pagdilat ng kanyang mga mata. Mabilis pa sa kidlat siya kung kumilos. Alas sais na ng umaga at may klase siya ng alas-siyete kaya halos kumaripas siya ng takbo papuntang banyo. Mabuti na lamang at may isang bakanteng banyo kaya naman inunahan na niya ang babaeng papasok sana rito.
“Holy sh*t!” rinig niya pang singhal nito ngunit wala siyang pakialam. Kailangan niyang magmadali.
Muntikan pang maputol ang suot ng kuwentas nang maipit ito ng pinto. Mabuti na lang at kaagad niyang nabawi at sarili sa pagkabigla. Ilang minuto lang ang itinagal niya sa loob at lumabas na. Hindi na niya pinansin ang masamang tingin ng babae nang sumunod itong pumasok sa banyo.
Bihis na at kailangan na lang niyang umalis. Wala na siyang oras kumain ng agahan. Bumili na lamang siya ng pan cake pagdating niya sa cafeteria ng school at iyon na lamang ang pinanggamot niya sa kumakalam na sikmura.
“My god! Totoo nga ang chismis!”
“Right?”
“Diba?”
“They looked alike.”
“So uncanny.”
“Ang weird lang, no?”
“Hindi kaya kambal sila?”
“Girl, magkaiba sila ng surname.”
“Duh! Uso na ‘yan ngayon, no? Nagkahiwalay sila noong mga bata sila at baka pinaampon?”
“Tinapon kako.”
Napahinto siya sa paglalakad ngunit nanatiling nasa harap ang kanyang paningin. Nahinto rin ang bulung-bulungan sa paligid. Itinabingi ang ulo. Sinusuri sa isipan kung kokomprontahin ba niya ang mga ito o hindi. Pinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad at baka lalo lamang siyang mahuli sa klase.
Tss. Kung sino man ‘yang sinasabi nilang kamukha ko, baka siya ang impostor at hindi ako. Bakit naman kasi hindi ko pa makita ang babaeng tinutukoy nila?
“Sel!” Kumakaway na Jordan ang nalingunan ni Selestina. “Hintay!” malakas pa nitong tawag at hindi alintana ang mga nanunuyang tingin ng mga naroon.
“Gosh! So loud,” maarteng reklamo ng isang babae. Pinandilatan lamang ito si Jordan. “Tumatapang na kasi may kakampi. Psh!”
“My god! Nagsasalita pala ang langaw rito!” inosenting pang-iinis ni Jordan sa babae dahilan upang bumungisngis si Selestina.
Nag-apir pa ang dalawa. “Hahaha! Ang lakas mong mang-inis, ah!” tumatawang komento ni Selestina.
“Sus! Easy, haha.”
“Really?” Sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Napansin niya ang biglaang pag-iba ng awra ni Jordan. Tumahimik ang dalaga at yumuko. Pansin niya ang pagiging tensyonado nito.
Naglakad si Irish papalapit sa dalawa. Magka-krus ang mga braso nito, nakataas ang isang kilay, at pulang-pula ang labi.
“Easy pala, ah.” Dinuro-duro ni Irish ang noo ni Jordan. “Bakit bigla ka na lang natameme? Sabi mo easy lang.”
Napakapit si Jordan sa balikat ni Selestina nang muntik itong mabuwal. Hinawakan ni Selestina ang kamay ni Irish at pinigilan ito sa ginagawa. “Tama na,” malumanay niyang pakiusap sa dalaga.
Marahas na binawi ng dalaga ang sariling kamay. “Don’t you dare touch me,” mariin nitong sabi. “You’re trash.”
Itinabingi niya ang sariling ulo. Pilit iniintindi ang sinabi ng kausap. “Kung ganoon hugasan mo ‘yang kamay mo. Nadumihan ‘yan,” aniya.
Napansin niya ang nanlalaki nitong mga mata. “W-What?” gulat nitong tanong.
“Tss. Hinawakan mo siya kaya nadumihan ka. Now, shoo! Maghugas ka ng kamay.” Hinigit niya ang kaibigang si Jordan at mabilis silang naglakad palayo.
Hingal na hingal siya pagdating sa silid nila. “Aray! Ang dibdib ko,” reklamo niya pa. Hapong-hapo siyang umupo.
“I’m not trash.”
Nagtataka niyang nilingon ang kasama. “Ha?”
“I said I’m trash. Bakit mo naman sinabing marumi ako?” Pansin niya ang galit sa boses nito.
“Ha? Wala akong sinabing ganoon,” aniya.
“Yes you did! Non-verbatim but still the same meaning. Sinabi mong nadumihan ang kamay niya dahil hinawakan niya ako.”
Natigil si Selestina. Hindi niya alam kung paanong magre-react. Tumulong lang naman siya pero naging masama pa siya sa paningin nito. “Okay?” naguguluhan niyang tanong.
Hindi ito kumibo. Nagdadabog itong lumabas ng silid pagkatapos nitong inilapag ang bag sa sarili nitong upuan. Nagtataka itong sinundan ng tingin ni Selestina. Bumuntonghininga na lamang siya. Buong klase siya nitong hindi pinansin. Nagtangka siyang alukin ito na sabay silang kumain ng tanghalian ngunit dire-didetso lang itong lumabas ng silid bitbit ang mga gamit. Hindi man siya nito hinintay.
Tss. So much for helping someone. Way to go, Selestina.
Mag-isang bumaba si Selestina para kumain ng lunch. Hindi niya mahagilap si Jordan. Gusto niya sanang humingi ng tawad pero mukhang iniiwasan siya nito. Hindi niya rin naman ito mapipilit dahil mukhang nainis ito sa kanyang sinabi.
Tss. Para namang totoong basura siya? Napakababaw naman ng rason niya para magalit? Sana pala hindi na ako kumibo. Hinayaan ko na lang sana siyang pagtripan ni Irish. Tss.
Napaigtad si Selestina nang biglang umupo sa harap niya ang isang lalaki. Kauupo niya lang galing pumili at susubo na sana ng binili niyang sandwich. Nagtataka niya itong tiningnan. Hindi man lang ngumingiti ang lalaki at hindi rin nito binabawi ang sariling paningin. Titig na titig ito sa kanya dahilan upang mapalunok siya ng wala sa oras. Muntik pa siyang mabilaukan ng sarili niyang laway.
“Ano ang kailangan mo?” tanong niya sa nagtatakang boses. Kahit sabihin niyang hindi suya interesado, sa mga nangyayari nitong nagdaang mga araw ay hindi niya mapigilan ang sariling makiusyuso.
Tumabingi ang ulo ng lalaki. Pinag-aaralan nito ang bawat anggulo ng mukha ni Selestina. Narinig niya itong bumuntonghininga.
“You look exactly like her.”
Nalukot ang kanyang noo. “Umalis ka sa harap ko,” malumanay niyang pagtataboy sa binata.
“River. My name’s River Smith,” anito na para bang matagal na silang magkakilala. Para tuloy siyang nagising mula sa pagkaka-coma at pinapaalala lang sa kanya ng binata kung sino ito sa buhay niya.
“Wala akong pakialam sa pangalan mo,” aniya at ibinaling ang atensyon sa pagkain.
Tumunog ang mesa nang itulak ni River palapit kay Selestina ang dala nitong tray ng pagkain. “Eat. This is what you like.”
Napabuga ng hangin si Selestina. “Puwede ba, huwag mo akong tratuhin na para bang matagal na tayong magkakilala. Stop treating me like I’m a different person. You're just hallucinating,” padabog niyang wika. Itinulak niya pabalik sa harap ni River ang sarili nitong pagkain. “Kainin mo ‘yan. Mukhang mas kailangan mo pa iyan kaysa sa akin. Ang payat mo. Guwapo ka sana kaso ang putla ng balat mo. Naarawan ka ba? Tss. None of business kaya huwag mo ng sagutin.”
“My gosh! Did you hear that? Pinapagalitan niya si River!”
“Right? Napaka-eskandalosa!”
Itinuloy niya ang pagkain ngunit nanatiling nakatitig sa kanya si River. Umugong ang bulung-bulungan nang may pumasok na ibang estudyante. Si Third, at kasunod ng binata si Irish na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin ito sa kanya.
Ibinalik niya ang paningin sa pagkain at tinapos ito. “Tss. Ang ingay,” reklamo niya. Inisang laghok niya ang biniling juice at tumayo na. Hindi na niya pinasin si River dahil magkaiba naman ang klase nilang dalawa.
Mabibilis at mahahaba ang kanyang mga hakbang. Halatang nagmamadali. Ayaw niyang makita si Third, lalo na si Irish, o kahit sino sa kanilang lahat. Nagugulo lang ang tahimik niyang isipan. Umakyat siya sa ikatlong palapag ng building at pumasok sa girls rest room. Wala masyadong gumagamit sa rest room na ito dahil na rin sa malayo at nakakapagod umakyat gamit ang hagdanan.
Napasigaw si Selestina sa gulat. Bigla na lang hinampas ang pinto ng banyong pinasukan niya. “Get out,” rinig niya wika ng tao sa labas. Boses lalaki at hindi siya nagkakamali. Si Third ito.
Lumabas siya at masama itong tiningnan. “Ano ba ang kailangan mo?” inis niyang tanong dito.
“Celestine.”
“Ha!” natatawang asik ni Selestina. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako si Celestine. Tigilan n’yo na ako.”
“No. You’re Celestine.”
“Hindi ako si Celestine.”
“Nandito ka para maghiganti, right?” makulit nitong tanong.
Natigilan si Sel. “Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo?” Hindi niya maintaindihan ang lumalabas sa bibig ng binata. Umiling-iling si Selestina. “Nandito ako para gumamit ng cr at nandito ka naman para manggulo. Umalis ka na. Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo. Alis.”
Hindi pa rin natinag si kinatatayuan niya si Third. “Hindi ako aalis. Dito lang ako.”
Hindi niya mapipilit ang binata kaya siya na ang nagpasyang lumayo rito. “A-Aray! Ano ba?” angil niyang tanong. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. “Bitawan mo ako,” ani Selestina.
“We are not done talking.”
“Sinabi ng bitawan mo ako!” galit na sigaw ni Selestina. Padaklot niyang binawa ang kanyang braso.
“The girl said you’re out, Marrazi.” Sabay na napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Naglakad papalapit sa kanila si River. Hindi maipinta ang mukha nito. Kunot ang noo, nagsus*ntukan ang dalawang kilay. Galit yata ang binata. “Out,” mariin nitong pagpapalayas kay Third.
Umalma ang binata. “Stop meddling with my affairs, Smith.”
“Mmm. I’m not meddling. You don’t have any affairs?” pang-iinis nitong tanong.
It was Selestina’s chance to escape. Dahan-dahan siyang lumabas ng rest room at iniwan ang dalawa na nagbabangayan. “Ano ba ang problema nila? Bakit ba hindi nila ako tigilan? Nakakapagod!”
Padabog siyang naupo sa sariling upuan. Hindi pa rin siya pinapansin ni Jordan kaya hinayaan na lamang niya itong magpag-isa. Natapos ang klase na walang nanggulo kaya nakahinga siya nang maluwag. Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit at kakausapin sana si Jordan ngunit mas mabilis pa itong nakalabas sa silid nila.
Parang kidlat, ah. Iwas na iwas, eh. Bukas na nga lang.
Bumaba na rin siya dahil wala naman ng gagawin. Tapos na rin niya ang kanilang seatwork at may quiz sila bukas kaya kailangan niyang mag-aral. Pumasok siya sa isang sikat na Cafe malapit sa dorm niya. Pumila at bumili ng kape at naupo sa isang tabi habang nakatutok sa kanyang notes.
“Here’s your order, Miss Sel,” nakangiting wika ng boses lalake. Nasalubong niya ang nakangiting mukha ni River pagkatapos niyang mag-angat ng paningin. “Kanina oa tinatawag ang pangalan mo kaso mukhang seryoso ka sa pag-aaral kaya hinatid ko na.”
Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. “Ah, sorry,” napapahiya niyang wika. “Hindi ko narinig,” dagdag niya pa.
Ngumiti ng matamis si River. “It’s alright. Enjoy.” Pinanood ni Selestina ang binata habang abala ito sa trabaho. Nagdagsaan ang costumers at kailangan na niyang umalis dahil halos lahat na naroon ay pawang katulad niyang estudyante.
Ayos lang naman at malapit lang naman ito sa tinitirhan niya. Ilang hakbang lang at narating na niya ang kanyabg silid. Nagbihis siya at nagsimula na ulit mga-aral. Alam niyang kinabukasan ay panibagong araw at panibagong hamon na naman ang kanyabg haharapin.
“Tss. Sana walang manggugulo bukas. Hindi pa man nangangalahati sa pasukan ay napapagod na ako. Para akong nakikipag-away sa malaking lion.”
Inabot na siya ng alas-dose ng madaling araw kaya naman bangag siya kinaumagahan. Wala sa sarili siyang naliho at nagpalit ng damit. Hindi na siya nag-abala pang magsuklay at pumasok na sa eskwelahan.