Chapter 34 - Sudden Flashback

1996 Words
PAGLABAS ko palang ng kwarto kasama Tantan ay mukha agad ni Prickster ang bumungad sa akin. Tulog na tulog siya sa sofa at talagang humihilik pa. Katulad ko hindi na rin siya nag-abala pang maglinis muna. Si Jonathan naman ang nagbabantay sa kaniya ngayon. Paano nga ba kami nagkakilala ng lalaking 'to? Parang kailan lang ang araw na iyon. Sa pagkakatanda ko, iyon yung araw na sinira ni Clarissa ang special request project ko bigay ni Prof. Greene. "Rhianna, ano na? Deal?" Pinalobo at pinaputok ko muna ang bubble gum na nginunguya ko bago siya hinarap. Pinulot ko ang basahan sa tabi ng inuupuan ko kanina bago pinunasan ang puro gasa kong kamay ng hindi pinuputol ang tinginan namin. Kabisadong-kabisado niya kung paano ako asarin e no? Pero pasensya siya dahil wala ako sa mood na patulan siya ngayon. Pinasadahan niya ako ng tingin at ganoon din ang ginawa ko. Black leather short shorts, jacket and boots. Hindi halata ang pagiging black lover niya, no wonder kahit ang ugali niya ay ganoon din. "Ano na? Takot ka?" Sinabayan niya iyon ng nakaka-insultong tawa. Napailing nalang ako bago umupo sa hood ng kotse. Ewan ko ba kung bakit masyadong eager ang taong 'to na talunin ako sa walang kwenta niyang racing activity. Siya ang nag-suggest na gawin ang program na iyon tapos ngayon hindi niya matanggap na natalo siya. "Wala akong mapapala kung papatulan kita." Ngumisi ako sa kaniya bago binitbit ang tablet ko palabas ng classroom. Pagkarating ko sa labas ng building na pinapasukan ko, ang amoy agad ng bakal ang pumuno sa ilong ko. Ito ang rason kung bakit ang daming tao ang nagkakasakit sa baga nitong nagdaang mga taon hanggang ngayon. Loob at labas amoy bakal. Ang masaklap hindi pa rin sila nakaka-imbento ng pampatagal ng buhay or whatsoever they called it. It's is their biggest project kung paanong gawing immortal ang isang mortal. What a crazy world I has. Hindi ba pwedeng kung hanggang doon, doon nalang? Agad kong pinindot ang magkabila kong hikaw. After five seconds, nagkaroon ako ng face mask with my own design. Konektado ito sa bilog kong hikaw at sa aking personal computer. My earings contains super tiny yet elastic thread na kung saan may nakapaloob din na program para sa kanilang automatic transformation. I did this for years and of course with the help of some expert. Kaya naiingit sa akin si Clarissa. All she can do is to copycat someones work and to vaunt it as if she owns it. Malakas ang loob dahil marami ang kapit lalo pa sa matataas na tao. If I am not mistaken she tried to copy some of my invention but she can't break my security passcode. So she copied the design but poor her, quality over quantity, ika nga. "Ms. Franklin, did you finish the project I gave?" Nilingon ko ang tumawag sa apelyido ko. It was my instructor in mechanical, Professor Greene. Napangiti ako. Isa siya sa iginagalang at paborito kong tao sa eskwelahang ito. Eskwelahang puno ng makinarya, to be exact. "I emailed you the result, Sir. Also the video of my whole session until now, I guess." "And why is that?" Tanong niya habang kinakalikot niya ang tablet niya. Maybe he is checking his email. I chuckled. "Baka maabutan mong sira iyon, Sir e." "What?" "Clarissa Yven and her allies was there." Ipinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko bago ngumiti sa namumutla ko ng guro. Mabilis siyang dumukot sa bulsa niya at may ibinato sa sahig, his skateboard— no, its my confiscated skateboard. Naiiling naman akong tumawa bago sumunod. Muli na naman akong pumasok ng Perse Academia Building (PAB). Ang sahig sa labas ay marmol habang ang loob ng PAB ay supreme white tiles. Lakad takbo lang ginawa ko dahil kinumpiska niya nga ang skateboard ko kahapon. Nilagyan ko kasi ng design at nagustuhan niya at ngayon nga ginagamit niya. Kunwari galit dahil binago ko ang disenyo ng inimbeto niya pero huwag ka pagkaraan ng isang linggo katulad na ng design ko ang sa kaniya. "Aray ko!" Napahawak ako sa balakang ko nang bigla akong bumagsak paupo sa sahig. Mariin kong kinagat ang labi ko habang pinigilang huwag sumigaw sa kirot. Dahil sa pagtakbo at pag-iisip ko ay hindi ko namalayang may nakabangga ako. Bahagya kong inikot-ikot ang braso ko dahil isa iyon sa nasaktan nang itukod ko dahil sa bilis ng pangyayari. "Naku, pasensya ka na Miss. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin." Mabilis siyang tumayo para alalayan ako. Tinabig ko naman agad ang kamay niya. "Okey lang ako." Masungit kong turan sa lalaki. "Uhm. Pwedeng magtanong?" Naiilang niyang sambit. Napailing nalang ako at napatawa ng pagak. Masakit pa rin ang balakang ko. Kung hindi niya ako binangga edi sana okey na okey pa ako ngayon. Kapal ng mukhang hawakan ako. "Nagtatanong ka na, Mister." Sino ba kasi 'tong lalaking ito? Bago siya sa paningin ko at I don't like his guts. Pakiramdam ko hindi ko siya makakasundo dahil sa pananamit palang niya ay may isinisigaw ng yabang. "That's rude." Komento niya bago tumawa ng mahina. Napataas ang kilay ko. Ano nakakatawa? Dahil hindi ko na alam kung ano pa dapat ang sasabihin ko ay tumalikod nalang ako para sumunod na kay Professor Greene. "Hey. Tatanong ko lang kung nakita mo ba si Prof. Gree—" "Mukha ba akong tanungan ng mga nawawala?" Barumbada akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat na may paghanga sa mga mata niya. What was that for? "Hot-headed woman." Umiiling niyang turan bago ngumisi sa akin. "Ang simple ng tanong ko pero hindi mo masagot ng maayos. Pwede ka naman sumagot ng maayos kung hindi mo nakita. Pinapatagal mo lang ang pag-uusap natin. Are you one of my so called fans?" Nang-uuyam niyang tanong bago inilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ano raw? Fans? Iba rin pala ang lipad nito eh. Umakto akong nasusuka bago humarap sa kaniya ng nakangiwi. Tila ba pinandidirihan ko ang mga sinabi niya. "I'm not crazy for that, Mister whatever who you are because I don't care about your existence. Looking for Professor Greene Kioper? His in my room, any problem with that?" "You mean..." Napanganga ako ng makita ang expression niya. Sarap magmura sa harap ng lalaking 'to. Iniisip niya bang kabit ako ni Prof. Greene? He looks at me with disgust. What a Clarissa's male version. Bagay sila. Natatawang tumingin ako sa paligid namin nasa first floor na pala kami. Puro tinted na salamin ang harang but that's not easy to break. Singkapal ng isang metrong pader ang tibay niyan. Every room has name on the door. Sa pinakadulong parte ang kwarto ko. Bawat estudyante rito ay may tig-iisang kwarto para sa mga actual activity lalo na pag sa invention at mechanical subject na kami. This place is awesome for me. Mayroon itong limang floor pero spiral shape siya sa labas. Nasa pinaka-sentro rin ito ng Perse Universe. Naglakad ako papuntang pinto pababa ng hagdan patungong basement at agad isinara ang bintanang naka-siwang. Pinindot ko rin ang switch doon para mawala ang amoy makina sa lugar. Isinunod ko ang hikaw ko para ma-disable ang face mask ko. Tahimik lang namang nanonood sa ginagawa ko ang lalaking mayabang kaya nginisian ko siya bago naglakad papuntang room ko. Naramdaman kong tahimik na sumunod ang lalaki na may pandidiri pa ring tingin. Ang hina ng lalaking 'to. Nakakaawa ang pagiging slow niya. Bagay na bagay sila ng Clarissa'ng iyon, a b***h and a jerk. They judge someone easily without knowing the whole story. Porket ba room ko ang term may ginagawa ng kababalaghan? That's insane. ~ Sumandal ako sa hamba ng pintuan ko. Habang nakikinig sa sermon ni father este Professor Greene sa apat na ngayon ay nakayuko lang at magkakahawak ang kamay. Dumako ang tingin ko sa motor na ipinaayos sa akin. Gasgas na at basag ang mga flairings. Tumatagas rin ang langis at sa palagay ko ay paubos na iyon. Sayang kakabuhos ko lang kanina tapos itinapon lang. Tinanggal din nila ang sparkplug at ikinalat nalang sa sahig. Napailing ako. What a childish act. Maninira nalang sobrang dali pang ayusin. Though it takes time to rebuild it again. Kakapa-kapain ulit kung saan designated ang mga turnilyo niyon. Lalo pa at old model ang sasakyan kaya hindi ko gaanong kabisado. Ayon pa kay Prof dekada na iyon sa kaniya mula pa sa lolo at lola ng lolo niya. Pinaka-iniingatan pa naman tapos sinira lang nila. "May idea ba kayo kung ilang dekada na iyan huh? Tell me how could you fix it now? Anim na buwan naming hinanapan iyan ng gamit tapos sinira niyo lang ng ilang oras? Four of you." Dinuro niya sila isa-isa. "I don't want to see you face in my class again. Clean that mess." Tumalikod na siya sa apat at ngayon ay nakaharap na siya sa akin. His eyes telling is me something kaya napaatras ako. I hit someone so I looked back. Nakasunod pa rin pala ang mokong. "Sorry..." I said sarcastically. "Rhianna, please..." Professor Greene suddenly voice out. Itinaas ko ang dalawang kamay ko na ani mo'y sumusuko. "I know you can do it yourself, Professor G. Im off." Inilabas ko na ang flying hover board ko pero siyempre hindi ko ipapakita sa kaniyang lumilipad iyon tanging ang similarities lang nito sa skateboard ang ibibida ko. "See you on Monday, Professor Greene." Ngiting-ngiti akong kumaway sa nakangangang guro ko habang nakasakay sa pink violet kong hover board. Tiyak na gigisahin na naman ako niyon next meeting. Nang makalabas ako ng building ay agad kong binitbit ang hover board and I tossed it. Naging maliit iyon kaya naman mabilis kong sinambot. Hindi lang iyon dahil nagkita pa kaming muli sa tren pauwi ng Lipisanpi. What a small world of us. Sobrang naiinis ako sa kaniya noon. Especially sa moment noong nandoon kami sa tren but that was also the day we've both know about our names. "Hindi mo mauubos 'yan sa tingin lang." Komento ng katabi ko kaya nilingon ko siya. Napataas ang kilay ko. "Are you following me, Mister?" "Why would I?" Taka niyang sambit at kunot noong humarap sa akin. I hissed. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa bintana. Wala namang magandang tanawin pero pwede ng pagtyagaan. Thanks to the sky, kahit papaano ay may maganda pa ring nakikita dahil nakakasawa na ang puro makina kahit saan ka lumingon ay puro malalaking makinarya. "I'm Prickster James, from Alpha team. Again, sorry for bumping you." Tumingin ako sa mga kamay niya, he want me to shake hands with him? Nagkibit balikat nalang ako, wala namang masama makipagbati besides he's from the Alpha maraming benefits pag may isa kang kaibigan sa team, sabi nila. Inabot ko ang kamay niya. "Rhianna Franklin." na ang magiging kwarto natin. Don't worry magpapagawa tayo ng sariling kwarto niyo but for now you'll stay with me." "Masusunod po Ate." Sumaludo si Jon at humarap sa kapatid. "Narinig mo iyon, Tan? Hindi ka na magigising sa madaling araw dahil hindi na sasakit pa ang likod mo."Pagkarating namin ng bahay ay agad kong ibinaba muna si Tantan. I pressed my thumb at the finger print machine sa tabi ng pinto and let it scan my face. Nang tumunog iyon ng beep ay agad iyong nagbukas. Pumasok na kaming tatlo. Sa tahimik ng bahay ay malamang wala pa roon si Prickster. Ayaw sigurong payagan lumabas ng Infirmary. Dumiretso kami sa kwarto ko. Inilapag naman ni Jonathan ang bag na bitbit niya sa gilid. "Simula ngayon ito na ang magiging kwarto natin. Don't worry magpapagawa tayo ng sariling kwarto niyo but for now you'll stay with me." "Masusunod po Ate." Sumaludo si Jon at humarap sa kapatid. "Narinig mo iyon, Tan? Hindi ka na magigising sa madaling araw dahil hindi na sasakit pa ang likod mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD