Sabay na tumayo ang dalawang binata pagkatapos nilang makapatanggap ng mensahe mula sa isang hindi kilalang numero. Nagkatiningan pa ang dalawa bago tuluyang lumabas ng silid-aralan at binaybay ang daan papunta sa Guidance Office. “You received a text,” kaswal na wika ni River sa kasabay na tahimik lamang na tumango. Irish is planning something ridiculous. Follow her to the Guidance Office if you want to know. “It’s probably about the commotion in the gym,” anang River. “Yeah. It will,” mahinang sagot ng kausap. Ganoon na lamang ang gulat ng dalawa matapos mabungaran ang dalagang si Irish na nakaupo sa harap ng Guidance Counselor at kung ano-ano ang mga sumbong nito. Sabay na lumingon ang dalawa nang dire-diretso silang pumasok. “What are you doing here?” nagtatakang tanong n

