ITINAYO ko ang mini spidechi sa maliit na platform sa harap namin. Lamesa na hugis bilog iyon na gawa sa thick wood. Tamang-tama lang pang sub.
Ang higaan ni Prickster ay itinago muna namin sa compartment ng kwarto niya kaya malinis at may kaluwagan na ang lugar.
Nasa gitna kami ng kwarto. Nilagyan rin namin ng tube cover ang mini spidechi. Clear view ang cover niyon kaya kitang-kita pa rin ang loob.
Lumulutang ang mini spidechi dahil sa force na nakakonekta sa kaniya. Kitang-kita ang daan ng kuryente pataas papunta sa iniimbento namin.
Tinanguan ko si Prickster at nakuha niya naman ang nais kong iparating. Nilagyan niya ng takip ang tube cover para kung sakaling sumabog ay safe kami.
"Ready?" tanong ko sa dalawang bata. Natutuwa ako sa pag-uniform nila. Naka-white laboratory gown sila habang suot ang protective gear.
Na-uh ako lang pala ang hindi naka-proper outfit. Simpleng polo shirt at jogging pants lang ang suot ko.
Pinilit lang din ng dalawang bata si Prickster na magdamit din para daw trio sila.
I secretly took a picture of them. Ang cute kasi nila, sobra.
Nakalabas na ang hologram laptop ko kung saan ako nagprogram kanina. Tatlong beses ko na rin na-check and nothing is wrong naman. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa swivel chair.
"Ready the program..." Malaki ang boses ni Tantan na tila nasa isang laro o military training kami at siya ang nagko-command. Nakangising kumindat si Prickster.
Siguradong siya ang pasimuno niyan.
"Set!" sigaw niya at talaga nakataas pa ang dalawang kamay.
Natatawa nalang ako at the same time naiiling na pinindot ang "enter" button. The program runs fast. Hindi masundan ng mata ang pag-ikot at paggalaw ng mga number and charcaters habang ang sa gilid naman ay notifications.
Tumingin ako sa mini spidechi. Napapalibutan na iyon ng kuryente. Palaki ng palaki ang pumapalibot doon hanggang sa tila pasabog na.
"Step aside." Utos ko at mabilis na tinignan ang notifications and indicators. Everything was fine pero bakit ganoon ang reaction ng experiment.
I set my enhanced face shield into magnifier. Tinitigan kong maigi ang nangyayari baka nagkaroon ng physical problem.
"Mommy, come here!" sigaw ni Jon.
"My toy!" umiiyak namang ani ni Tantan.
Winaksi ko muna sila sa isip ko. I need kore concentration.
"Come on, get away from there too."
Pilit akong hinihila ni Prickster palayo and I accidentally spilled the tube cover. Natanggal iyon at nalaglag. Pare-pareho kaming napaatras dahil doon.
Agad kong niyakap si Tantan at ganoon din ang ginawa ni Prickster kay Jon. Ang kanang braso niya ay iniyakap niya rin sa akin. He is covering us but we priority the smalls.
Pansamantala kong binitawan si Tantan but I make sure to cover him. Mabilis kong kinalikot ang laptop kong hologram style.
Damn it! Nagloload ang program at two percent nalang it will reach the one hundred percent full stack. It is to complete the collection of technology series so that it complete the project. It supposed to generate the machine intelligence that also planned to convert into artificial intelligence after we gathered a data.
Lumingon ako sa likuran ko. Palaki ng palaki ang kuryenteng pumapalibot doon. Gaoon din ang pagkawala ng hininga namin. Halos umabot na ng two feet ang laki ng bilog na kuryente at lumalaki pa.
Hindi rin kami pwedeng magbukas ng bintana o pinto dahil mas malala ang sasapitin namin.
'Tumalikod na ako at nag-umpisa ng maglakad palabas ng lugar. Malapit na ako sa pinto nang tawagin ako ni Prof.
"Rhianna, catch." Mabilis kong sinambot ang ibinato niya. Kunot noo ko iyong tinignan, isang dangkal ang taas at ganoon din ang lapad.
"What is this?" tanong ko habang ininspeksyon ang inihagis niya. Ngayon ko lang ito nakita. I'm sure it is also a transformer. Doon siya mahilig e, small to large and large to small, vice versa.
"My new invention. You can use that on the event. I will email you the controls even though you don't need it. Good luck, Rhianna."
Yes! That thing, I need that thing! By suddenly remembering Mr. Greene gave me. Mabilis kong inilabas iyon from my portable pocket. Hindi ko talaga alam ang function nito pero bahala na.
Walang pagdadalawang isip kong pinindot ang kulay green na button doon.
"What is that?" Prickster asked.
Nagkibit balikat lang ako. Kagat-kagat ko lang labi ko sa sobrang tensyon. "Hindi ko alam."
"Ano?! Paano kung mas mapahamak tayo diyan?" Napaiwas agad ako ng tingin. Oo nga naman. What if it is a explosive bomb?
Matapos umikot ng bilog na bagay na iyon ay nabuo ang kulay green na force field. May disenyo pa iyon na heptagon sa palibot. Sinubukan kong hawakan iyon. Solid siya at gawa sa matigas na bagay. Hindi siya cement dahil mas possible pang glass iyon.
Sa pinakasentro at pinakatuktok napunta ang bilog na stainless at may disenyong katulad ng shield ngayon.
Nagkatinginan kami ni Prickster. "This is the coolest!" sabay naming bulalas.
Saktong pasabog na ang kuryente nang biglang hinigop ang kuryenteng iyon ng mini spidechi.
"Wow!" bulalas ng dalawang bata.
"What does it mean?"
Napangisi ako. "It's perfect!"
Naunahan niya ako sa pagpindot sa disable button. Kaya hinayaan ko na. Sabay-sabay kaming tumayo at lumapit sa mini spidechi.
Tinurn-off ko muna ang machine na nagdadala ng kuryente sa mini spidechi bago ko kinuha iyon.
Inilagay ko iyon sa sahig at pinanood. Pare-pareho kaming matiyagang inabangan ang gagawin niya. Nakaharap siya ngayon kay Tantan tulad ng pagkakalapag ko kanina.
Napatampa ako sa noo. "Sorry I forgot."
Kinuha ko sa pocket ng portable bag ko ang flat battery. Turnable ang battery para kung low battery ang isa ay magkukusa iyong umikot. Hindi ko pa nalalagyan ng solar panel ang likod niya pero nasa notes ko na iyon. Para tuwing nagpapalit pwesto ang battery ay nagchachrge na agad.
"Why?" tanong ni Prickster.
I simply replied. "Battery."
Natatawa nalang siyang napailing sa nangyari. Humilata pa siya sa sahig not minding if it is clean or not.
"That was an epic event!" bulalas niya.
Grabeng exhaustion ang inabot namin sa nangyari. I thought something bad is going to happen. Napalingon ako sa dalawang bata.
Nakahiga na rin ang mga ito at nakaunan pa sa tiyan ni Prickster. I took another picture of them using the button on my polo shirt.
Pinagmasdan ko muna ang battery habang nagpapahinga sila. After a minute tinawag ko na sila.
"Position na guys."
Itinapat ko ang bilog at lapad na battery sa likod ng mini spidechi. Kusang bumakas ang likod niyon kaya binitawan ko na. Kusa rin iyong bumaba at pumasok sa butas. Nang magsara iyon ay agad gumalaw ang mini spidechi at kapansin-pansin ang bahagyang paglaki nito. Pwede nang sakyan ni Tantan iyon.
Umilaw ang mga mata niya ng kulay green at itinutok iyon sa mukha ni Tantan. Bahagya pang gumalaw ang ilang mga galamay nito habang nagtataas baba ang kulay berde na indikasyon ng pag-scan.
Nirerehistro niya ang mukha ni Tantan na ikinumpara niya sa picture na ibinigay ko sa data niya.
"Nathaniel James Velasque. Nice to meet you!" Umangat ang isang galamay ng mini spidechi at iniabot iyon sa kaniya.
Napakapit naman agad si Tantan sa braso ni Prickster. Mas bumaba pa ang galamay ng mini spidechi at desidido itong makipagkamay.
"You're James too? Cool. Anak nga kita."
Natatawa nalang ako sa pagiging assumero niya. Masiyado niya ng kina-career ang pagiging tatay-tatayan niya.
Kinuha niya ang galamay ng spidechi at siya na ang nakipagshake hands doon. Isinunod na ini-register ng spidechi ay si Jon tsaka pa lang kami.
Nilingon ko ang dalawa. On the second thought, ngayon ko lang din na-realize na pareho nga pala silang James as in James Prickster and Nathaniel James.
Matapos naming ma-scan ay agad na kaming tumayo. Ayaw magpababa ni Tantan dahil siya ang sinusundan ng spidechi. Malamang siya ang unang namulatan kaya siya ang pinakasusundin niyon.
It is one of the rule pag ako ang gumawa ng mga machine robot. Kung sino ang unang makikita niya pagmulat ng mata niya ay awtomatikong iyon na ang priority niyang susundin.
Pagkalabas namin ng kwarto ni Prickster ay tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Nag-uumpisa ng mamuo ang pawis sa likod ko dahil sa pagod.
"Nathaniel is afraid."
Napalingon ako sa gawi ni Tantan. Nandoon siya sa isang single seater sofa at si Prickster naman ay teka nasaan iyon? Inilibot ko ang tingin sa paligid at walang mababakas na siya. Hindi kaya nasa kusina siya?
Natatawa ako sa reaksyon ngayon ni Tantan. "Why is that little boy afraid?"
Lumapit ako sa kaniya at kinuha siya mula doon. Umupo kami sa three seater na sofa pero nakakalong siya sa akin. Mahigpit ang kapit niya habang nakabitin ang braso sa likod ko.
"Mommy what happened to my toy?" Paiyak nang sabi ni Tantan.
Ginulo ko ang buhok niya. "I thought you want him to talk? He is talking now. Come on try it."
"Really?"
Tumango ako at pinisil ang dalawang matambok niyang pisngi. "Yes, little boy."
"Give him a name." Utos ko.
Umakto naman agad siya na tila nag-iisip. "SpiderJ!"
"That's cool. So, he is now SpiderJ. The talking toy of Tantan."
Lumundag siya papuntang sahig. Tuwang-tuwang niyang pinulot si SpiderJ at nilaro. Parang hindi niya kinatakutan kanina.
Sana ganito nalang kami palagi. Walang iisiping iba kundi ang magsaya. Napatingin ako sa notification ng portable computer ko. Natatambakan na ako ng email.
I scrolled them. Ang iba notifications lang about sa mga per na nakuha through fighting at kasama rin doon ang mga stamina record ko.
Maraming notes at ek-ek ang mundong 'to. Mga replenisher na hindi ko naman alam ang function. May mga mystery key pa na sira. Tatlong piece nalang mabubuo ko na ang buong susi pero hindi ko naman alam kung para saan iyon.
"Mommy this is so cool!"
Naramdaman ko ang pagbigat ni Tantan sa kandungan ko. Ipinalibot din niya ang dalawang braso sa leeg ko at pinupog ako ng halik sa pisngi.
"How about daddy?" ani ng selosong lalaki. Kinuha niya mula sa kandungan ko si Tantan at iniharap sa kaniya ang bata.
If Dad is here malamang feel na feel din niyon maglulo-lolohan.
KUMUHA ako ng pagkain na nasa lamesa. As usual tinapay ulit iyon. Kinagat ko muna pansamantala ang sandwich tsaka tinignan muli ang email.
Napaayos ako ng upo nang makita ang email ni Mr. Revant.
Dear Mr. Rhianna,
We are sorry about the said problem. It is not our fault why a four year's old kid is inside the ACMIDELU Land. The one who took him in the academy is the one we can blame for.
Therefore, the only way to get him out of the place is to find the gate. Though I am telling you now, it is not easy to find and surpass. But if you will, goodluck!
Revant
Creator