Chapter 45 “Grabe! Hindi ako makapaniwala sa klase ng utak na mayroon ang babaeng ‘yon,” namamanghang komento ng dalagang si Jordan pagakatapos nilang lumabas ng Guidance Office. Bumuntonghininga si Selestina. “Ako rin. Biruin mo, nagawa niyang magpasampal para lang akusahan ako? Sus! Tumaas yung blood pressure ko dahil sa kanya. Sana pala tinuluyan ko na kanina, eh! Nakakairita!” galit niyang singhal habang naglalakad. “Di ba? Parang tanga, eh. Grabe! Mag-iingat ka talaga sa mga ganiyang klaseng tao. Baka mamaya mas malupit pa roon ang gagawin niya sa susunod para lang mapahamak ka,” paalala ni Jordan sa kaibigan. Bumuntonghininga si Selestina. “Tama ka. Ang hirap niyang pakisamahan, ah. Seryoso ba talaga siya? Parang ako na lang ng ako ang nakikita niya sa araw-araw. Hindi ba siya

