Pagkarating namin ng bahay ay agad kong ibinaba muna si Tantan. I pressed my thumb at the finger print machine sa tabi ng pinto and let it scan my face. Nang tumunog iyon ng beep ay agad iyong nagbukas. Pumasok na kaming tatlo. Sa tahimik ng bahay ay malamang wala pa roon si Prickster. Ayaw sigurong payagan lumabas ng Infirmary. Dumiretso kami sa kwarto ko. Inilapag naman ni Jonathan ang bag na bitbit niya sa gilid. "Simula ngayon ito na ang magiging kwarto natin. Don't worry magpapagawa tayo ng sariling kwarto niyo but for now you'll stay with me." "Masusunod po Ate." Sumaludo si Jon at humarap sa kapatid. "Narinig mo iyon, Tan? Hindi ka na magigising sa madaling araw dahil hindi na sasakit pa ang likod mo." Napangiti ako sa nakikita. He surely love his brother. Jonathan or Jon is

