Malakas akong bumuntong hininga bago tumingin sa pinto ng kwarto ko. Matapos niyang maubos ang cake na isinubo sa kaniya ni Tantan kanina ay ipinagpaalam niyang kakausapin niya muna ako and they should stay in the room.
"Seriously, Rhianna? How come there's a kid here?" aniya bago itinuro ang pinto.
I just shrugged at him. Umupo ako sa sofa na naroon at pinagkrus ang dalawang kong braso.
"Nagtataka rin talaga ako eh. Akala ko bawal ang underage dito yet there's a eleven and four years old here. That is why I'm planning to talk to him— I mean that creator guy."
"They didn't exactly tell it, but yes kids should not be here," aniya habang nakalagay ang kamay sa may baba niya.
"How come his brother is here?"
Nagkibit-balikat ako. "Naghahanap pa ako ng pagkakataong itanong iyan sa kaniya."
"I'll try to ask him too. But first, let's protect them."
Tumango ako at inilabas ang portable computer ko. Lumabas ang laptop type holgram sa harapan ko kaya mabilis kong kinuha ang email ng creator sa notes ng portable computer.
Prickster perhaps watching me on what I am doing. I entered the creators email and start composing a message.
Wherein, I informed them about Jonathan and his younger brother Nathaniel existence in this place.
"Done. Hope he will reply as soon as possible."
"Anong plano mo ngayon?" tanong niya habang kumakain ng chips. Kung saan niya kinuha iyon ay hindi ko alam.
"My priority is to adopt them. Tsaka, itutuloy ko pa rin ang training center. Naghahanap na ako ng location na puwede kong pagtayuan. I am planning on the interior too. Baka mamaya I'll look online nalang.”
“Masyadong malaki ang responsibilidad na ‘yan, Rhianna. I’m telling you… just stick on the kids, mas madali pa iyon.”
“Kaya ko. Okay? Kakayanin ko. Ginusto ko ito kaya dapat lang na kayanin ko.”
Sinimangutan ko siya at pabagsak na humiga sa sofa. Minsan talaga nakakawala ng confidence ang mga taong ito. Mga takot sa responsibilidad. Hello, naisip ko na iyon bago ko pa i-relay sa kanila.
Tumayo na ako at naglakad papuntang kwarto ko. Nilingon ko siya pero hindi na ako nagsalita pa. Nakasunod lang siya at hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya.
Kasama ko siyang pumasok ng kwarto ko at nakakagulat na malinis na ang pinagkainan nila. Maging ang ibang gamit ay nakasalansan na maliban sa mini Spidechi na ngayon ay kalaro ni Tantan. Nagbabasa naman ng isa sa mga libro ko sa isang gilid si Jon.
This kid is good in organizing things.
“Hey, kiddo!” pagtawag pansin ni Prickster.
Nilingon ko naman agad siya. “Anong kailangan mo sa kanila?”
“That big boy over there will be staying in my room.”
“At bakit?” Mataray kong tanong sa kaniya.
"He is still a boy..." sagot niya tsaka iniwas ang tingin palayo sa akin.
"What? You're kidding right?"
Napakababaw naman ng rason niya. Anong tingin niya sa akin, Pedophile? Pumapatol sa bata.
Umiling siya. "Come on, Rhianna. You can keep the small one but that bigger one will be in my room," aniya. Tinignan ko siya ng masama. "Para hindi ka rin masikipan dito."
"Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Kaya no, hindi mo siya pwedeng ilayo. And who told you na nasisikipan ako rito pag kasama sila?"
"Aish!" Ginulo niya ang buhok niya sa inis. Inirapan ko lang siya. Ang arte niya.
"Ate, Kuya." Kumakamot si Jon sa batok niya. Dumako ang tingin ko sa inuupuan niya kanina. Malinis na rin doon. Mukhang naibalik niya na ang librong binabasa niya kanina.
"Huwag na kayo mag-away. Sige po, doon nalang ako muna sa kwarto ni Kuya. Nakausap ko na rin naman po si Tantan."
"See?" bulong ni Prickster sa kaliwang tenga ko. Sinamaan ko siya ng tingin tsaka hinanap si Tantan.
Nakaupo na siya sa kama ko at nakatingin sa amin.
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay kumaway siya. He spread his arm wide.
"Mommy," tumatawa niyang pagtawag. Nanlaki ang mata ko nang may malakas na pwersa ang tumulak sa akin palapit kay Tantan.
"Alagaan mo ng mabuti 'yang anak natin." Nakangising biro ni Prickster. Nandilim ang paningin ko at agad ibinato sa kaniya si Tantan. I mean iyong unan na nasa harap ni Tantan.
Nakangisi siyang tumalikod sa akin at inakbayan si Jon. Sabay silang lumabas ng malawak ang ngiti. Mga punyeta talaga.
"Let's sleep na baby." Inihiga ko siya sa kama at tinabihan. Itinaas ko ang kumot hanggang sa kilikili ko.
Maputi si Tantan, matangos din ang ilong niyang maliit. Ang labi niya ay kulay pink at mas makapal ang ibaba kaysa sa itaas. Ngayon ko lang napansing mahaba rin ang pilik mata niya. Ang buhok niya naman ay medyo kulot.
"You're so handsome, little boy."
"Tinkyu!" namumungay ang mata niya pero nagawa pa rin niyang igalaw-galaw ang katawan.
"Happy ka ba sa tirahan mo ngayon?" tanong ko bago sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
Tumango-tango siya. "Hmm."
"Wanna sleep? Or you want some story?" tanong ko ulit.
"Story. But can I call you m-mommy?" Natulala ako sa mukha niya.
"Please." He flashed his puppy look.
"Tell me how to declined in that cutie handsome face of yours, little one."