Chapter 38 Hindi pa rin nawawala ang inis ni Selestina kahit tapos na ang kanilang panghapong klase. Ang laking problema para sa kanya ang pgkakasali ng kanyang pangalan dahil unang-una, ayaw niyang pinagpapawisan. Pangalawa, matagal na nang tumigil siya sa paglalaro. Hindi niya naman niya masabi sa kaibigan na marunong siya sa paglalaro ng volleyball dahil baka hindi na siya nito pakawalan. “Hay,” pabulong niyang buntonghininga. Niligpit niya ang kanyang gamit at pagod na pagod siyang tumayo. “Nakakainis,” kunot ang noo niyang sabi. Nilingon ni Jordan ang kaibigan. “Alam mo, nakakagalit talaga ang ginawa niya. Bakit ba siya ganiyan, ha? She’s so lame. Hindi naman talaga nakakatuwa ang mga pinaggagawa niya.” “Hindi ko siya maintindihan, eh. Para siyang walang sariling isip, alam mo

