Kabanata 2
Sa sumunod na araw ay araw ng sabado. Wala akong pasok sa araw na iyon kaya nanatili lang ako sa bahay. Inabala ko ang sarili sa paglilinis. Pagkagising ko pa lang kanina ay nakaramdam na ako ng kaba na hindi ko alam kung saan nanggaling o para saan. Hindi ako mapakali ng sobra. Gusto kong puntahan si Layla pero hinihintay ko din ang pag-uwi ni Papa. Ang sabi niya ay hanggang ngayon araw ang siya sa sugalan. Ibig sabihin ay uuwi na ito ngayong araw.
“Hyacinth‽ Hyacinth‽” Ang natatarantang si Layla ang biglaang kumatok sa pinto ng bahay namin.
Mabilis ko naman siyang pinagbuksan dahil mukhang natataranta talaga siya. Halos ginabain na niya ang pinto ng bahay namin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala siyang tsinelas. Ang damit niya ay hanggang ilalim lang ng dibdib niya, para iyong sport bra. Hanggang tuhod naman ang kanyang short na sobrang luwang.
“Ano ba iyang suot mo? Bakit ka natataranta diyan? And where is your sliper?” Pinapasok ko siya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ang ginawa niya ay nagpabalik-balik siya ng paglalakad sa harap ko. Nakikita ko ang takot, pag-aalala at pag-aalangan sa mukha niya.
“Layla, ano ba! Tigilan mo nga iyan, nahihilo ako.” Sumunod naman siya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“Hyacinth...” para siyang kinakabahan. And I don't know why. I felt nervous na din.
My heart thundered dangerously loud. Para akong kinakapos ng hininga dahil sa mabilis na pagtibok niyon. Ano bang nangyayari sa 'kin?
“Just tell me. Why are you—”
“Hyacinth si T-Tito... Oh god! I'm sorry...” Tumulo ang luha niya pagkatapos ay niyakap ako. Humagulgol siya sa balikat ko. “W-Wala na si Tito, Hyacinth. W-Wala na ang Papa mo. Ni-raid ang s-sugalan kagabi tapos sinubukan ng Papa mo na l-lumaban para makatakas...”
Napatulala ako. Pakiramdam ko ay nahilo ako sa narinig. Napailing-iling nalang ako ng maramdaman ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi. It can't be. Is this just a dream right? Para lang akong tuod sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung ano ang uunahin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagyugyog ni Layla sa akin.
“H-Hyacinth please, be s-strong. Kailangan pa nating p-pumunta sa hospital...” Umiling ako. Nagsisinungaling kasi siya.
Pakiramdam ko ay may pumipiga sa puso ko at napakasakit niyon. Napakurap-kurap ako at umawang ang labi hanggang sa hindi ko na naitago at napigilan ang panunubig ng mga mata ko. Napatakip ako ng bibig at patuloy lamang sa pagtulo ng aking luha. Ayokong maniwala.
“L-Lay, hindi magandang biro 'yan... P-Please tell me that you're joking. P-Please, buhay ang papa ako.” Lumayo ako sa kanya saka lumabas ng bahay. Kahit na nakapaa ay tumakbo ako. Sumunod naman agad siya sa 'kin. “P-Pupuntahan ko si Papa. A-Alam kong nagsisinungaling ka l-lang.”
“Hyacinth please...”
Patuloy lang ako sa pagtakbo. Mabuti na nga lang at malapit ang hospital sa lugar namin. Nakasunod lang sa 'kin si Layla. Pagpasok sa loob ay agad kong tinanong kung anong kwarto si Papa. Hindi ko alam kong bakit ako nandito. Ayaw kong maniwala pero nandito ako. Ang inaasahan kong sagot mula sa nurse ay hindi ko narinig. I just want to hear the room number of my father and she will tell me that my dad was okay pero iba ang narinig ko. Para iyong bomba na sumabog sa 'kin.
“I'm sorry ma'am pero nasa punirarya na po ang katawan ng Papa ninyo. Kagabi pa po ito naroon.”
My heart hammered inside my chest. Tears stream down my eyes. Sobrang nasasaktan ako, iyon lang ang tanging alam ko. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako naaalalayan ni Layla. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Nakatulala lang ako. Namalayan ko na lang na nasa bahay na ako, sa kwarto ko.
“Ipagluluto kita.” Hinaplos ni Laylay ang buhok ko at saka tumayo. “Be strong Hyacinth, please.”
Be strong? But how can I be strong if my dad is my strength and my weakness? Sa kanya na lang ako humuhugot ng lakas para magpatuloy pero wala na. They just give me a wrong news right? They're pranking me.
It hurts. It really hurts and the pain is suffocating my heart. I can feel it bleeding and losing its life. Nag-uumpisa bumuhos ang mga luha sa mata ko. Nasasaktan ako sobra.
I closed my eyes ngunit sa pagpikit ng mata ko ay sari-saring alaala ang bumalik sa 'kin. My heart tightened in pain. Parang sirang plaka na nag-replay sa isip ko ang mga ala-ala ko na kasama si Papa.
“Papa ko...” Humagulgol ako lalo. I want to hug Papa. I miss him.
Naramdaman ko ang pagyakap ng kung sino. “Shhh. I'm just here Hyacinth. Hindi ako aalis.”
I want to complain. I want to tell her that soon she leave me too. Lahat naman ng nananatili sa buhay ko ay umaalis. Imbis na magsalita ay niyakap ko na din siya. Hoping that you won't break that Layla.
Nakatulog ako pagkatapos nang nangyari. Nang magising naman ako ay nagsimula na naman akong umiyak. Hanggang sa dumating ang labi ni Papa. Nandito lang sa tabi ko si Layla, nandito na nga din siya natutulog. Pumayag naman ang pamilya niya sa awa sa 'kin.
“Kumain ka na muna.” Nilagay niya ang plato sa mesa sa kwarto ko.
“Wala akong gana.” Tumingin ako sa labas ng bintana ko. Naluluha na naman ako. “Miss ko na ang Papa ko.” Tuluyan na akong napaiyak ng yakapin niya ako.
“I'm sure miss ka na din ni Tito. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong okay na siya. Kasama na niya ang Mama mo, Hyacinth.” Hinimas niya ang likod ko.
“They're happy but I'm suffering here. They so unfair, Layla.”
Hanggang sa mailibing na ang Papa. Ilang araw akong nanatili muna sa bahay hanggang sa napagpasyhan kong pumasok ng trabaho. Wala namang mangyayari kung magmumukmok ako. Lalo ko lang mamimiss si Papa kapag nandoon lang ako sa bahay.
“Sure kang okay kana?” nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa 'kin na nagbibihis.
“Okay na ako, Lay. Don't worry.”
Bumuntong-hininga siya. “Okay lang naman daw sabi ni Ma'am Lucil kung hindi ka muna papasok. She understand naman, Hyacinth...”
Hinarap ko siya saka ngumiti. “Ano ka ba, Lay! Kaya ko na nga. Ako pa ba? Lika na baka may customer na.” Lumabas ako para magsimulang magtrabaho.
Ginugol ko ang sarili ko sa trabaho. Kahit hindi ko trabaho ay tinrabaho ko na din. Gusto kong mawala muna sa isip ko ang nangyari. Hindi ko pinansin ang mga pag-uusap ng mga katrabaho ko.
“Nandito na naman si Pogi.” Boses iyon ni Chinny.
“Puntahan mo,” sabi ni Layla.
“Si Hyacinth nga ang gusto niyang kumuha ng order niya eh. Pero tingnan mo naman ang bestie mo, kanina pa nagtatrabaho iyan eh.” Tumigil ako sa pagsusulat at tiningnan ito.
“Bakit?”
Napakamot siya ng batok. “Si Pogi ikaw ang gustong kumuha ng order niya.”
Napatingin ako sa mesa kung saan nakaupo ang masungit na lalaki. Nakita ko siyang nakatingin ulit sa 'kin. Bumuntong-hininga ako saka tumango. Binitawan ko ang notebook saka lumapit dito.
“Good morning sir! Order?” Hindi ako tumitingin. Itinutok ko lang ang paningin sa maliit na notebook ko kung saan ilalagay ang order niya.
Matagal siyang hindi nagsalita. Nang iangat ko ang paningin sa kanya ay nakatingin lang talaga siya sa 'kin. We stared each other for a seconds. Why is he looking at me like that? Parang may kung anong emosiyon ako nakita sa mga mata niya. Nalunod ako sa pagtataka sa klase ng tingin niya.
“Hey!” Nagulat ako ng magsalita siya.
“Sir?”
Kumunot ang noo niya at tumiim ang bagang na siyang lalong pinagtaka ko. “Its Lark. Stop calling me sir.”
“Po?” nagugulat na tanong ko. Anong nangyayari sa kanya? Napaisip na naman ako.
“Tsk! Are you okay?” Lark's worried voice stopped me from drowning of my thoughts.
“Huh?” Ano ba, Hyacinth? Umayos ka nga!
“Just like my order everytime I'm here.” Sandali siyang tumitig sa 'kin. “Just go, get my order.” Masungit na umiwas siya ng tingin.
Tumango ako at tumalikod na. Hinanda ko ang order niya pagkatapos ay hinatid iyon sa kanya . Ilang oras bago matapos ang trabaho ko. Konti lang ang customer namin ngayon na pinagtaka ko. Ngayon lang kasi kumunti ang customer namin.
Tahimik lang din akong nagtrabaho sa karenderya ni Lola. Hanggang sa sinundo na ako ni Layla nang bandang alas sais. Pagdating sa bahay ay nagtaka ako. May mga tao kasi sa labas ng bahay at kinakatok ang pinto na para bang gusto nilang gibain. Patakbo akong nagtungo doon.
“Bakit po?” I confusedly asked.
“Ikaw ba ang anak ni Henry? Magdadalawang buwan na ang utang niya sa 'kin pero hindi pa din nagbabayad. Tinatakbuhan ako ng Tatay mo!” sigaw ng matabang lalaki na puno ng alahas ang leeg.
“May utang din siya sa 'kin at ang sabi ay babayaran niya kapag nabigyan na siya ng anak niya ng pera pero hanggang ngayon ay wala siya naibibigay. Kailangan ko ngayon ng pera!” sabi naman ng ginang na mukhang mataray.
“Hyacinth, kailangan ko ang bayad ng lupa niyo ngayon. Kung hindi kayo makakabayad ay mag-alsabalutan ka na. Hindi libre ang lupang kinatatayuan ng bahay niyo.” Galit na galit na sigaw ni Mrs. Martinez na siyang may-ari ng lupang kinatatayuan ng bahay namin.
Napaatras ako sa gulat. May dalawa pang nagsalita patungkol sa utang ni Papa. Napatulala na lang ako ng sabay-sabay silang nagsalita. Nang tanungin ni Layla kung magkano lahat ang utang ni Papa ay nalula ako sa laki. Umabot ng milyon ang lahat ng babayaran niya.
“Bibigyan ka namin ng dalawang buwan mabayaran ang lahat nang utang ng Papa mo. Kapag hindi ka pa nagbayad sa itinakdang panahon ay sa kulungan ang bagsak mo,” mataray na sabi ng isang ginang.
Dalawang buwan? Paano ko mababayan lahat sa dalawang buwan na iyon? God Papa! Bakit ganito kalaki ang utang mo? Pinahihirapan mo talaga ako.