Chapter 39 “Wow! That was intense!” Mabilis na nabaling ang paningin ni Selestina dahil sa pamilyar na boses. Nakangiti ang binatang si River habang pumapalakpak ng dahan-dahan. Iiling-iling pa ito na animo ay hindi makapaniwala sa nasaksihan at narinig. Nag-thumbs up pa ito sa kanya bilang suporta. Galit na lumingon ang dalagang si Irish sa bagong dating. “Wow? Really, River? You are now supporting an impostor?” pabalang nitong tanong sa binata. Bahagyang nagsalubong ang kilay ng binata bago nagkibit-balikat. “Well, not really. Wala akong pinapaboran sa inyong dalawa. I don't want to meddle in a fight between a cat and a lioness,” he shrugged. “Psh! Seriously? You are already meddling.” “Hmm. If that is how you see it, then be it,” seryoso na sagot ni River. “Psh! Whatever,

