“We don’t have any choice but to keep them. I don’t think you can let them go too. You know what I mean.”
Tumingin ako sa mga bata na mahimbing na natutulog sa kama ko. Kaka-relay ko lang sa kaniya ng email ni Mr. Revant. He has point, I can’t easily let go this kids. Maikli man ang panahon ng pagstay nila sa akin pero iyong alaala na inigay nila ay sapat na para hindi ko sila bitawan.
The least thing I can do is to let them stay in this land for them to be safe and in order to do that, I need to protect this land.
Sabay kaming napalingon ni Prickster sa kanang braso namin nang tumunog iyon. Kusa nang lumabas ang hologram at lumabas doon ang nangyayari sa labas ng gate. Naka-indicate rin doon ang emergency alert na nakasulat sa kulay pulang mga letra.
Some spidechi, allicrail, cychine and other unidentified species are scattered outside and they keep on banging the gate and the protective wall. Nagkatinginan kami ni Prickster.
“Ito ang ipinag-aalala ko. What if there is no place for us to hide and there’s a lot of people that can’t fight?”
This is the reason why I want to build some training facility. Muling tumunog ang alarm na nakakonekta sa portable computer namin.
Prickster almost remove the device in his wrist that serves as our portable computer. Masyado kasing nakakarindi ang ingay. Pinagpatuloy ko ang panonood sa mga nangyayari.
“Anong pong nangyayari, Daddy?” Pinupukpok pa ni Jon ang mata dahil sa biglang pagkagising. Mabilis ding sumunod ng bangon si Tantan at agad niya namang kinukusot-kusot ang mata.
“There young boy. Listen to what we say.” Lumuhod si Prickster at hinawakan sa magkabilang braso si Jonathan.
“The gate outside was attacked by a monster. You stay here and take care of your brother. Don’t go outside, you understand? Don’t. Go. Outside.” Prickster firmly said.
Hinawakan ko naman sa ulo si Tantan at ginulo ang buhok niya. “Behave ka muna dito huh? Huwag mong bibitawan si SpiderJ kahit anong mangyari. Jonathan, huwag mo hahayaang malayo sa inyo si SpiderJ, okay?” Bilin ko sa kanila.
“Okay, Mommy!” sabay nilang sagot.
Prickster teased me. “Bagay pala sa iyong maging true mom. You’re cool!”
“Tigilan mo ako at kumilos ka na.”
Mabilis akong pumasok ng kwarto para kunin ang ilang gamit ko. Palabas na ako ng madaanan ng mata ko ang customized gaunlet ko. Agad kong isinuot iyon at lumabas ng kwarto.
Nandoon na rin si Prickster at mukhang handa na rin siya. “Let’s go.”
MABILIS kaming nakarating sa tarangkahan ng gate. Ilan na rin ang mga nandoon at handa na rin lumaban. Ngayon ko lang napansin na mayroon din palang kayang tumayo sa sariling paa maliban sa amin.
Pagtapak na pagtapak palang naming sa tabi nila ay nagsi-atras sila ng isang isang hakbang. Nagtataka akong nilingon sila. Kunot noo at nagtatanong na tingin ang ibinigay naming sa kanila.
“Please, lead us. So we can win this fight.” Nagsitanguhan naman ang lahat ng kasama nila.
Napatingin ako kay Prickster. Tinanguhan ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Umikot siya upang harapin ang mga kasamahan namin. Mostly ang mga nandito ay puro lalaki. Bilang lang sa kamay ang mga babae at puro pa iyon kaibigan ni Clarissa.
“Those short range fighter, step forward.” Utos ni Prickster. Halos kalahati sa kanila ang humakbang paharap. Tumango si Prickster at tinignan ang ilang natitira.
I think those who didn’t step forward is a long range fighter. Dumako ang tingin ko sa pinakalikod. Nagtama ang mata namin ni Jack. Agad siyang ngumiti at kumaway. Tinanguan ko lang siya at iniwas ang tingin.
“Ate Ri!” Napalingon ako sa kaliwa ko. Humahangos na lumapit sa akin si Hira.
I almost forgot the weapon I promised. Binuksan ko saglit ang store at bumili ng multi-shot crossbow. Sunod kong binuksan ang portable bag ko at purchased pocket. Kinuha ko roon ang binili kong crossbow at iniabot iyon kay Hira.
“As I’ve promise.”
“Waaah! Ate kahit hindi mo naman ako bilhan okey lang eh. Pero super thank you po. So much appreciated. Expect me to back you up, Ate!”
I smiled back and give her an assurance tap. “Looking forward on your amazing performance.”
“Salamat sa tiwala, Ate. Fighting!”
I hope everything got fine this time. Tumingin ako sa mga kasamahan naming. Sa tingin ko ay nasa limampu kaming susugod. Sana lang ay ganoon rin kami pagbalik. Pinagmasdan ko ang gauntlet armor ko.
Scale type iyon pero convertible into gloves. Ngayon nakalabas ba ang kamay ko. Hanggang palapulsuhan ko lang muna iyon ngayon. Pero may alternative weapon pa rin ako doon. It is a double blade knife with deadly laser.
“I’ll repeat those who are veteran in long range stay backing up those short range.”
“Copy, Sir!” Sabay-sabay nilang sigaw.
Natawa nalang kami ni Hira sa naging reaksyon niya. He was like bitten by some allicrail. Pulang-pula ang tenga niya.
“James, that’s my name not Sir.” Masungit na aniya bago tinalikuran sila. Napakamot nalang sa ulo ang mga kasamahan namin.
“So gay.” Natatawang biro ni Hira kay Prickster.
“Hey!” Tapik ni Jack sa balikat ko. Ano ba naman ang suot ng taong ‘to? Parang hindi gyera ang pupuntahan.
“Naka-summer outfit ka na naman?” bulalas ni Hira. So, hindi ito ang unang beses niyang magdamit ng ganoon? Grabe! Ang tatag niya. Open arm sa sugat, tsk. Kaya siguro ganoon nalang ang natamo niyang mga sugat. Hindi ko na naabutan ang damit nila dahil naka-infimary gown na sila the day I visit them. Noong inakay naman naming sila hindi ko na napansin pa dahil sa sobrang taranta.
“So what? I like to be dressed this way.”
Napanganga ako sa itinuran nito. I was offended by his suddenly action. Magkaaway ba sila?
“Tse! Bakla!” masungit na bulalas ni Hira at inirapan pa si Jack. Napahakbang ako paatras. I was on the middle and by the way they look at each other, there is an urge telling me to step back.
“What? Excuse me! I won’t kiss you no matter what happen! Stop dreaming girl. Isa lang ang gusto kong halikan at hindi ikaw iyon.”
“Para namang gusto kong halikan mo, eww!”
Minsan talaga may mga taong eksena. We are almost facing the war yet they flirting each other. Ibang klase rin talaga ang trip nila. Though, I find them cute. Bagay sila. Nagpahuli lang ako at hinayaan silang lahat na mauna.
If there is a command in front and serve as eye and shield, there should be also in back. Because not all enemies is in front. They are lot in back waiting for you to be on your weak side.
“The gate will open after a minute. Ready yourself so as your weapon. Kill many as you can. Protect your colleague. Remember that many is better than one, so let us unite.”
Wow! That was an amazing speech. Kidding. Nakakabilib din ang pagiging leader ni Prickster. Sino ba ang mag-aakalang pagtayo niya sa tabi nila ay sobra-sobrang tiwala ang nakuha niya. Good for him.
NAG-UMPISA na ang sigawan pagkapasok na pagkapasok palang. Mga tunog ng mga nagbabanggaang bakal. Pumwesto ako sa isang lugar na natatakpan ng malaking tipak ng semento.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa armas ko.
“We can do it.” Bulong ko sa bow and arrow ko. Ipinorma ko na iyon patutok sa Allicrail na balak lumundag mula sa likod ng Cychine. Masyado talagang tuso ang isang ito. Hinila ko na ang string ng arrow ko.
I put so much pressure in there. Banat na banat ang string. Ewan ko nalang kung hindi ito tumalab sa kanila. Saktong lundag niya ay siya namang pagbitaw ko sa arrow. Nang mapasin kong magiging alanganin pa rin ay sinundan ko pa ng magkasunod na tira.
Naningkit ang mata ko. My arrow doesn’t even affect the monster. Tumalsik nga ang allicrail pero dahil lamang iyon sa impact. Tinulungan pa iyon ng bumangon ng kapwa niya.
“Damn!” Malamang magsasayang lang ako ng arrow sa ginagawa ko. I must think a plan. Kung hindi gumana ang unang plano, dapat may pangalawa o pangatlo pa ako.
Makailang ulit pa akong huminga ng malalim. I have no choice but left in one thing. My plan is not effective right now. Tumingala ako at pinagmasdan ang maliwanag at kulay blue na kaulapan.
Ang ganda at aliwalas ng panahon pero hindi ang nangyayari. Pinanood ko muna ang iba kung paano sila lumaban. Buwis buhay ang iba kung makipaglaban. Pilit naman silang bina-back up-an ng mga long range fighter pero madalas ay halos walang naitutulong kagaya ko.
Bahagyang kumirot ang dibdib ko sa isiping iyon. Marami na ang gustong umatras pero hindi ginawa dahil kung aatras sila paano ang mga nasa malalapit? Nasira ng isang malakas na sigaw ang pagaanalisa ko. Isang kaedaran namin nina Prickster ang tumalsik dahil sa hampas ng buntot ng isang Allcrail. Akmang aapakan siya ng Cychine ng pinilit niyang gumulong.
Ang iba ay natulala nalang sa nakita. Walang tumulong sa kaniya. May ilang sumubok patamaan ang Cychine ng arrow pero nagrereflect lang iyon. Nang mapansin ng spidechi ang lalaki ay mabilis ding naglakad ito palapit. Sa galamay palang ng bagay na iyon ay siguradong kamatayan ang hahantungan.
Mas lumakas na sila hindi katulad noong una. Trial is really very different from the real one. Tatahip-tahip man ang dibdib ko ay mabilis akong tumayo. Buo na ang loob ko. I can’t accept the fact that someone will lose his life in this f— land.
Mabilis kong tinakbo ang agwat naming ng lalaking may battle axe. Inagaw ko iyon mula sa kaniya.
“Rhianna, no!” Rinig kong sigaw nina Prickster at Jack pero hind ko sila pinakinggan. I run as fast as I could.
Malapit ng bumaon sa lalaki ang mga galamay ng spidechi nang mag-slide ako at iniharang ang battle axe. Nailipat sa akin ang attention nila kaya ako naman ang pinuntirya nila.
Isinangga ko ang gauntlet ko sa atake ng spidechi. Ang nakabibinging alingawngaw niyon ang pumailanlang sa lugar. Halos mabalian din ako ng braso sa lakas ng impact. Mabigat na agad ang paghinga ko. Pagod mula sa pagtakbo at idagdag pa ang kaba dahil baka nagkaroon ng error ang gauntlet armor ko.
Pansamantala ko munang binitiwan ang battle axe para makakilos ako ng maayos. Ang kaliwa ko ang pilit sumasangga sa mga atake nila habang pilit kong pinoprotektahan ang lalaki.
I activate the other weapon I have. The one I originally compose. Gamit ang natitira ko pang braso agad kong ginamit iyon pang-atake. Kusang lumabas doon ang double blade that mix with my killer laser.
Sabay-sabay na naglaglagan ang apat na galamay ng spidechi. Gamit ang namamanhid kong kaliwang braso ay agad kong bingyan ng super punch ang mismong ulo ng spidechi.
Hahampasin na ako ng Cyhine ng magsplit ako. Pero hindi nakaligtas ang dulo ng buhok ko sa hindi ko namalayang pagdating ng giant robot. Itong-ito ‘yong kumawawa sa akin noon. Napaigik ako sa sakit nang iangat niya ako papuntang bunganga niya. I slashed my right hand above my head to cut the hair. Sa taas ng silver giant robot na ito ay malamang magiging kawawa ako sa pagbagsak ko.
Bago pa ang tuluyang malayo sa kaniya ay agad kong isinaksak sa dibdib niya ang double blade ko. Inilagay ko sa katawan ko ang buong bigat ko.
“Kulang pa.” Naibulalas ko nang hindi ko mahila ang armas ko pababa. Masyado akong magaan. Naalala ko ang gauntlet ko.
Pilit kong binuhat iyon pataas hanggang sa maabot ang labi ko. Diniinan ko ang pressure button doon hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang braso ko sa bigat. Saktong damausdos na rin ako pababa nang hampasin niya ang dibdib niya na dati kong pwesto kanina.
Para na nga akong naliligo sa fireworks dahil sa nakabaon pa rin ang weapon ko sa katawan ng higanteng robot. Good thing suot ko ang electricity nullifier gloves ko. Kaso hindi pa rin ligtas ang braso at buhok ko dahil sa spark na ipinanliligo ko ngayon.
Naghalo na ang amoy ng hangin at sinusunog na buhok. Bagay naman siguro sa akin ang short hair.
Bumagsak ako sa tabi ng lalaki. Buhay pa naman siya at mabuting hindi siya naapakan ng higanteng robot.