Chapter 4 The Ghost of you
Selestina was dumbfounded with the way everyone treated her. Para bang isa siyang multo sa mga ito. Nagtataka siya kung bakit nagugulat ang mga ito kapag nakikita siya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit may mga taong galit sa kanya gayong ngayon lang naman siya nakatungtong sa lugar na ito. Galing siya sa bukid at sanay siya sa pamumuhay roon. Wala rin siyang naging kaaway sa dati niyang eskwelahan kaya lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.
Kagaya na lang ngayon. Nakaupo siya at nagbabasa nang bigla na lang may dumaklot sa kanyang binabasang notes. Nagtaas siya ng paningin at nasalubong niya ang nakakasulasok na amoy ng pabango ng isang babae. Dumagdag pa ang nakataas nitong kilay at ang nakangisi nitong labi na sobrang pula dahil sa lipstick na gamit.
Tumaas ang kanyang kilay kasabay ang pagkunot ng kanyang noo. “Anong kailangan mo?” marahan niyang tanong sa istorbong babae.
“Oh? You don’t remember me?” kunot-noo nitong tanong sa kanya.
Ngumiwi si Selestina. “Kailangan ko bang alalahanin kung sino ka?” walang gana niyang tanong. Wala siyang enerhiyang makipagtalo lalo na at nakalimutan niyang mag-almusal dahil sa pagmamadali at sa takot na mahuli sa klase.
“Tsk. How dumb! Nagkausap na tayo,” ani ng babae. “Remember? The other day?” taas kilay nitong tanong sa kanya.
“Tss. That just means you are not that popular, Miss-Whatever-Your-Name-Is,” napipikon ng wika ni Selestina. Bumungisngis ang mga kasama ng babae.
“Shut up!”
Itinabingi ni Selestina ang kanyang ulo. Winawari ang sinasabi ng babae. “Wala akong panahong makipaglaro sa ‘yo.” Inilahad niya ang kanyang kamay at isinenyas ang notebook na hawak ng babae. “Give me that,” mahinahon niyang utos.
Umirap ang babae saka tumawa nang mahina. “Who said you can just talk to me like that? Impostor,” mahina nguniy may diing usal ng babae.
Bumuntonghininga si Selestina. “Alam mo, naririndi na ako riyan sa mga patutsada mo. Kung may oras kang makipagbangayan, puwes, ako wala.” Mabilis niyang hinablot ang kanyang notebook kaya napatili ang babae.
“Gosh!” Tili ng iilang naroon at nakakita sa kanyang ginawa.
“How rude!” ungot ng babae.
“Wow! Ako pa ngayon ang walang modo?”
“Nasaktan ka ba, Irish?” tanong ng isa pang alipores ng babae.
“Irish ang pangalan niya? Tss! Bagay sa kanya. Pang-inggrata!”
Mabilis na umiling ang babaeng tinawag na Irish. “I-I’m fine.” Lumapit kay Selestina ang babae at bumulong. “Hindi pa tayo tapos. Humanda ka. Sisiguraduhin kong magsisisi kang bumalik ka rito.”
“Yeah, yeah,” pang-inis niya pa sa babae.
“Grrr! I hate you! Lalo na at iniwan ako ni Third dahil sa babaeng kagaya mo!”
Mabilis kong hinablot ang kanyang kamay nang akma itong tatalikod na. “Alam mo, kung ano man iyang pinaplano mo, wala akong pakialam. Kung ano man ang ginawa mo sa akin noon kagaya niyang sinasabi mo, wala rin akong pakialam. Guess what? I am not a child. I am not immature. I am not stup*d. Unlike you, baka naman puro pambubuyo lang ang alam mo? O baka naman puro lang landi ang laman ng utak mo? You said it yourself. You're an ex-girlfriend of this Third whoever-he-is. Wala akong pakialam. Now, alis. Nakasusulasok ang pabango mong amoy imburnal. Baka mamaya sa sobrang sama ng ugali mo, pabango na ni Satanas ang pinanligo mo.”
“Grrrr!” Nagtatadyak itong tumalikod sa kanya.
Nagsipagsunuran sa babae ang mga alipores nito nang mabilis itong lumabas ng silid. Naiwang naguguluhan si Selestina lalo na sa mga iniwan nitong kataga na nagpagulo ng kanyang isipan.
“Good morning,” bati ni Jordan pagkatapos umupo sa katabing upuan. “Nakasalubong ko si Irish. Ano ang ginawa niya sa ’yo?” nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Umiling si Selestina. “H-Hindi ko alam,” utal niyang sagot. “Bigla na lang siya nagsalita ng kung ano-ano.”
“Talaga? Hindi ka ba sinaktan?”
Umiling siya. “Hindi naman. May mga sinabi lang siyang nagpagulo sa isipan ko.”
“Tulad ng?” usyusong tanong ng kaibigan.
“Impostor.”
Kumunot ang noo ng kausap. “Huh? Bakit naman niya sasabihin ‘yon?” nagtatakang tanong ni Jordan.
“Ewan ko,” kibit-balikta na sagot ni Selestina.
Marahil ay may kamukha siya? O hindi kaya namamalikmata lang si Irish?
Bumuntonghininga siya. Hindi niya rin malaman ang sagot sa kanyang nga tanong.
“Hay, naku! Baka mamaya pisikalan na ang gagawin niya sa ’yo, huh?” Bakas ang pag-aalala sa tono ng kaibigan nang tanungin siya nito.
Umiling siya. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko,” aniya.
Matapos ang klase ay sabay na bumaba ng building ang dalawa upang mananghalian. Napalingon si Selestina sa gulat. May bugla kasing humablot ng school card niya nang akmang magbabayad sa cashier ng binili niyang pagkain. Nagtawanan pa ang dalawang lalaki na animo ay may nakakatuwa sa ginawa nito.
“Ibalik mo ‘yan,” mahanahong pakiusap ni Selestina sa dalawa.
Lumingon ang mga ito sa kanya. “Tss! Manahimik ka. Nasa akin ’to kaya ako ang gagamit nito,” sagot ng lalaki. Ngumisi pa ito sa kanya habang inaabot ang hawak na card sa cashier. Tinanggap naman ito ng cashier habang nakataas ang sulok ng labi na animo ay natutuwa ito sa ginagawa ng dalawang lalaki.
Huminga siya nang malalim. “A-Ay, Sir. Kulang ang laman ng card niya.” Napalingon ang dalawang estudyante dahil sa sinabi ng cashier.
“What? Magkano ba ang kulang?” naiinis nitong tanong. Pinandilatan ito ni Selestina pagkatapos nitong lumingon sa gawi niya. Nakatayo pa rin kasi siya sa harap ng cashier.
“Ah, hehe. fifty pesos lang ang laman ng card niya.”
“W-What? Tsk! Akala ko naman makahuhuthot ako ngayon!” pagalit nitong sabi sabay kuha ng sarili nitong card at iniabot ito sa cashier. “Ayan na ang card mo, pulubi!” Patapong ibinalik ng lalaki ang card niya kaya kaagad niya itong pinulot sa sahig.
Bumuntonghininga si Selestina. Gusto niyang sumabog pero pinigilan niya ang sarili at baka masira pa ang scholarship niya.
“God! Ang pangit naman ng araw na ’to,” rinig niyang reklamo ni Jordan nang maupo siya sa tabi nito dala ang kanyang pagkain.
“Ayos ka lang?” tanong niya.
“Hindi. Lalo na dahil sa mga kagagahang hinagawa nila sa ‘yo. Hindi ba sila napapagod? I mean, girl, ako pagod na at naririndi na rin ako.”
Tumawa nang mahina si Selestina. “Ayos lang naman ako, ah. Saka, sus! Mahinang nilalang ang mga katulad nila. Puro salita. Hayaan na natin at darating din naman ang panahon na mapapagod din sila,” mahabang litanya ni Selestina.
“Yeah. Well, lets eat and change topic na nga rin tayo. Plano kong maghanap ng malilipatang dorm. Naiinis ako roon sa boarding house. Maiingay kasi ang mga kasama kong taga-kabilang school. Hindi ako makatulog nang maayos kasi ako ang panay taga-bukas ng pinto kapag late na silang uuwi galing sa gala. Nakakapagod. Hindi ako makapagpahinga nang maayos.”
“Talaga? Grabe naman ‘yan. Baka naman puro gala lang ang inaatupag nila, ha,” aniya. “Pero may vacant na isa sa dorm namin. Mura naman siya,” dagdag niyang wika.
Biglang kumislap ang mga mata ni Jordan dahil sa narinig. “Talaga? Pwede kaya ako riyan? Total magkaklase naman tayo!” excited niyang sambit.
Tumango si Selestina. “Sasamahan kita sa landlord namin mamaya pagkatapos ng klase,” aniya.
“Halos magkasabay naman tayo sa lahat ng subjects, hindi ba?”
“Oo. Sa minor lang tayo hindi masyadong magsasama,” sagot ni Selestina.
“Sige. Pupunta ako basta sasamahan mo ako, hehe.”
Tinapos nila ang pagkain at bumalik uli sa klase. Hindi pa man nakakaakyat ng hagdan si Selstina ay may pumatid na sa kanya galing sa grupo ng mga babaeng pababa ng hagdan. Mabilis pa sa kidlat siyang sumalampak sa sahig. Napaingit siya dahil sa lakas ng tama na kanyang natamo. Kaagad na umugong ang tawanan. May ibang nagulat at nagtaka, may iba namang walang pakialam at dire-diretso lang sa paglalakad.
“Oh my goodness!” sigaw ni Jordan. Kaagad siyang nilapitan ng kaibigan at tinulungan siyang tumayo.
“Ops! My foot slipped kaya nasagi kita. Sorry,” tumatawang wika ng pamilyar na boses.
Pinagpag niya ang suot na palda at nag-angat ng paningin sa nagsalita. “Really?” kunot-noo niyang tanong. “Huwag kang pakasigurado at baka aksidente ring lilipad itong kamao ko at maglanding ito sa ilong mo,” nanghahamon niyang wika.
Takot naman itong napatakip ng mukha. “Gosh! How brutal!”
“Nye! Nye! Nye! Parang may sakit sa utak,” utas ni Selestina. “Ano bang nakakatuwa sa pagpatid sa akin? Really, Irish? Nakakatuwa na ‘yon? What you did to me reflected how lame of a person you are. Masyado kang immature para patulan. Tara na.” Iniwan niyang nakanganga ang babae at nagngingitngit sa inis.
Nilingon niya si Jordan na tumatawa. “Bakit?”
Tinaasan siya nito ng kilay. “Girl! Ang astig ng ginawa mo! Hahaha! Umuusok talaga ang ilong ng Irish na ‘yon. Kita mo ang reaksyon niya? Hahaha! Hindi ako maka-move on!” tuwang-tuwa nitong kwento.
Bumuntonghininga siya sabay himas ng kanyang puwitan. “Bwisit siya! Ang sakit ng puwit ko, ah. Lintik lang ang walang ganti. Pero hayaan ko na at baka ma-guidance pa ako. Pag-aaral ang ipinunta ko rito hindi ang pakikipag-away sa mga walang kwentang tao.”
“Punta muna tayo sa Nurse Station. Nasa kabilang building lang naman,” suhestiyon ni Jordan pero kaagad na tumanggi si Selestina.
“Huwag na at mag-aaksaya lang tayo ng oras. Saka mawawala rin ito. Medyo napalakas kasi ang pagkakabagsak ko sa semento, eh.”
“Ayun nga. Lakas ng kalabog, eh,” natatawang wika ni Jordan.
“Hmp! Pagtawanan mo pa ako,” nakangusong reklamo ni Selestina.
“Haha! Eh, kasi naman—” Ayun at hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil hindi na ito matigil sa katatawa.
Umingay kaagad ang klase dahil sa kanilang pagdating. Nagtataka namang naupo si Selestina sa kanyang upuan. Mabilis na mga kamay ang dumaklot sa kanyang braso dahilan upang mapatayo siya nang mabilis. Hindi pa man din nag-iinit ang kanyang pang-upo ay may panibagong istorbo na naman siyang hinaharap.
“Ano ba?” nagtatakang singhal niya sa taong nakahawak sa kanyang braso.
“Huh! Now what, Impostor? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa ’kin?” nanggagalaiting tanong ni Irish kay Selestina.
Padaklot na binawi ni Selestina ang braso sabay hilot dito. Namumula ang kanyang braso. Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak ni Irish sa kanya.
“Nababaliw ka na ba?” nagtatakang tanong ni Selestina. Gulat niyang tinitigan ang pagmumukha ng babae. Namumula ang kaliwa nitong pisngi na para bang sinampal ito ng sampong kamay na magkasabay at walang tigil.
“What? Nakita mo na? Alam mo na?” Dinuro-duro siya ni Irish. “You, b*tch, did this to me,” nang-aakusa nitong wika.
Huminga nang malalim si Selestina. “Alam mo, may saltik ka na yata, eh. Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Bakit ba ako lagi ang pinag-iinitan mo? Saka, paano naman nangyaring ako ang dahilan kung bakit namaga iyang mukha mo? Nababaliw ka na talaga,” hindi mapigilang wika ni Selestina.
Irish crossed her arms and scoffed. “Well, pinagtanggol ka lang naman ng mga alipores mo at ako ang pinag-initan. Kaya kasalanan mo ’to.”
Natigilan si Selestina. Hindi niya maintaindihan ang sinasabi ni Irish. Wala naman siyang kaibigan sa Unibersidad na ito at isa lang ang nakakasama niya. Si Jordan. “Imposible ang sinasabi mo. Magkasama kami ni Jordan kaya imposibleng siya ang may gawa niyan.”