Ako ang nakatoka ngayon sa pagluluto kaya maaga akong bumangon. Pagpasok ko pa lang ng kwarto kahapon ay hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Makalat at punong-puno ng mga kung ano-ano.
"Mom, doon ka muna sa kwarto ni Daddy. Malapit na rin kaming matapos. Kami na rin bahala maglinis dito."
Kakabukas ko lang nang pinto no'n at iyon agad ang ibinungad ni Jon. Si Tantan naman ay hindi ako pinansin. As usual, he is wearing his goggle and lab gown.
I was about to step forward, but Jon shouted. "Stop there Mom. May maliliit na nakakalat diyan baka maapakan mo. Sorry but you are not allowed to enter your room, Mommy. Tell us your need and we will get it for you."
Napakamot ako ng aking ulo. Dapat na ba akong bumili ng kwarto o bagong anak? My Perseians! Hindi ka masanay na ang Prickster na iyon sa pagtabi sa akin? Jeez! This is frustrating.
Nang maamoy ko na ang niluluto kong sauce ng carbonara ay tsaka lang ako bumalik sa reyalidad. Nakalimutan kong nagluluto nga pala ako.
Nang kumulo ang sauce ay agad kong inihalo ang luto na ring noodles tsaka ko hinaluan ng isa at kalahating pesto paste. Hindi ko alam kung tama pa ba ang process nito pero okay lang iyan. As long edible at safe kainin e.
Nagtimpla na rin ako ng kape naming apat. I mean two coffee para sa amin ni Pricskter at two milk for the kids.
Ang The Haven Place pala ay hinayaan na muna naming open for training area. Bumili na lang kami kahapon ng robot na magfafacilitate sa bawat room or areas.
Good thing maraming alam si Laira sa ganoon. Hindi na kami nag-under training dahil may inilagay siyang disk doon na naglalaman ng buong rules and regulation, do's and don'ts, mission and vission. As of now under pa rin siya as free pero pag may nasira ay sa kanila namin iyon pababayaran.
"Good morning." Humihikab pang bati ni Prickster habang palapit sa pwesto ko.
I thought he is going to drink or get some I don't know behind my back pero ang loko. Yumakap lang pala sa akin. Agad kong tinapik ang braso niya sa bewang ko.
Ang kapal ng mukha niyang yakapin ako. Jeez! Ayaw kong maging collection niya. No, no, no way!
"Bitaw sabi eh! Hindi ako natutuwa sa pagiging clingy mo ah! Kinikilabutan ako!"
Nang matanggal ko na ang kamay niya agad akong lumayo sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang dami talagang malanding hormones ang tao na ito. My Perseians sake!
Tinalikuran ko siya at pumunta sa harap ng kwarto ko. I knock the door, three times. Nang wala akong makuhang response ay sinubukan kong buksan iyon pero tila may nakaharang sa loob.
Napataas ang kilay ko. What this kids thinking? Inilabas ko ang spy allicrail ko at pinapasok iyon sa maliit na butas ng pinto.
In-open ko ang camera habang kinokontrol ko iyon. The room was mess. Parang dinaanan ng malakas na bagyo. Pero hindi iyong importante. Hinanap ko ang dalawang bata.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila sa kama ko. Mahimbing na natutulog. Bahagya pang nakaawang ang kanilang mga labi.
Anong oras kaya natulog ang dalawang ito? Pinabalik ko na sa kinauupuan ko ang mini allicrail at muli ko na itong itinago.
Bumalik ako sa kusina para kumain. Mamaya pa siguro gigising ang mga iyon.
Nadatnan ko pa roon si Prickster. Nakasandal lang siya sa upuan at tila malalim ang iniisip.
Lumapit ako roon at umupo sa kaharap niyang upuan. Ang nakataob na plato ay agad kong inayos at nilagyan ng pagkain.
"Ang lalim yata ng iniisip mo." Puna ko tsaka sumubo ng pagkain.
Umiling lang naman siya at bumuntong hininga. Humigop muna siya sa kaniyang kape bago muli na naman siyang nagpakawala ng malalim na hininga.
Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to? Minsan talaga hindi ko mahuli ang ugali niya. Seriously? Ang lalim ng pinanghuhugutan niya ah.
"I received a mission... I think all who have guild receive a mission."
Napataas ang kilay ko. "Oh iyon lang naman pala eh." I calmly snorted.
"This one is different. Remember the Land of Old? Kailangan nating bumalik doon. Nandoon ang daan papunta sa mission natin..."
Tuluyan ng napakunot ang kilay ko. Seriously? I don't understand what he is pointing now.
In-open ko ang portable computer ko ang scanned our virtual base wherein doon matatagapuan lahat ng prizes, per, items na nakolekta namin during mission before.
Madali lang naman ang mission e. Para lang nga iyong quest. Tulad noong una. We should beat at least one monstee machine and we've got that at first day because of Spidechi.
Sunod naman ay ang accomplishment or completing the task, estsetera-etsetera.
Nang makita ko ang bago at wala pang nakalagay na check ay agad ko iyong ti-nap pero ang napindot ko ay ang unread note of notice sa itaas. Hindi ko napansin agad iyon dahil gusto kong iyong mission ang tignan. It loads a second bago bumungad sa akin lahat ng info about doon.
I was about to exit it, nang pigilan ako ni Prickster. "Read that first. It is also important."
Kibit balikat akong tumango. Sumbo ulit muna ako tsaka tahimik na nagbasa gamit lang ang dalawang mata ko. I don't know why pero habang nagbabasa ako ay sumasama ang pakiramdam ko.
What does it mean? A special information for everyone. A place? Teka, for what?! As in may iba pang lugar maliban dito?
It was written that Perse Universe is now divided into four country. The main places has now a given name. The Highcille Land, Vermon Land, Center Land— where I think, it is the place where we came from and lastly, the ACMIDELU Land— our currently home.
"What the h**l just happening?" naibulalas ko. Hindi pa ako tapos magbasa pero pakiramdam ko punong-puno na ng information ang utak ko and I can't take another revelation.
Mabilis akong uminom ng kape. Mabuti na lang at hindi pa iyon tuluyang lumamig.
"I'm sure they are planning something. But try to fi—" Natigil sa pagsasalita si Prickster nang may mabilis na kumatok sa pinto.
"Command by James, 0101 open!" sigaw niya. I heard a click from the door. Sound proof naman ang lugar at kami-kami lang ang nandito kaya iyan sumigaw. Tamad na sigurong tumayo.
Pero kung nandito naman sila ay napipilitan kaming tumayo dahil pagnalaman nila ang code ay malamang wala na kaming magiging privacy.
Nagulat ako nang hindi lang isa o dalawa ang pumasok. Sabay-sabay sila at h*** bakit ang dami nila. Worst part is even the DNA Guild, and Trio was here.
"Did you read the current letter?" sabay-sabay nilang tanong.
I and Prickster dumbfounded by their sudden reaction. Did trio, trained them in speakung unison? H***!
"Can you calm down? The kids are still on the bed. You can't just stomp here like a monster machine outside. And yes we already seen it." Pinatunog ko ang plato ko by tapping it using my fork.
"We know that you already seen it but our question is did you read it?" mabilis na sagot ni Trixie.
Nakaawang ang labi namin na nilingon siya. Oo as in lahat kami even her friend — Helen and Suzanne.
I let out a soft chuckle and face her. "Of course, I read it." Anong akala nito sa akin, hindi nagbabasa?
Naiiling na lang si Prickster na inaya sila. Do we have a choice? Nandiyan na sila eh.
"Ang ganda ng bahay niyo!" Dane exclaimed. Ngumiti ako sa kaniya. But one thing caught my attention.
Hira is holding hands with her. Alam ko naman na medyo magka-ugali sila. Hinanap ng mata ko si Laira. Nasaan iyon?
I was about to ask Hira nang itinuro niya ang sala gamit ang nguso niya.
"Serve yourself." Itinuro ko ang likod ko. But they didn't bother theirselves.
Tinignan ko ulit si Hira. "You have no choice."
Bisita niya iyan eh. Kaya panindigan niya. Nakasimangot siyang tumango at bumitiw kay Dane.
Ang iba ay dumiretso sa sala. Kaya mabilis ko na lang tinapos ang kinakain ko at pumunta roon. Kaniya-kaniya sila ng pwesto. Laira was on her favorite spot. Delvin is roaming the place. Tinitignan niya ang mga picture at collections ko sa tabi.
Lahat ng nakaupo sa couch ay napalundag nang sabay na sumigaw si Nicolas at Aries. Even us na medyo may distansya sa kanila.
"Guys!" Nakaabang lang naman kami sa sasabihin nila.
"We have a mission!" ani Nicolas.
"Pero saan makikita ang Land of Old?" kunot-noong dugtong ni Aries.
Nagkatinginan na lang kami ni Prickster. Akala ko naman kung ano na gusto nilang sabihin.
Pero... Ibig sabihin makakasama namin sila ni Prickster? Iyon din ang nabanggit ni Prickster sa pagkakatanda ko.
Akmang sasagutin ko na sila nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"You're so noisy." Bagsak ang balikat at nakasimangot na bulalas ni Tantan. Tulala lang naman ang DNA Guild maging ang Trio.
"It's him." Turo ni Suzanne sa kasama niya. Of course kilala nila sina Jon dahil tulad ng sabi nila ay minsan na nila itong binigyan ng makakain.
"Mommy, who are they?" tanong nito bago yumakap sa akin.
"Good morning, Handsome." Pagbati ni Jack na ginantihan naman ni Tantan ng kaway.
"A friend. Nasa kusina na ang Daddy, magpatimpla ka na lang ulit ng milk." Bulong ko malapit sa tenga niya. Tumango-tango lang naman siya at humalik sa pisngi ko bago tuluyang umalis.
"You already have a son?" gulat na tanong Aries habang ang dalawang palad ay nasa kaniyang pisngi.
Nagtatanong naman ang mga mata ng kasama niya at umaasang sasagutin ko ang tanong niya.
"You adopted them, don't you?" bulalas naman ni Suzanne. Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Kaya pala bigla silang nawala doon. That 's good then." This time si Helen naman ang nagsabi niyon.
Kanina ko pa napapansin ang Trio. They can now communicate individually and take note, hindi na sila nauutal.
That's a good thing then.