Sinenyasan ko si Riri na ibaba ang hawak niyang black and pink hand gun. Naramdaman ko ang paghawak ni Hira sa damit ko habang nagtatago sa likod ko. "Gumawa ka pa ng bagay na ikasasama mo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila palampas kay Riri. "She's my colleague. You have nothing to worry about." Dumiretso kami sa third floor. This time nasa loob na ng kwarto ang elevator. Kung kanina ay walang glass cover ngayon ay mayro'n na. Nakarating kami sa gitna ng isang kwarto kung saan punong-puno ng machine. May iba't ibang uri rin ng liquid na naka-hilera sa gilid. May mga tube din kung saan pwede ilagay ang subject. A scientist and technology laboratory. Malapad ang lugar at may tatlong section. Sa gitna ang pinakamalapad at sa kanan naman ang para sa sceince laboratory. May glass w

