Chapter 39 - DNA Guild

2065 Words
Patuloy ang pagwawala ng hinganteng robot na ito. Kanina pa ako umiilag sa mga atake niya. Good thing malaki siya dahil pinabagal niyon ang kilos niya. I slashed my laser and it cuts its finger. Lalo naman siyang nagalit at mas nilagyan niya ng pwersa ang bawat pag-atake niya. Basag na basag na ang mga semento dahil sa kaniya. Muli akong gumulong papunta sa kaliwa at pinuntirya ko naman ang paa niya. Mabigat na ang paghinga ko pero hindi pwedeng magpahinga. Nakita ko sa gilid ng mata ko na palapit na sina Laira at Hira sa pwesto namin. Laira's bomb is not really a joke. Napakalakas niyon kanina at ngayon nga ay puno siya ng sugat dahil sa kaniyang pagtalsik. Pumasok sa isip ko ang isa sa mga item na nakuha namin. I can replicate that. Beside kailangan namin lahat iyon. Nagulat ako nang biglang may humila sa akin. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay kaedaran ko lang siya. "Always pay attention and don't let your guard down, Ms. Queen." Ngumiti siya at inalalayan ako upang umayos ang tayo ko. Napalinga ako sa paligid. Dalawang guild na ang nandito at nakikipaglaban sa higanteng robot. Pero ano raw? Ms. Queen? Ang corny huh! Nasisiraan na yata ako ng bait. Paano ko nagagawang mag-isip ng malalim sa gitna ng labanan? Kung hindi dahil sa lalaking ito baka patay na ako ngayon pa lang. Pinagmasdan ko sila habang nakikipaglaban. They are good. But who are they? Ngayon ko lang sila naka-encounter. I open my portable computer ang upgrade my gaunlet which is arleady registered. Dinoble ko rin ang epekto ng laser ko bago ako muling sumugod. Pakiramdam ko ay mas gumaan ang suot kong gaunlet armor dahil doon. Nang makita ko ang pagod sa mukha nila ay agad ko silang sinenyasang pumagilid na agad naman nilang nakuha. Pasugod akong umatake habang nakahanda na ang mas tumingkad kong laser sword. Inuna ko ang kaliwang binti niya at agad naman iyong naputol dahil nawala na roon ang tila kalasag na nakabalot sa mismong tube ng binti niya. Tuluyan ng natumaba ang higanteng robot at agad naman silang sumugod. Umakyat ako sa likod ng robot at doon ko nakita ang battery at memory nito. Agad ko iyong sinaksak hanggang sa tuluyan ng masira. With that, there is no chance of backing it up or restoring it. "Hi. We're the DNA Guild." Inilahad ng lalaking nagligtas sa akin kanina kaliwang kamay niya. Nakangiti siya ngayon at ang cute ng dalawang dimple niya. Ang lalim niyon at bumagay naman sa chubby cheek niya. Akmang tatanggapin ko na iyon nang mabilis na naagaw iyon ni Prickster. Bastos talaga kahit kailan. Ngumiti na lang ako sa kanila at kumaway. Sabay-sabay kaming lumabas ng lugar. Our level increase and even our per. One thing they didn't know is, I got a treasure. I don't know what this thing is. Pero I'll check it pagkarating na pagkarating ko sa bahay. "Hmm, won't you think if we invite you to drink?" Ngumiti ang lalaki na sa tingin ko ay leader ng DNA Guild. Nakakapagtaka. Bakit DNA? Researcher ba sila? I mean a scientist? Muli kong nakita ang dimple niya. That's really cute. "Ahh. Sure, no problem." Ngumiti ako at pasimpleng pinandilatan ang mga kasama ko. Agad naman silang napatango at alam kong pilit na pilit iyon. DNA Guild consist of 3 member, base sa nakikita ko ngayon. Though, I don't think pwede iyon. As far as I remember duo, and group lang ang pagpipilian with minimun of five and maximum of ten. Pumasok kami sa isang bar. Ang gaunlet armor ko ay nasa portable bag ko na para hindi makaagaw pansin. Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay ang malikot na kulay agad ang bumungad sa amin. Marami-rami rin ang taong naroon at ngayon nga ay nakatingin sila sa amin na para ba kaming diyamante. Naiiling na nagtawag si Prickster ng isa sa mga sommelier o a server? Nevermind, mas mukha siyang sommelier dahil parang nag-aalok siya ng alak kanina bago siya tinawag ni Prickster. "Do you have available VIP room?" pormal na tanong niya. Tumama ang tingin sa akin ng lalaki at nanlaki ang mata niya. Napakunot noo ako. Anong meron sa akin para maging ganoon ang reaksyon niya? Pinagmasdan ko lang ang kilos niya. Hindi siya robot. Napatingin ako sa iba pang server at lahat sila ay totoong tao. Ang masaklap ay lahat sila nakatingin sa puwesto namin. Yumuko pa ang mga ito at tumango. "Yes, Sir. We also have VVIP room— this one is more bigger." "Okay. We'll get that." "Okay, Sir. Please, come with me." Sumunod kami sa kaniya. Sa second floor kami pumunta at sa pinakadulong pasilyo may isa roong pinto. Mas malaki iyon kaysa sa mga nasa tabi. Mula roon sa pasilyo ay nakasunod pa rin ng tingin ang mga tao sa amin. What the h*ck is their problem? Mabilis kaming pumasok nang binuksan ang pintuan. Tsaka pa lang kami nakahinga ng maluwag. Napangiti ang DNA Guild sa amin. "That's intense. You're presence is really superior. Salamat sa pagpapaunlak sa amin." "Normal lang din kami. Nothing is special. Don't worry. We need this too. Busy week is coming." Kinuha ni Prickster ang alak na hawak ng server at siya na ang bukas niyon. Siya na rin ang nagbuhos sa aming mga baso at kapansin-pansin ang pinagkaiba ng sa aming tatlong babae. Madaya! Mas marami ang kanila kumpara sa amin. "That's a relief." Tumatawang ani ng lalaking humila sa akin kanina. "By the way. Sorry we forgot to say our name. I'm Delvin." Inabot niya ulit kamay niya. This time mas maayos kaming nagkakilanlan. Hira found another kuya raw and I saw how Jack changed mood. Malamang nagseselos siya dahil siya lang ang hindi kasundo ni Hira. Or maybe... there's already special link in them. Parang narinig kong sinabi ni Tito Dad dati na "The more you hate, the more you love". "Cheers." Inangat ni Delvin ang baso niya kaya ganoon din ang ginawa namin. DNA have five members at ang kaharap lang namin ngayon ay sina Delvin, Nicolas, Aries, habang ang dalawang babae naman ay sina Dane at Niana. Nasa infirmary si Niana at si Dane ang nagbabantay kaya hindi nila ito kasama ngayon. "I heard a lot about The Haven Place and I think it's interesting." Nakangiting bulalas ni Delvin. Kakwentuhan niya kasi si Prickster at Jack. Kaming mga babae lang yata ang tahimik. Tumango-tango naman si Aries. "Uhm. Honestly, gusto naming sumali maliban kay Boss na hindi na kailangan iyon..." "You're welcome. We like to see you there," nakangiting tugon ko tsaka uminom ng wine. "Ako ang isa trainor niyo kung sakali at uunahan ko na kayo... walang kuya-kuya." Tumawa pa si Hira ng malakas at pumalakpak. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaking kasama ni Delvin habang nakanganga. Tumingin sila sa akin na parang nagdududa pa. Nginisian namin sila ni Prickster maging si Jack ay napangisi. "There. Can you evaluate our Trainor?" Pilit kong ikinubli ang halakhak kong nararamdaman. Maging si Prickster ay ganoon din. Si Laira naman ay ipinakita ang kaniyang nakakalokong ngisi. Nagtuloy-tuloy ang inuman namin hanggang makaubos kami ng tatlong bote. Marami naman kami kaya ayos lang. Hindi kulang, hindi rin sobra, saktong may tama lang. Sabi nga ni Delvin, don't let your guard down, kaya hangga't maaari ay kontrolado namin ang lahat. Jack insist na siya na ang maghahatid sa dalawang babae dahil hindi naman nalalayo ang bahay niya rito. Kami naman ni Prickster ang magkasama. Ang tatlong lalaki ay naroon pa sa room. Gusto nilang sila na ang magbayad but Prickster insist na siya na ang bahala roon. "Hindi ka nahihilo?" tanong ng katabi ko habang mabagal kaming naglalakad. Tinignan ko ang paligid. Makulay. Umiling-iling ako sa kaniya bilang sagot kaso mali pala iyon. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa pag-iling pero isiniwalang bahala ko na lang. Mawawala rin naman siguro iyon. Malayo-layo pa ang lalakarin namin. Gusto man naming gumamit ng motor o hover board ay wala kaming tiwala sa katawan namin kung kakayanin pa ba namin magbalance. Nang makarating kami sa pintuan ng bahay ay pareho na kaming laglag ang balikat at namumungay ang mga mata. "Mas nakakahilo pala talaga ang paglalakad lalo na pag nakainom." Tumango na lang ako sa sinabi niya at sumunod sa kaniya. Totoo naman kasi iyon. Kung umalis kang tila walang tama, tiyak namang eepekto iyon pagnapagod ang katawan mo. Tulad ngayon. Wala akong ibang gusto, kundi matulog na lang. Gusto ko ng maramdaman ang malambot na kama sa likod ko. Nakapikit kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at agad humilata sa kama. PAGKAGISING na pagkagising ko ay masakit ang buong katawan ko. May mabigat ding nakadagan sa dibdib ko at sa binti. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Maliwanag na sa loob. Napalingon ako sa bintana. Bukas na bukas na iyon. Pero... bakit parang nag-iba ang set-up ng kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumako ang tingin ko sa mabigat na nakadagan sa akin. Nanlaki ang mata ko at natutop ko ang sariling labi ko. What the h*ll! Bakit katabi ko siya? Sinilip ko ang ilalim ng kumot na gamit ko. Nakahinga naman agad ako ng maluwag nang makitang wala namang nabawas sa suot ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakadantay niya sa akin. Maging ang braso niya ay marahan kong inalis. Akala ko ay makakabangon na ako. Ang damuho sa tabi ko ay hinila ako at mas isiniksik pa ako sa kaniya. Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran na nakapagpagising sa diwa niya. "Bitaw! Daig mo pa ang linta!" Kunot na kunot ang noo ko. Hindi ko alam basta nag-iinit iyon at sobrang naiirita ako. "No... Let's stay like this." Mas sumiksik pa ito at ginawang unan ang tyan ko. Gamit ang malaya kong kamay ay agad ko siyang pinitik ng malakas sa kaniyang tainga. "Umayos ka nga! Tumayo ka na diyan at magluto ka ro'n. Gutom na ako." Nakasimangot kong sabi habang masama pa rin ang tingin sa mukha niya. Nakapikit pa rin siya at nakapulupot ang sa bewang ko ang kaniyang dalawang braso. "This is annoying! Hey, pervert, get up!" Niyugyog ko pa siya pero tila wala lang sa kaniya iyon. Umungol lang siya ng mahina at umiling. Siraulo talaga. Hindi ko alam kung lasing pa rin ba ito o ano. Nakakahiya. Baka biglang sumulpot ang dalawang bata or worse sila Hira. Tinignan ko ulit siya. Mahaba ang pilik mata niya. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Maging ang labi niya mapula. Edi siya na may perfect na mukha. Hinila ko ang tainga niya pataas para humiwalay siya sa akin. Mabilis akong bumangon nang makalayo na siya. Chansing din ang loko. Paano kaya ako napunta sa kwarto niya? Ah yeah, nakapikit nga pala akong nagbukas ng pintuan kaya hindi ko na namalayang ibang pintuan binuksan ko. Pinukpok ko ang ulo ko at sumilip sa dalawang bata. Mahimbing pa rin silang natutulog habang magkayakap. Dahan-dahan akong pumasok at inilagay ang gaunlet armor ko sa may mesa malapit sa monitor. Pumasok ako ng CR at ginawa ang aking mourning routine ko. Nandoon na rin naman ang pinto ng walk in closet ko kaya mabilis ko na lang natapos ang pagligo at pagbihis ko. Hindi muna ako lumabas. Sumandal muna ako sa lababo at tinignan ang nakuha ko kahapon. Ang laki ng per na naibigay sa amin. Bakit kaya? I scan the history and look for the level of that monster. "What the! Level 50 'yon?" No wonder. Masyadong malakas iyon at hindi namin basta-bastang napatumba. Kung normal lang iyon ay malamang unang bomba pa lang warak na siya. Swerte ng DNA Guild dahil malaki ang presyo. Pero mas maswerte ako dahil tiyak na pinaglalamayan na ako kung hindi dahil kay Delvin. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang buong mukha ko. Namamayat na ako lalo pero kitang-kita ang kasexyhan ko. Iyong tipo na hindi ako mataba or chubby, tsaka hello hindi naman talaga ako ganoong kapayatan ngayon. OA lang ng mga tao. Kung tutuusin ay mas may muscle ako ngayon kaysa noon. Hindi ko muna tinignan ang rare or treasure item na nakuha ko. Napansin kong mas tumaas ang percent ng critical hit ko at physical ability. This is good. Kailangan ko pang mas taasan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD