Chapter 43 - Gear

1241 Words
Matapos naming mag-usap tungkol sa bagong sulat na dumating ay isinunod naman namin agad ang mission. DNA Guild, Hira, Laira, Ako at si Prickster lang ang may mission dahil kami pa lang ang nakarehistro sa system. Hira and Laira are duo. Ang siraulong Jack, wala pa pala siyang guild or partner. It means he is considered as NPI or No Permanent Identification which is there will be no way for him to complain nor escape this land. They can't be a land or slot owner because the land own them. Even the Trio. I bet their house is still no slot name. "Kaila—" Naputol ang dapat sasabihin ni Hira nang pinindot ni Laira ang seperated button. It means they will no longer partner or let's call it duo. Then she immediately added the trio and build their own guild. Apat pa lang sila at ibig sabihin iyon ay kulang pa. Kahit ang per nila ay kulang dahil may bayad na iyon. Unless both parties ay wala pang napasukang guild before, iyon ang libre. Nanlaki ang mata ko nang saktong online si Jon. Laira on the other hand click it and registered. After a minutes of loading they were now a registered guild under the name of Geeks Squad. Bagay lang naman sa guild nila si Jon though hindi pa nila ito nakikita kung paano gumalaw sa harap ng computer and if they did... "Traydor ka!" pagdadrama ni Hira habang nagpupunas ng kaniyang imaginary tears. "Jack and you are gonna be a best duo after Rhianna." Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Magrereklamo pa sana si Hira nang si Jack na ang gumawa ng partnership nila at ipanasa agad. She let out a frustrated sigh. "There!" bulalas ni Jack habang nakatingin sa kaniyang portable computer. "Ano iyon?" tanong naman agad ni Hira at lumapit. Napailing na lang ako at tumayo sa kainauupuan ko. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sumilip si Jon. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay sumenyas siya sa akin na lumapit. Nakasunod lang naman sila ng tingin ng tingin sa akin. Mga chismosa talaga. "By the way po, sino 'yong Geek Squad?" tanong ni Jon habang nakatingin sa kanila. Tinaas ni Laira ang kamay niya kaya napansin agad iyon ni Jon. "Okay, Ate. It's nice to be part of you!" aniya bago ako hinila papasok ng kwarto. Isinara niya pintuan. Napansin kong malinis na ang kwarto ko na parang kanina lang ay makalat pa. "Uhm. Pwede mo po bang i-double check ang gawa ni Tantan? Para po maayos na namin ang paglalagy ng software? Please, Mom." Pinagdaop niya ang dalawang kamay niya at nagpuppy eyes pa. Inakbayan ko siya at naglakad kami palapit ng higaan. Pakiramdam ko ngayon lang ulit nakaupo dito. "Wait." Humiga ako. "Can I savor my bed first? I miss this." Pagbibiro ko na sabay naman naming tinawanan. "Sorry, Mom, but at least nakakatabi mo na si Dad." Ngumisi siya ng nakakaloko kaya agad akong bumangon at pinitik ang noo niya. "You're blushing, Mom!" Tinuro-turo niya pa ang mukha ko gamit ang kanan niyang hintuturo habang ang kaliwang kamay niya at hinihimas ang pinitik ko. Pinalo ko ang kamay niya at tumayo. Sakto namang bumukas ang pinto at ang nagbukas niyon ay si Prickster kasama niya si Tantan. May mga asungot naman na nakikisilip sa higaan ko kaya lumapit ako kay Prickster at hinila siya papasok at isinara ang pinto. "Mom." Nilingon ko Jon nang tawagin niya ako. Inginuso niya ang kamay kong nakahawak pa kay Prickster pero ang mata ay nasa bubong. Matalino kang bata ka! Prickster looked up and I let go of his arm. Jeez! This is so embarassing. My Perseians! "Mommy!" pagtawag na naman sa akin. This time si Tantan naman ang tumawag sa akin. Hawak na niya ang face gear. Lumuhod ako para makatapat ko siya. Kinuha ko ang gear mula sa kamay niya nang iabot niya iyon. "Wait..." Tumayo ako at pumunta ng closet ko. Kinuha ko ang isang box doon at sa loob no'n ay kinuha ko naman ang box ulit na maliit kung saan nakalagay ang contact lenses ko. Sa portable bag ko na iyon nilagay para kung emergency may magamit ako. Isinuot ko na iyong kulay asul sa kaliwang mata ko at bumalik sa pwesto ko kanina. I blink three times, at doon ko naramdamang nagzo-zoom in ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng mata ko kung saan ko nilagay ang lenses. Tinignan ko ang bawat dugtungan. Ano ba ang aasahan ko sa maglilimang taon na bata? Pulido na gumawa. Though, nakakahanga ang pagiging magaling niya sa ganitong bagay. Kaunting practice pa ay pwedeng-pwede na siya. "Pakiabot sa akin iyong mga tools na ginamit mo, Tantan." Inilahad ko ang kamay ko habang sinisilip pa rin ang bawat adjust-an. Hindi kasi iyon masyadong nahigpitan at kailangan pa itong i-polish ng kaunti. Matapos ng ilang oras ay muli kong tinignan iyon. Nang makuntento na ako ay agad ako pumikit at umaktong umirap. Bumalik sa dati ang mga mata ko. Normal. "Next time, tuturuan kita kung paano i-polish ang gawa mo. You did a good job, Tantan. That's a great work." Hinila ko siya at niyakap. "Should I buy you your own tools?" ani ko bago siya hinawakan sa dalawang balikat upang makita ko ang mukha niya. He suppressed his smile that almost lost his eyes. Tipong nag-isang line na lang ang mga iyon. Tumango-tango siya at makikita mo sa mata niya na excited siya. "How about, Jonathan? What do you want to have?" tanong ko saka siya nilingon. Kinagat niya ang labi niya at katulad ni Tantan ay pinipigilan niya ang ngiti niya. "I don't think papayag ka sa gusto ko, Mom." Tumatawa niyang sabi bago nakipag-asaran kay Prickster. Tumaas ang kanang kilay ko habang nakangiti. "Spill it." Tumatango-tango ko pang turan. Bago kumindat kay Tantan na ang lapad ng ngiti. "This room, Mom, even the computer or new computer if you love that computer." Napanganga ako sa sinambit niya though I'm aware that I am still smiling. "Okay. This room is for the both of you. Also the computer but I need to get all my data first. Okay?" "Really?!" malakas nilang sigaw and one thing I knew. Nakahiga na ako sa lapag habang dinudumog ng dalawang bata at pinupupog ng halik sa pisngi. "How about me?" tanong ni Prickster ng nakangiti. The two kids run close to him. Hinila siya ng mga ito at pinagtabi kami tsaka muli silang yumakap. This kids was taught by some evil and I am feeling it. Pakiwari ko ay planado 'tong pag-iipit sa aming dalawa ng damuhong ito. Naku naman talaga! "Ang ganda naman ng bonding niyo. Sana pinalayas niyo muna kami." Sarkastikong turan ni Jack habang nakasilip ang ulo sa bukas ng pinto. No, halos lahat sila ay ganoon. Agad namula ang buong mukha ko at lumayo kina Prickster. My Perseians! How dare them invading our privacy! "The gear was fine now! You can continue your project." Lumabas na ako at umupo sa sala. Ang mga bwisita namin ay agad na namang nagkanya-kanya ng puwesto. "Let's do quest, today. Bukas sa The Haven Place tayo and the next day... Let's finish our mission." Tinignan ko sila isa-isa. Ang mapanlokong ngiti nila kanina ay napalitan ng pagseseryoso at tumango. "Can I stay here? I can't come because of my foot." Inginuso ni Dane ang paa niyang hanggang ngayon ay may benda. Tumango ako. "Sure."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD