Kabanata 3

1766 Words
Kabanata 3 “Sigurado kana ba talaga dito? Pwede naman tayong maghanap ng iba, Hyacinth.” Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero wala na akong magagawa. Kailangan kong mabayaran ang utang ni papa sa loob ng dalawang buwan. Kailangan ko ito. Hindi ko alam kung bakit sabay pa talaga silang magtungo sa bahay para sa utang ni Papa. Nakakapagtaka. Para nilang plinano ang pagpunta. Imposible naman na magsabay sila sa isang araw lang. Umiling ako. Kung ano-ano ang iniisip ko. I need to focus on my job now. Malaki ang dapat na babayaran ko. Tumingin ako sa bagong tatrabahuhan ko. I apply for another job. Nahihirapan na nga ako magbayad ng lupa namin ito pa kayang milyones na ito? Saan ba ginamit ni Papa ang ganito kalaking pera? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, wala akong maisip. Maluha-luha akong tumingala. Hindi ko alam kung mababayaran ko lahat ng iyon sa loob ng dalawang buwan. Kahit yata ibenta ko ang katawan ko ay hindi pa rin iyon sapat. “Hindi na. Pagseserve lang naman ang gagawin ko dito, Lay. Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako.” Ngumiti ako at niyakap siya. “Sige na at umuwi kana.” “Wala kang kasama mamaya pauwi. Dito na lang muna ako. Hanggang anong oras ba ang trabaho mo?” Umupo ito sa upuan sa labas kung saan katabi ng guard. “Hanggang alas dose pa ako, Lay. Kung sa gano'n doon kana lang muna sa loob.” Nag-aalala ako. Bar itong pangatlong tinatrabahuhan ko at hindi maiiwasang magkakagulo minsan dito. “Dito na lang ako. Andito naman si Manong Guard eh, makikipagkwentuhan na lang muna ako sa kanya. Sige na pumasok kana doon.” “Sure kang ayos ka lang dito?” Hindi talaga ako mapakali. Tumango siya saka tumayo. Tinulak niya ako papasok ng bar. “Oo nga ayos lang ako. Huwag ka nang mag-alala sa 'kin basta pokus ka lang sa trabaho mo baka mapagalitan ka eh.” “Fine.” Tumingin ako sa guard na nakatingin sa amin. “Kuya pakibantayan naman po muna nitong kaibigan ko, please.” Ngumiti si Manong saka tumango. Tinitigan ko pa muna siya bago muling magpasalamat. Kaagad na sumabog ang napakalakas na kanta pagpasok ko sa loob ng bar. I saw smoke all around the place, the colorful disco lights giving life to the bar. I licked my lips and stared at the crowd, they were wild dancing on their own free will. Bumuntong-hininga ako bago ginawa ang trabaho ko. Nang mag-alas dose ay nagpaalam na ako para umuwi. Okay naman itong trabaho ko, nakakapagod lang umakyat at pababa. Ako kasi minsan nagseserve ng inumin sa itaas kung nasaan naroon ang mga VIP room. Mas nakakapagod ito kaysa sa coffee shop ni Ma'am Lucil. Pero kakayanin ko, wala din naman akong choice kundi ang tiisin ang lahat. Paglabas ko ng bar ay nakita ko si Layla na masayang nakikipag-usap sa guard. May pahampas-hampas pa siyang nalalaman baka mabatukan siya ni Manong eh. “Layla.” I call her while a wide smile plastered in my lips. Mabilis naman itong tumayo at nagpaalam na kami sa guard. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagbantay kay Layla. “Close na kayo ni Manong?” Nakangiti ako habang naglalakad na siyang kinairap niya. “Tigilan mo nga ako sa pekeng ngiti na 'yan. Burahin mo iyan dahil hindi nakakatawa. Ako ito Hyacinth, kaya hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko.” Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko. Bumagsak ang balikat ko. Pagod na humilig ako sa balikat niya. “I'm so tired, Lay. Gusto ko ng magpahinga.” Inakbayan niya ako. “Malapit na tayo Hyaci, konting tiis na lang. Hayaan mo bukas maghahanap din ako ng trabaho malapit sa bar na tinatrabahuhan mo para may maitulong ako sa'yo. Just be strong, Hyacinth. Huwag lang susuko ha? Nandito lang ako lagi para sa'yo. Bestfriend right?” Napaluha ako ngunit mabilis ko iyong pinunasan. I smiled at her. “Thank you! Thank you for staying, Lay. Thank you for not leaving me. Yes, bestfriend.” Pagdating sa bahay ay natulog agad ako. Hindi na ako kumain pa. Pagod na pagod ako. Ilang oras lang ang pahinga ko. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Katulad ng nagdaang araw ay umiyak ako habang inaalala ang alaala namin ni Papa. Ilang minuto akong ganoon hanggang sa napagpasiyahan kong bumangon. Today, I need to pretend that I'm okay, lagi naman. Agad akong nag-ayos para sa trabaho. Paglabas ay agad kong nakita si Layla na nag-aayos sa kusina. “Morning!” bungad niya sa 'kin. Tumango ako at umupo sa tabi niya. Sabay kaming kumaing dalawa. At sabay na pumasok sa trabaho. Wala namang espesiyal na nangyari sa akin sa araw na iyon. Bahay, trabaho lang ang laging destinasyon ko at wala ng iba. Si Lay naman ang pumupunta sa palengke para mamili dahil lagi akong nasa trabaho. Every Sunday at Saturday ay nasa bar ako. Sayang ang kita ko doon, may kalakihan pa naman ang sweldo. “Did you eat?” Nagulat ako isang araw ng may magsalita sa gilid ko. Lark Nagpupunas kasi ako ng mga mesa sa pinakadulo ng coffee shop. Sa araw-araw na nagdaan ay paunti ng paunti ang mga nagtutungo dito. Tumingala ako para tingnan siya. “Huh? Ahh oo,” sagot ko. “Your so thin,” masungit niyang sabi saka may nilapag sa mesa na pinagpupunasan ko. Dalawang plastik. Nang tingnan ko ang laman ng isa ay nagulat ako. Puno iyon ng mga mamahaling pagkain. Ang isang plastik ay puno ng mga sari-saring prutas. Para sa 'kin? “Hala Sir, wala po akong ibabayad sa mga ito. Huwag na po.” Umiling-iling ako at ibinalik sa kanya ngunit sinamaan niya ako ng tingin. Napanguso ako. “Call me that again, you won't like what will I do to your mouth!” Tumalikod siya at naglakad papalabas. “That's for you. Para magkalaman ka.” “Pero...Lark, sandali.” Hinabol ko siya dala ang mga plastik. “Hindi ko matatanggap ito.” Mataman niya akong tinitigan na walang emosyon ang mukha. Para siyang galit kasi nakatiim ang bagang niya. Napalunok ako. My eyes grew big when he grabbed my hand and pulled me closer to him. “You don't want it? What about I'd eat you instead?” He murmured. I bit my lip, kumalabog nang malakas ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, natatarantang pilit na lumalayo sa kanya. I smiled faintly, shaking my head. Sinubukan kong lumayo ulit sa kanya. “Akin na pala 'to hehe sige. Salamat dito!” Tumalikod ako at naglakad papalayo. Akala ko ay hindi na niya ako susundan. Malapit na ako sa pintuan ng shop nang pigilan niya ako. I gashed when I felt a grip on my arm, mabilis akong napalingon at pumirmi ang labi ko nang makita siya sa harap ko. Sa araw-araw niyang nandito sa coffee shop ay unti-unti na din naman kaming naging close na dalawa. Nag-uusap kami minsan kapag may time ako o walang masyadong customer. Hindi naman lagi iyon dahil minsan ay sa kusina ako nagkukulong. “Bakit?” I whispered, my hand trembled hard and I was startled when he held both of it. “I'm going to Ukraine for three days.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. “And?” Ano naman ang pake kung pupunta siya doon? Nang-iingit siya? Nagsalubong ang kilay niya at sumama ang mukha. Galit na naman. “Nothing.” Binitawan niya ako at tumalikod na. Anong problema no'n? Lagi na lang siyang galit. May ibang emosiyon pa ba siyang pinapakita maliban doon? Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob. Ang nakangising si Layla at Chinny ang bumungad sa 'kin. Umiling lang ako at dumeretso sa bag ko. Nilagay ko doon ang ibinigay niya. Panandalian akong natulala ng maalala ang sinabi niya. ‘You don't want it? What about I'd eat you?’ Lumipas ang tatlong araw na hindi na siya pumunta sa shop. Hanggang sa mag-isang linggo na ay wala akong nakitang Lark na pumunta doon. Siguro ay nagsawa na sa kape namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin pero nanlulumo ako. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong mundo. Nang maka-sweldo ako ay lahat ng iyon ay ibinayad ko sa utang. Paunti-unti kong binabayaran. Nakahiga ako sa kama ko at nakatulala sa kalendaryo. Mag-iisang buwan na pala pero wala pa ako sa kalahati. Ayokong makulong. But did I have a choice? Kailangan kong gumawa ng paraan. Tatawagan ko ang mga kakilala ko sa Mindanao at hihiram din muna ako. Kumuyom ang mga kamay ko. Unti-unting dumausdos ang luha sa mga mata ko. Hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin para mabayaran lahat ng utang ni papa. Kulang na lang ay ibinta ko ang sarili ko sa mga mayayaman sa bar. But I know Mama won't like it. “Hyacinth? Okay ka lang? Umiiyak ka ba? Pwedeng pumasok?” Napaupo ako nang marinig ang boses ni Layla. Hindi niya ako pinagtrabaho dahil sobrang init ko kaninang umaga. Kahit anong pilit ko sa kanya na kailangan kong magtrabaho ay hindi siya pumayag. Pinagpaalam na din niya ako kaya wala akong magawa. Sayang ang kita ko sa araw na ito at ang sabi niya ay siya muna ang papasok. “O-Okay ako. Sige.” Pumasok siya at nakita niya akong umiiyak. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. “May masakit ba sa'yo?” Umiling ako. “Anong problema? Bakit ka umiiyak?” Suminghot ako at humagulgol sa balikat niya. “Lay, hindi ko na kaya...” “Shhh!” Hinaplos niya ang likuran ko at pinapatahan ako. “G-Gusto ko ng sumuko. Hindi ko na kayang maging ganito, Lay. Ang sakit-sakit ng buong katawan ko, ang sakit ng puso ko. Lay, bakit g-ganito? Why do they need to leave me here alone? Bakit hindi man lang nila ako sinama? I-I want to be with them but they didn't want it to happened. Bakit kailangan nila akong iwan at iparanas sa 'kin lahat ng ito? Hiniling kong maging masaya kasama sila pero pinili nilang iwan akong nag-iisa at nagdudusa. The pain that they cause was been so deep that I can't even getting up, I drown. I can't handle it in my own.” Lumakas lalo ang iyak ko. Naglabas ako ng hinanaing sa kanya hanggang na makatulog ako sa bisig niya. Nagpapasalamat talaga ako may kaibigan akong katulad niya. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag wala siya sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD