“You okay?” tanong ko kay sa lalaki. Masyadong nalamog ang katawan niya kaya siya nahihirapang gumalaw. Para siyang naparalisa. Napansin ko ang medyo panginginig ng katawan niya. Malamig ang sementong sahig kaya kailangan agad niya agad dapat madala sa infirmary.
Nagulantang ako nang sumigaw ang higanteng robot ng pagkalakas-lakas. Napatakip ako ng dalawang tenga.
“Ilag!” Ang malakas na sigaw na narinig ko. Hindi sa amin ang bagsak niyon kundi ang kabila kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
Naramdaman ko ang biglang paghapdi sa likod ko nang tila may mga spike ang tumama roon. Biglang nanlabo at umiikot ang paligid ko maging ang katawan ko ay nanlambot. Iniling-iling ko ang ulo ko para magising ang diwa ko. Pakiramdam ko ay antok na antok ako. Mayroon din tila pinukpok ang tenga ko dahil tila may umaalingawngaw roon.
Naramdaman ko ang malamig na bagay sa likod at ulo ko. “You okay?”
Napatingin ako kay Jack and let a soft chuckle. “Parang linya ko kanina iyan ah.”
I feel at ease because of the cold he put in my back and head. Nakakabawi na ulit ako ng lakas. Malay ko ba na ako pala ang pinapailag nila
“Minsan talaga may pagka-engot ka rin, ano? Paano mo nagagawang maging kampante sa mga nagyayari?”
Napatingin ako sa mukha niya. Bahagya kong ginalaw ang ulo ko at isinunod ko naman agad ang likod ko. Medyo nalang ang kirot niyon hindi katulad nang una na halos mawalan ng malay.
“Eh bakit ka nagtagalog ngayon?” balik kong tanong kay Jack. Marami na rin ang nakapagtumba ng mga monster. Ang ilang Cychine ay si Prickster ang humarap habang back-up niya naman ay si Hira.
“Jack, send him inside first. He needs to be cure. Charge mo nalang sa akin ang babayaran.” Itinuro ko ang lalaking mata nalang ang umiikot at nakakagalaw.
“How about you?” tanong niya.
“Don’t worry about me. I feel better now.” I gave him an assurance smile. Nag-aalangan siyang tumango at binuhat ang lalaki. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila makita.
“Damn!” Hindi ko maiwasang hindi magmura ang sakit pa rin pala talaga ng likod ko. Dahan-dahan akong tumayo. Nagawa ko pang ipangtukod ang battle axe. Iyong may-ari pa nito hindi ko matandaan ang mukha.
Nang makatayo na ako ng tuwid ay tsaka ko palang napansin ang papasugod na Allicrail. Ngayon pa talagang wala akong kalaban-laban, tsk. Dinukot ko ang weapon ko sa bulsa. Muli ko iyong in-activate into crossbow para mas madali.
Akmang aatakehin ko na sila nang umulan ng pana at tinamaan ang mga allicrail.
“Hi Ate, idol talaga. Ang cool ng stunt mo kanina.” Sumulpot si Hira sa harap. Siya rin ang may pakana sa lahat ng nangyari sa apat ngayon na nakahandusay sa harapan ko.
Sinubukan ko ulit igalaw ang katawan ko. Makailang subok na ako ay hindi ko pa rin magawa. Anong klaseng hampas pa ba ang kailangan. Inulit ko ng inulit na galawin ang likod ko at nang magalaw ko iyon ay halos mapalundag ako sa saya.
After of many tries sa wakas naigalaw ko na ulit ang katawan ko. Inilabas ko ang hoverboard ko at sinakyan iyon. I bend my body, next my arm bago kutuluyang pinatakbo iyon papunta sa ibang mga nahihirapan makipaglaban.
Nang maging okay na ang lahat ay agad akong lumapit sa protective wall. I scan the area and I can tell everything was messed up. Kailangan namin maayos agad iyon kung hindi prone na iyon sa ibang halimaw.
“Everyone retreat!” rinig kong sigaw ni Prickster. Tinignan ko ang paligid kaunti nalang at tumatakas na ang ibang machine monster.
PAGKASARANG-PAGKASARA palang ng gate ay kaniya-kaniya sila hilata sa sahig. Iniwan ko muna si Prickster doon. He was still talking to them. Dumiretso na ako ng uwi sa bahay dahil gusto kong matulog.
“Mommy!” Agarang sumalubong ng yakap ang dalawa sa akin.
“Can I sleep first young man?” tanong ko habang nakaakbay sa kanila. Tumango sila kaya napangiti ako.
“Thank you. Sinong gusto tumabi sa akin matulog?” Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko.
Natatawa ako sa dalawang bata nang sabay silang lumundag sa higaan ko. Uunahan pa yata ako nila ako. Tumabi na ako sa kaniya. Ang dalawang maliliit na braso nila ang agad na yumakap sa akin. Mabigat ang paghinga ko simula pa kanina pero nang maramdaman ko ang yakap nila ay tila nawala ang pagod ko.
Ang lambot ng hinihigaan ko ay naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Siguradong pagkagising na pagkagising ko ay may malaki na akong pasa sa likuran.
Nagising ako dahil sa paglubog-lubog ng kama ko sa may bandang kaliwa. Minulat ko ang kanang mata ko para tignan kung sino iyon. Si Tantan na naglalaro at lumulundag-lundag pa ng higaan.
"What are you doing, Tantan?" I hoarsely asked.
"Playing with SpiderJ, Mommy while guarding you. You sleep deep. Are you tired?"
Lumamlam ang mata ko. It so sweet of him. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Pinupog ko rin ng halik ang matambok niya pisngi.
"I love you, baby!" Nagulat ako sa ibinulalas ko. I don't say 'I love you' to anyone.
"Just behave you heard that." Segunda ko. Tsaka siya niyakap pa lalo na parang isang unan.
"I'll tell it to Dad," aniya. Binangon ko ang ulo ko at tinignan siya.
"Tell him but expect to lose your Mommy. Mawawalan ng mommy, gusto mo ba iyon?"
Umiling-iling siya. "No, I don't want to lose you. I love you, mommy!"
BUMANGON na kami at pumunta sa sala. Ngayon pala ako maghahanap ng lupa para sa training facility project ko.
Sa tingin ko naman ay kasya na ang ipon ko para doon. Nadagdagan pa nga kahapon.
I'll also cut my hair. Pinag-iisipan ko pa kung anong klaseng gupit ang gagawin ko sa buhok ko. Marami ang naputol dahil sa pagkasunog kahapon.
I love my hair but I can't let it. Baka pagalitan pa ako ni Mama sa panaginip ko.
Lalo na si Daddy. Speaking of the old man. I remember our last conversation. ko mula sa pag-invade ko ng kwarto niya para lang humingi ng makakain.
PASALAMPAK akong umupo sa sofa, pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ni Daddy.
Nang maalala kong basa pa ang buhok ko na nakabalot sa tuwalya ay agad akong tumayo at dumiretso sa CR nang kwarto.
Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower.
Pagkatapos ko ay agad na rin akong lumabas para harapin si Daddy. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil baka may makatunog siguradong madudurog kami.
"You're here."
Tumango ako at lumundag sa higaan niya. Nandoon siya sa sofa kaya sa higaan niya ako dumeretso.
"Do you have foods, Dad? I'm hungry." Hinimas-himas ko ang tyan kong kumakalam bago hinanap ang mini refrigerator niya.
Papalit-palit kasi ng pwesto ang mga gamit ni Dad, napaka-inconsistent. Iyong sa shop niya na dapat ayusin, ayaw ayusin. Myghad!
Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nagkibit balikat nalang ako at humiga. How I hate this situation. I have a father yet I need to act that I don't have.
Magkikita kami ng palihim and that's our bonding. Mahal ko si Daddy, I am proud of him. But, I can't take risk.
Narinig kong bumukas ang pinto. "How's school?"
"It's fine, Dad. As usual, nothing's new. My project was always ruined, again and again and again. By the way, do you have any idea for tomorrow's event?"
"Don't tell me it's Clarissa's fault, again?"
Bumangon ako at lumapit sa pwesto ni Daddy. Napangiti ako nang makita kung ano iyong nasa plato. It is a macaroni salad and pesto carbonara.
"Sad to say, yeah." Tumango-tango ako at kinuha ang tinidor na dala rin ni Dad.
"Wow! Thank you for this food, Sir!"
Sumaludo ako kay Dad at tsaka ko siya kinindatan. Sumandok agad ako ng carbonara at kinain kinain iyon.
Napangiti ako nang makita ko ang pagtawa ni Dad. Ang genuine. How I hope I can stay here para makita ko palagi iyon.
"Before I forget. The guy from the store... What's your relationship with him?"
Hindi ko naituloy ng subo ang carbonara ko. Ibinaba ko ang hawak kong tinidor tsaka siya tinignan. He's looking intently at me at naka-flat line ang talukap ng kaniyang dalawang mata.
"What? You mean that Prickster guy?" Nakangiwi kong tanong.
Relationship? Hello, I'm to busy on my projects and exploring things so I can do more invention tapos makikipagrelasyon pa ako?
It's a big, big, no!
"Yes. I'm pertaining to James Prickster, son of Florence Guillen."
Wow! I don't know that thing.
"Oh, he has son, nice." Tumatango-tango ako at sumubo ulit ng pagkain.
"I guess, I forget to tell you that. Now, answer my question, young lady."
Napataas ang dalawang kilay ko at uminom ng tubig.
"Uh. That..."
Tumango si Daddy. Seryoso talaga siya sa tanong niya? Nag-iisip siguro ng masama ito. Malisyoso.
"He is a schoolmate— I met him yesterday at school because he bumped into me. And, it happen that he's my seatmate in the train. He said sorry, he told me his name, and... That's it."
"That's it?" Nagdududa ang tingin niya at tila ayaw maniwala sa sinabi ko. Ghad, and now he's being strict.
"Yes, that's it Dad, do you expecting something?" Nakataas ang kanang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Itinaas ko ang isang paa ko sa upuan habang hindi pinuputol ang tingin ko kay Dad.
"You should befriend him."
"At bakit kailangan ko siyang kaibiganin, Dad?"
Kanina pa ako na-wiwirduhan sa taong ito. Unang-una nagluto siya ng pagkain para sa akin na hindi niya naman talaga ginagawa. Madalas, pag sinabi kong nagugutom ako hinahagisan niya lang ako ng ready to cook na spicy noodles.
"Hindi porke't magkaibigan kayo ni Mr. Florence ay dapat ganoon din kami ng anak niya. You don't know how jerk that Prickster was, Dad. You know me... I don't want a friend."
"You need it, at least one..."
Napakunot noo ako at naguguluhang tumingin kay Dad. Bakit ba namimilit siya? Bakit ko ba kailangan ng kaibigan? Para maloko ulit?
"There is a new protocol..." Uminom siya ng alak bago tinitigan ang baso pagkatapos. Don't tell me...
"Where your kind is the subject. You, and all the students will be their guinea pig for that f— game!"
Nagulat ako nang makita ko ang mata ni Dad. Galit na galit iyon and for universe sake ngayon ko lang narinig na nagmura si Dad.
"Anong mayro'n?" takang tanong ko.
Tumayo ako at humarap sa kulay puting vanity table ni Dad. Naglagay ako ng kaunting serum sa mukha at minassage ko iyon ng kaunti.
"It's more like a survival game, where you one or more colleague. That's why I chose him to be your partner. He's the only person I trust, Rhianna, please do understand."
Napalingon ako sa kaniya. What? Survival game?
"Nahihibang na ba sila? Sana sinabi nalang nila na gusto nilang mawala ang kabataan, hindi iyong paglalaruan pa kami!"
Padabog kong binitawan ang hawak kong eyeliner. Ano naman bang iniisip ng mga nasa taas? Napakuyom ako ng kamao. That stupid plan of Clarissa. At talagang sinuportahan pa ng nakatataas huh.
"Not exactly like that, but, there's a chance. They'll give you a device that serve as your battery in that game. All physical wound you'll get is true, of course. If you're dead in the game, you'll be eliminated and back to life but already damaged. As you can see, it's a cycle game, you eliminated now, but sooner you'll be entering that place again to start over. It's a decade game, I don't know why they come up with this..."
Napaisip ako sa sinabi ni Dad. Ano ang rason nila para gawin iyon? For fun? Akala ba nila masaya ang malagay sa alanganin?
"They building another world huh..."
Tumango-tango ako habang kagat ang pang ibabang labi ko.
Sumosobra na sila sa pagiging manipulative nila. They want a game? Then I'll show them how to play.
"This is to test your endurance not just physical but also emotional and mental."
Napatawa ako ng pagak sa narinig. What? To test? Baliw na nga talaga sila.
"I get it now, Dad. They want us to be monster don't they? Time will come that, that monster will be their worst enemy. Mark my word!"
And I'm one of that untamable monster. I'm sorry Dad but I don't want to see the next generation to suffer because of their stupidity.
Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga mangyayari. Why this world has to be cruel?
"Who plan this, Dad?"
"The head of all heads. He's at your age, I think. His word has a power now, because Vasilias will pass his position tomorrow."
Napairap ako sa ere. Kung kaedad ko at may kapangyarihan na ang salita niya, it means we're in a big trouble. Matitiris ko talaga siya kung sino man siya!
"Ano namang mapapala namin doon? Magpapatayan lang?"
Hindi ko na naitago pa ang kasarkastikuhan ko. Mabuti nalang pala naisipan kong umuwi kung hindi baka magulantang nalang ako sa mga mangyayari.
"One hectare of land where there's a trees. 2 years supplies of grains, vegetable and meats—"
"Wait!" Nakaharap kay Daddy ang dalawang kamay ko. Anong pinagsasabi niya?
"Anong trees? Grains? Vegetable? What are those? Alam ko kung ano iyong meat but those thing, never heard those."
Meat is the most expensive food we can buy. Around 500per ang presyo niyon para lang sa isang dangkal ang haba at lapad. Na-uh, ilang bakal at spicy noodles iyon.
"I have pictures of that. Wait..."
Tumayo ako at inayos ang leegan ng suot kong bathrobe habang may kinakalkal si Dad sa drawer niya. Gusto ko magbukas ng site pero baka ma-detect lang ang location ko.
"Here." Inabot sa akin ni Dad ang dalawang glossy paper. Kinuha ko iyon at tinignan.
'Ang ganda!'
"That's the tree." Itinuro ni Dad ang amg kulay green na naroon. May katawan iyon na kulay brown at parang mgaspang ang balat? May nakasabit din doong kulay pula at hugis bilog.
"And that's the land, the brown one. It's a place where trees and plants grow.
Wherein you can turn that place for living. I can say that is the big deal. Try to be on top, Rhianna, this prize is not the thing you can buy."
Napasimangot ako, "strategy lang nila 'yan para marami ang lumaban.
Masyadong nakaka-tempt ang prize nila."
"I know. If you don't want James to catch you here, leave now."
"Sinong James na naman Dad? Iyong totoo? Ilan kaming anak mo?"
Kaloka. Kanina sobrang problemado ko sa magaganap tapos sisingitan niya ng James.
"James Prickster Guillen. Obviously, he is not my son. If Perse Universe revolve upside-down, there will be a chance."
Sinabayan niya iyon ng pagtawa kaya kinuha ko ang unan na sinasandalan ko at ibinato sa kaniya.
"Come on Dad. I would rather die than to be with him. You see how cruel this world now. Kawawa lang ang magiging anak ko."
"You said you rather die yet you visual having a baby." Humalakhak siya matapos niyang sabihin iyon kaya binato ko ulit siya ng unan.
Ugh! Naikuyom ko ang kamao ko at inis na inis na tumalikod. Makaalis na nga lang. Nakakakilabot ang mga sinasabi ni Dad and that's unacceptable.
"Alis na ako Mr. Smith."
Nagdadabog akong tumapat sa nilabasan ko kanina. Akmang i-da-drawing ko na ang simbolo ng Gemiries nang tapikin ako sa balikat ni Dad.
"Here. Belated happy birthday, my dear daughter."
Napatingin ako sa plastic na inaabot niya. Kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya.
"Thank you Dad. Gotta g—".
Nagulat ako nang bumukas biglang ang dingding sa harap ko at iniluwa niyon si Prickster. Nanlaki ang mata ko at nataranta. Mabilis akong dumaan sa gilid niya at pumasok na sa nakabukas na lagusan.
Mahaba-haba pa sana ang moment namin kung hindi dahil kay Prickster. Kahit kailan talaga ang lalaki na 'yon.
Muntik ko na naman makalimutan. He said I should win this. But how can I win this? Hindi ko kilala kung sino ang tunay kong kalaban.
Even Clarissa shut her mouth and cut her horn.