Malalim ang buntong hininga ko habang nakatingin kay Tantan na mahimbing ang tulog. May mumunting hilik pa ang kumakawala sa labi niya kaya marahan kong itinagilid ang ulo niya.
Kakatapos ko lang basahin ang isang kwentong ipinapakita kung paano naging buo ang loob ng bida sa isang bagay na kinakatakutan niya. Kung paano niya ito nilabanan ng nag-iisa dahil ayon sa aral ng kuwento.
"Hindi sa lahat ng oras ay may kasama ka upang palakasin ang loob mong kaharapin ang mga bagay na kinakatakutan mo."
In real life, marami ang nakapaloob na aral doon. Wala tayong permanenteng kakampi na sasamahan tayo hanggang sa dulo. Dahil sa panahon ngayon, susuportahan ka lang sa una. Mayroon namang nandiyan lang sila kung kailan panalo ka na pero nang mga panahong hinang-hina ka na ay naroon lang sila pinapanood ka.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ko kaya tumayo ako to check who is it.
“Anong kailangan mo?” taas kilay kong tanong kay Prickster. Magulo ang buhok niya at mukhang kagigising lang. Ano na namang problema ng lalaking ‘to para mangbulabog. Alas onse y media na pero gising pa siya.
"How's being a mother?"
Mabilis na lumipad sa kaniya ang binti ko.
"How's my kick?" sarkastiko kong tanong.
"Wala ka talagang humor sa katawan!" aniya habang hinhilot ang hita niyang tinamaan ng sipa ko.
"I'm not in the mood for your joke. Ano bang kailangan mo?" Kunot noo akong sumandal sa hamba ng pintuan habang nakakrus ang braso.
"I just wanna see the mom of my son, Jonathan."
This time sumugod ako palapit sa kaniya at sinuntok siya sa tyan. "Mandiri ka nga!"
"Oo na. Nagbibiro lang ako."
"Anong ba kasing kailangan mo?"
Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at naupo sa sofa na nasa sala. Baka kasi magising pa si Tantan sa kaladian ni Prickster.
"Ikaw..."
Ibinato ko na naman sa kaniya ang unan dahil iyon ang una kong nahawakan.
Tumatawa siyang pumasok ng kusina. Naiiling akong humiga sa couch. Minsan talaga ang sarap pektusan ng lalaking iyon. Pabago-bago ng mood.
Kamusta na kaya si Mr. Smith. I trued to contact him pero parang may blocker ang buong lugar. It is like communication is intended only for this place.
"Here."
Tamad kong nilingon si Prickster. Inaabot niya ang isang baso ng 3 in 1 coffee. Bumangon ako at inabot iyon at agad ding ipinatong sa lamesa.
Kumuha ako ng loaf bread na may palamang chocolate at agad kinain iyon. Yeah, midnight snack with this guy is not new for me. Kaya kung makita ko nalang ang sarili kong mataba ay dahil iyon sa kaniya.
"Did you... Did you ever try to contact your father while you are here?"
Umiling siya. "Noong una. But now he is not replying to my email. Why? You miss him?"
"Of course. Who is not? It's been a month and we don't have any idea what is happening outside."
"Last week. There was a last email from Dad. Telling everything was getting worse... I didn't tell you because I know you. You are her 'stubborn' daughter according to what he said before. Also you can't blame me, it was indicated on the email. He don't want you to worry."
Umupo ako at tinignan siya ng seryoso.
"Huwag sabihin pero sinabi mo pa rin. You really are not trustworthy."
Napapikit ako nang tumama sa mukha ko ang unan. Sinamaan ko siya ng tingin. Sa halip na gantihan ay pinabayaan ko nalang. Okay lang sana kung walang pagkain sa lamesa kaso mayroon baka tamaan pa.
"Pinili lang kitang pagkatiwalaan. Be thankful at least may alam ka sa nangyayari.
"What about the mission?" tanong ko. Buong maghapon na kaming hindi nakalabas for Quest or Mission.
"Pwede naman bukas. Isang linggo naman ang ibinigay na aloted time sa mission. Besides, nagpapagaling pa ako."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Mukhang okay na okay ka na nga eh."
Wala ng mababakas na sugat o pasa. Kaninang kararating niya medyo weak siya or baka arte niya lang para alagaan siya ni Clarissa? Well, who knows.
"I'm still weak, Rhianna. I may look fine but I'm telling you I can't even do running. Masyadong nalamog ang katawan ko."
"Whatever, Prick. Sino ba kasi ang may kasalanan? Nanunugod ka bigla doon."
Minsan kasi ang babaw ng dahilan niya. Magtatampo tapos doon susugod sa pwede siyang mapahamak. Ibang klase rin 'to e.
Dinampot ko ang nag-iisang tinapay sa plato at kinain iyon. Inubos ko na rin ng inom ang gatas ko para makapagpahinga na kaming pareho.
"Kung hindi ka sana nang-asar edi sana wala akong sakit sa katawan ngayon," ungot niya.
Tumawa ako ng marahan. "Buti nga sa 'yo. Lower your expectation and stop dreaming, Prick. We are not in fantasy world."
Tumayo na ako at naglakad na papuntang kwarto ko. Bago ko pa isara ang pintuan ay nilingon ko siya. Tulala lang siya sa lamesa.
"Let's do something tomorrow. You choose what should we invent. Goodnight!"
Tumabi na ako ng higa kay Tantan. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa bolster pillow ko. Marahan komg hinaplos ang buhok niya. Naging instant Ate tuloy ako.
NAGISING ako na tanghali na. Wala na rin sa tabi ko si Tantan. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala din siya doon. Baka kinuha ni Jon.
Bumangon na ako at dumiretso ng comfort room para magbihis. Naghilamos ako ng mukha at nagmumog gamit angmouth wash.
Nang maayos na ako ay agad din akong lumabas para hanapin ang bata. Pagbukas ko nang pinto ay una ko namg napansin ang pagiging tahimik at malinis na sala.
Nagawi ang tingin ko sa pinto nang kwarto ni Prickster. Nakaawang ang pinto ng kwarto kaya sumilip nalang ako. Nandoon ang batang akala mo ay hindi apat na taong gulang. Ang batang kanina ko pa hinahanap.
I knock on the door for them to notice me. Nang mapansin iyon ni Tantan ay agad siyang tumakbo palapit sa akin.
"Mommy!" aniya at tuluyan na akong dinamba.
"Hey!" Natatawa kong tinapik ang likod ng bata. "How is your sleep?"
"Looooonggg!" Mahabang aniya. Prickster and I got chuckled because of his activeness.
"Very good! Look like we will have our big boy now, 'di ba kuya Jon?" Umakbay si Prickster kay Jon na kakatapos lang maligo.
"Yes, Dad."
Ang ngiti ko kanina ay unti-unting naging ngiwi. Bakit feeling ko isang pamilya kami and Prickster is my husband? Mabilis kong inihilig ang ulo ko.
Nagpatianod ako sa hila ni Tantan papasok ng kwarto ni Prickster. Naroon din si mini spidechi, nagpapaikot-ikot sa lugar.
"Sabi ni Dad we are going to invent some things today. I'm so excited!" Sigaw ni Jon bago sinabayan iyon ng sayaw.
"Really? Then let's make it possible." Malapad ang ngiti kong ginulo ang buhok niya.
Lumapit ako kay Prickster at tumabi sa kaniya. "May naisip ka na bang gagawin?"
Umiling siya. "Wala pa."
Mabilis akong napalingon sa kaniya. "Ano? Pagkatapos mo i-brain wash ang bata tapos sasabihin mo ngayon na wala?"
"Let's just ask them kung anong gusto nila, okay? Don't stress yourself. Pangit ka na nga baka lumala pa."
Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ano raw? Mabilis kong kinurot ang tagiliran niya in a way na hindi mapapansin ng dalawang bata.
"Damn! Ouc— stop it, Rhianna. It's getting sorer!"
Masama ang tingin kong binitiwan ang tagiliran niya. "Umayos ka nga!"
INILABAS ni Prickster ang mga gagamitin namin. Wala pa naman kaming plano pero sabi ko ay ilabas na ang mga gagamitin. We've also decided na doon nalang sa loob ng kwarto niya isagawa ang inventing.
"What do you want to make first, boys?" tanong ni Prickster sa dalawang amaze na amaze na nakatingin sa well organized na gamit.
"Ikaw, Tantan? Anong gusto mo?" Baling na tanong ni Jon sa kapatid.
Itinaas ni Tantan ang mini spidechi ko na tila pilit nagpupumiglas sa kaniya. "I want this to talk..."
"Eh ikaw, Jon?" tanong ko. Kinuha ko si Tantan ay pinangko. I love hugging this little boy.
Ang lambot kasi ng katawan niya. Tapos pag tumawa siya ay napaka-adorable. Kumpleto ang ngipin at nawawala ang mata kapag tumatawa.
"Robot na pwede kong maging kaibigan, Doctor, teacher at partner sa lahat."
Napangiti kami ni Prickster. "Good idea, my boy. Kailangan natin 'yan para may magbabantay sa inyo tuwing aalis kami ng Mommy niyo."
Napailing nalang ako sa ibinulalas ni Prickster. Feel na feel niya talaga ang pagiging tatay sa dalawa at idinamay pa ako. Good thing walang alam si Mr. Smith tungkol dito kung hindi walang tigil na naman sa pang-aasar iyon.
"Una niyong tatandaan at gagawin ay ang paglalagay ng protected gear lalo na kung involve ang electricity."
Iniabot ni Prickster ang electricity nullifier gloves at enhanced face shield sa dalawa.
"This gloves is called electricity nullifier, it is made for us to prevent the dangerous current or the accident that possible to happen." Itinuro ko naman ang enhanced face shield.
"That one is called enhanced face shield wherein it protects our eye in some flying objects. It will also make it easier to look at the dimensions and weight of the things you want to know."
"Wow! That was so cool!" tuwang-tuwang sigaw ni Jon at agad isinuot iyon.
"Wahhh! Daddy your height is six feet tall and your weight is fifty nine kilogram."
Mabilis akong napahalakhak dahil doon. "Oh come on, Prick. Lemme cook something later so you can achieve sixty kilogram. Okay? So, malnourished!" Itinaas ko pa ang kamay showing him the okay sign.
"Mommy's height is five feet and seven inches. Cool! And she weigh of—"
I cut him off. "Don't say it, Jon. Keep it on yourself."
"That's unfair. Come on, my boy tell us her kilogram."
Umiling si Jon habang tumatawa. "Sorry Dad. I love Mommy so much."
I felt something hugs around me. Wala naman literal na nakayakap sa akin but it feels like there is.
"How about me?" Ngising tanong ni Prickster.
"I love you too but I love her more."
Dumila ako kay Prickster para asarin siya. I felt overwhelmed. This is not so usual but I can't keep myself smiling.
I don't joke or tease someone but today I can't control myself but to go with the flow. Who would have thought that it is satisfying when someone got irritate with your suddenly action.
I used to live being serious but it is like everything is fun when I put some humor in me. Time to change myself for the betterment, I guess.