Chapter 40 - Trio

2158 Words
Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Prickster is on the kitchen already, preparing our breakfast. Nakaligo na ako't lahat-lahat pero inaantok pa rin ako. Hinayaan ko muna ang sarili kong mamahinga ng kaunti pa. Wala naman kaming ibang gagawin ngayon kundi ang magbantay sa The Haven Place dahil ngayon ang continuation ng enrollment. Parang school lang. After semester, enroll kaagad. "Kape ka muna. Good for hangover." Narinig ko ang paglapat ng tasa sa mesa kaya sinilip ko iyon. "Thank you, Prick!" bulalas ko tsaka inayos ang pagkakaupo. "No problem. May cake sa ref pero may spicy noodles din, gusto mo?" Mabilis akong napamulat ng mata sa sinabi niya. Spicy noodles? Ilike that. Tumayo ako at nginitian siya. Naroon kasi siya sa single sofa naka-cross leg habang nagkakape. "Ako na lang ang kukuha," ani ko. Pumunta ako ng kusina at nagsandok. Naglagay na rin ako sa mangkok para sa kaniya. Binuksan ko ang isa pang kaserola at doon ko nakita ang para sa dalawang bata. May future ka talaga sa lalaking iyon. Swerte ng mapapangasawa niya. Masyado siyang caring. Binitbit ko na ang mangkok na inilagay ko sa serving tray. Dinala ko iyon sa sala kung saan si Prickster na ngayon ay may kinakalikot sa portable computer niya. Dahan-dahan kong inilagay ang tray sa lamesa tsaka ako umupo sa kaninang pwesto ko. Kinuha ko na rin ang mangkok ko na may lamang spicy noodle tsaka iyon sinimulang kainin. "What's your plan today?" tanong niya bago pinatay ang kaniyang portable computer. This time, siya naman ang kumuha ng mangkok at kumain. Akmang sasagot pa lang ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at lumabas ang dalawang bata na mukhang nakaligo na. "Mommy!" Agad tumakbo sa gawi ko si Tantan at yumakap agad sa akin. He even kissed my cheek. Tumingin ako kay Jon na nakatingin sa amin. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning, M-mom," nahihiya niyang turan. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Naiilang pa rin siyang tawagin ako sa paraan ng pagtawag ni Tantan. Mas nasanay kasi siya sa ate kaya ganoon. "Binata na talaga ang kuya namin." Pang-aasar ko. Napansin kong nakasimangot si Prickster sa kaniyang upuan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?" May sira din talaga sa ulo itong tao na ito minsan. Ang hirap initindihin. Pabago-bago. Minsan sobrang tahimik, minsan naman madaldal. Minsan sobrang seryoso pero madalas siyang maloko. "Iyang mga anak mo, may favoritism," aniya kaya naman natatawa akong humarap kay Tantan. "Baby, kiss mo ulit si Mommy." Tinapik ko ang pisngi ko para mas maintindihan ni Tantan. Agad naman siyang sumunod at dumila pa kay Prickster. "Ah ganoon pala ah. Halika rito at ipapakain kita sa monster sa labas." Mabilis na inubos ni Prickster ang pagkain niya at lumapit sa pwesto namin. Napahiyaw agad si Tantan at nagsumiksik sa akin. Lumipat pa siya sa kanan ko para lang hindi siya makuha agad ni Prickster. Tawa-tawa lang kami ng tawa nang bumaba na si Tantan at tumakbo. Ang isip bata naman ay ayon hinabol niya naman ng hinabol. Natatawa na lang akong napailing. "Kumain ka na, Jon. May noodles doon para sa inyo ni Tantan. At may cake rin." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Halika sa kusina." Nang makarating kami roon ay agad ko silang pinagtimpla ng gatas. Naghain na rin ako ng cake at noodles. "Gusto niyong sumama mamaya sa The Haven Place?" tanong ko bago umupo sa kaharap na upuan ni Jon. Umiling siya. "Tatapusin na naman iyong ginagawa namin, Mom, malapit na rin iyon. Tsaka na lang po, siguro." Sumubo siya ng noodles at humiwa sa cake. Kapansin-pansin na ang pagkakaroon niya ng laman, hindi katulad noong una na may kapayatan siya. I transfer some of my per in his wallet at napansin kong lumaki ang mata niya. "Hala, Mom. Hindi naman ako lumalabas. Huwag na po." Umiiling pa siya upang tumanggi. Huminga ako ng malalim tsaka siya nginitian. "You're inventing some things, pero wala ka man lang pocket money. Hinihintay lang namin na manghingi kayo pero hindi niyo ginawa kaya nagkusa na lang ako. Don't worry marami pang natira sa akin. Bukod pa roon ay hindi naman namin kayo pinagbabawalang lumabas." "Mmy, mas gusto naming dito na lang kami sa loob. Galing na kami sa labas at hindi po madali. Tsaka na lang po siguro kung kasama na namin kayo. Maraming salamat po sa pagtanggap sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo hindi ko alam kung ano nang lagay namin ngayon." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Sa katabing upuan nya ako umupo at hinawakan siya sa balikat. "Both of you were like my own sons. I found my reason to live and protect this place... and be proud of that. Kung hindi dahil sa inyo ay baka wala pa rin akong pakialam sa paligid ko. I'm sure Prickster have same reason too. Tinuring na rin niya kayong anak. Don't you feel it? Ikaw ang lagi niyang kasama..." Ngumiti siya at sumandal sa upuan. "I am so proud, mom. We maybe lost our true parents but they gave you and Dad." Napasinghap ako sa narinig. Like what the hell? Hindi ko alam na may ganoong reason o pangyayari. Tinignan ko siya sa mata. Kahit gaano pa kakapal ang pilik mata niya ay nakita ko pa rin ang mala-crystal niyang luha. Mas lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "I... I d-dont know. I'm sorry!" "Okay lang 'mmy, pasensya na kung hindi ko agad sinabi sa inyo." Hinagod ko siya sa likod upang kumalma siya. "Okay lang. I know how it is lalo na at may kapatid ka pang babantayan. I'm so proud of you being so strong. Anak nga kita." Kinindatan ko siya pinunasan ang luha niya. Sheez! Pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko. I lost my cool. Biglang may pumulupot na kamay bewang ko kaya napalingon ako roon. It's Prickster hugging me while Tantan is in his shoulder. Ang galing talaga chumansing ng lalaking ito. "Group hug!" Kinurot ko agad siya sa tagiliran pero pasimple lang iyon. "Boys kumain na kayo. May tatapusin kayo ngayon 'di ba?" Naningkit ang tingin sa akin ni Prickster. Inirapan ko siya at akmang aalis na nang mauna siya at hinila pa ako. "Eat well, kids." Sigaw niya pa sa dalawang bata. Nakita kong sumaludo si Tantan at ipinakita ang ngiti. Why do I smell something fishy? Ano naman kaya ang nasa utang ng tao na ito? Bigla-bigla na lang siyang nanghihila ng walang pahintulot ko. Pumasok kami ulit ng kwarto niya at isinara niya iyon. Take note inilock niya pa. Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Don't make something stupid, Prick. I'll kick you non stop and I promise that!" Pagbabanta ko. Ngumisi lang naman siya at akala mo ay walang epekto ang pananakot ko. Akala siguro nito mababasta-basta niya ako. Naiiling na lang akong lumapit sa kaniya at bintukan siya. "Magbihis ka na ro'n kung sasama ka sa The Haven Place hindi iyong kung anong kalokohan na naman naiisip mo!" Tinulak ko siya patabi at lumabas ng pintuan. Saktong pagkasara ko ng pinto ni Prickster ay siya naman bukas ng main door ng bahay. "Grabe anf sakit pa rin ng ulo ko!" Pinukpok-pukpok pa ni Hira ang kaniyang ulo habang naglalakad papasok. Ang galing ah. Hindi man lang nagpaalam na papasok siya palibhasa hindi nailock kagabi ang pintuan. Humihikab naman si Laira na pumasok. Maging si Jack ay kasama nila at para silang lantang gulay. Dahil likas na ang pagiging feel at home nila rito sa bahay ay kaniya-kaniya na sila hilata sa sofa. Si Laira ay doon na pumuwesto sa ibaba dahil may carpet doon. Si Hira naman doon sa isang mahabang sofa habang si Jack naman ang sa kabila. Tanging ang dalawang single seater na lang ang available roon. Sa halip na magreklamo ako ay tumayo na lang ako at gumawa ng kape. Mas tinapangan ko ang pait niyon para naman magising na ang mga diwa nila. "Hey! Drink your coffee now o paliliguan ko kayo ng malamig na tubig?" tanong ko sa kanila. Umikot lang ng higa si Jack. "Naligo na ako at mas lalo lang akong inantok." "May spicy noodles, ayaw niyo? Mainit pa iyon." Nagulat ako nang sabay-sabay silang umupo. Napaatras pa ako dahil doon. Seriously? Iyon lang din pala ang katapat nila. Naiiling akong nagcross arm. Sabay-sabay pa silang tumayo. Napanganga ako at naputol ang assumption ko nang magsimula silang humakbang. Buong akala ko ay doon sila didiretso sa kusina. Namalayan ko na lang na bumakas at sara ang pinto ng kwarto ni Prickster. "What the hell?!" Lumakad ako palapit doon. Nang pipihitin ko na ang doorknob ay nakalock na. I even let the scanner scan my face. Pero isang lock lang ang natanggal. Kung bakit naman kasi dinagdagan pa ni Prickster ng tangible lock iyon sa loob. Bwisit! Kinuha ko na lang ang mga gamit ko sa kwarto ko. Nagpaalam na rin ako sa dalawang bata na nakatutok sa kanilang ginagawa. Sabi ko nga magsosolo lang ako ngayon. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa The Haven Place ay may kung sino na ang kumakaway na agad sa akin. Naningkit ang mata ko. Sino iyon? Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko palapit upang tignan kung sino iyon. Basta ang alam ko lima sila at sa tingin ko ay babae ang dalawa. Pero hindi ako sigurado dahil may kalayuan pa rin iyon. “Hey! Kamusta?” Nakangiting sumalubong sa akin si Delvin. “Hangover?” Ngumiti ako at tumango. “Why are you here?” Nilingon ko ang mga kasama niya at kumaway lang ako ng bahagya. Nakatingin lang naman ang dalawang babae sa akin. “Look like they are okay now. That’s good.” Pagpunto ko sa dalawang babae. Nakangiti siyang tumango at lumapit doon. “By the way, Rhianna, this is Dane.” Turo niya sa babaeng ngayon ay nakabestida at may cast sa kaliwang paa. I think nasa five foot ang taas niya at slim lang din ang katawan niya. She’s a beauty. Pagnakita ito ng dalawang lalaki ay tiyak na ang mangyayari. Pareho pa namang babaero ang dalawang iyon. “And this is Niana.” Halos same feature lang naman sila ni Dane. “Kambal ba kayo?” tanong ko. Nakangiti lang silang umiling. Wow! Hindi halata ah. Sabay kung umiling tapos pati ang panamit nila ay may pagkakapareho din maging ang kanilang hairstyle. Bigla ko tuloy naalala ang trio. Kamusta na kaya ang mga iyon? Wala na akong naririnig tungkol sa kanila. "Teka buksan ko muna. Kanina pa ba kayo rito?" tanong ko sa kanila habang may kinakalikot sa portable computer ko. "Hindi naman kakarating lang din namin halos. Nasaan sila Hira, Ate?" Sinulyapan ko si Aries. Sa kaniya kasi galing ang tanong. Don't tell me interesado siya kay Hira. "Natutulog pa. Mas nahilo nang pauwi e." Tuluyan ng bumukas ang main office. Nauna na akong pumasok dahil nakakangalay din ang pagtayo. "Pasok kayo. Hindi ko kasi alam kung susunod ang mga iyon." Itinuro ko ang nga couches at ako naman ay dumiretso ng counter. May kinuha lang naman ako roon at umupo sa isang single seater na sofa kaharap nila. "Sure ka Ate? Isa sa mga tainor si Hira? Para namang hindi marunong humawak ng baril iyon e." Tumango-tango naman si Nicolas bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Aries. "Nang nasa Quest tayo nanonood lang siya at hindi tumutulong." Pagdugtong naman ni Nicolas. Nakagat ko na lang sariling labi ko at napakamot sa noo. "You'll see pag nandito na siya." Lumipas pa ang isang oras na nagkwekwentuhan lang kami. Though, nairegister ko na silang lima bilang trainee. Kahit sa Delvin, gusto niya pa raw magtraining dahil hindi niya gamay ang ibang weapon. "We're here!" sigaw ng babae sa pinto. Base sa boses niya ay alam ko na sino iyon. Tsaka wala pa naman yata akong customer na makapal ang mukha kaya walang maggaganon rito maliban kay Hiraeth. "Hello mga kuya. Ang aga niyo naman." Malakas na pagbati niya. Nang mapansin niya ang dalawang babae ay kumaway rin siya rito. "Hello, you must be Dane and Niana. I'm Hiraeth, Hira na lang for short. Kamusta ka Dane?" Napailing na lang ako sa kadaldalan niya. Pero okay na rin iyan. May mag-e-entertain na sa kanila. Kanina pa ako napapagod makipagdaldalan sa kanila eh. "Kailan ang start ng training?" tanong ni Delvin sa akin. Nang mapansin iyong ng dalawang asungot ay agad din silang lumapit. Tsk. Pagkatapos kasi nilang tapikin ang tatlong lalaki kanina ay nandoon sila ngayon sa dalawang bagong babae. Tss. "Bukas na bukas din." Tumango siya at inayos ang pagkakaupo. Itinuro niya ang pinto kung saan nandoon ngayon nakatayo ang trio. "Excuse me!" Mabilis ko silang iniwanan doon at sinalubong ang tatlo. "You're here." I said even it is obvious. "We want to enroll," ani nang nasa gitna nila. Napangiti naman ako. Good at inaral nilang 'wag mautal. "See you tommorow then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD