Chapter 36 Nilingon ni Selestina ang kanyang cellphone na nakapatong sa isang libro pagkatapos nitong tumunog. Umilaw ang screen hudyat na may natanggap siyang text. “I know you’ve been thinking about me.” Napairap siya ng mabasa ang mensahe mula sa binatang si Third. “Ang tigas talaga ng mukha nito, ay,” hindi niya mapigilang komento. Pahablot niya itong kinuha at kaagad na nagtipa ng reply. “Kapal ng feslak mo, boy.” “Hahaha! Guwapo pa rin.” “Ang hangin.” Matagal bago siya nakatanggap ng reply. Inis niyang tinitigan ang kanyang cellphone at planong hayaan na lang ito nang bigla itong tumunog. “Tss. Akala ko naman hindi na makaresbak ang bakla,” natatawa niyang usal. “Don`t worry. Dadalhin ka naman ng hangin papunta sa akin.” Napaubo siya dahil sa nabasa. Muntik niya pa

