Chapter 24 - Instant Nurse

628 Words
DUMAAN muna ako sa isang bilihan ng damit para kay Jack. Hindi ko alam kung nasaan ang bahay ng mokong na iyon kaya wala akong choice kung hindi ang bilhan siya ng pamalit sa damit niya. Kung damit naman nang isa ang ipapagamit ko, malamang magwewelga iyon. Gusto pa naman niyon ay pag-gamit niya, kaniya lang talaga. Ganoon siya ka-possesive sa mga bagay na nagugustuhan niya. Bumili nalang ako nang damit na sa tingin ko ay kakasya kay Jack at lahat ng kailangan niya. Good thing ang kumuha na ng you know what I mean is the sales associate. Matapos kong bayaran ang mga iyon ay agad akong dumiretso sa pinto palabas ng lugar. Siguro naman wala na ang Clarissa'ng iyon doon. She keeps on putting the blame on me, nakakabuwisit. Hello, parang ginusto ko ang nangyari sa dalawa kung makapagsalita siya. Nakakasira siya ng ulo. Ginamit ko na ang hoverboard ko para makarating agad ng Infirmary. Tumunog ang cellphone kaya tinignan ko iyon. Message from Hira, aniya gising na ang dalawa. Napatango naman ako at mas binilisan pa. Nakarating agad ako sa harapan ng Infirmary. Bawal ang mga unauthorized na gamit doon sa loob. You can carry them but make sure to not use them inside. Mabilis kong ibinulsa ang hoverboard ko at pumasok. Mabilis ang bawat hakbang ng mga paa ko dahil knowing them. Baka nakabangon na agad ang mga iyon. Pagkarating ko ay agad akong napahinto at tinignan sila, they are eating and it was an unhealthy food. Naiiling nalang akong itinabi ang dala ko tsaka lumapit kay Jack. Busy pa magpasubo si Prickster kaya mamaya ko nalang siya lalapitan. "How's sleep?" tanong ko bago umupo sa tabi ng kama niya. Nabawasan na rin ang pamamaga ng labi niya and it is a relief. At least may progress ang medication. "I'm fine now, Ri. J-just, just stay here." He flashed a smile kahit halatang nasaktan siya doon. How come this man got in this situation? Ang alam ko tatlo lang kami sa lugar bago ako mawalan ng malay. 'Ate, nang nawalan ka ng malay tsaka siya dumating.' Napakamot ako sa batok ko. Nabanggit nga pala sa akin, bakit ba nawala sa isip ko. "Don't worry I won't leave, unless pag pwede na tayo lumabas, siyempre." Hinawakan ko ang kamay niya. Grabe, bakit kaya nasunog iyon. Napailing nalang ako. Ano pang kamalasan ang hakaharapin namin? Kinuha ko na ang isang bag na pinaglagyan ng gamit niyang binili ko pa. Inabot ko naman ang isang bag kay Prickster not minding the woman beside her. Ang sama makatingin. If looks could kill, I was burried 15 meters below. "Kaya mo bang magbihis?" tanong ko sa kaniya at ipinakita ang black v-neck shirt, at kaki short. Of course less the small one. "I can't, can you change it for me? Please..." Tinitigan ko siya at pinaningkitan ng mata. "Don't play with me, Jack. Pagnakita kitang ngumiti, mag-i-stay ka rito ng isang buwan pa. No companion." Nakaturo pa sa kaniya ang hintuturo ko habang binibigyan siya ng nagbabantang tingin. "Don’t worry, I won’t let that happen. I respect you wholeheartedly for doing that. Your trust is the most important thing I have." Tumango ako at nginitian siya. I snap may finger thrice at nagkaroon ng sarado ang palibot sa hinihigaan niya. No one can see us here. Tumayo na ako at dahan-dahang kong hinubad ang damit niyang doble-doble. "Don't think of teasing me." Babala ko nang makita ko ang mata niyang tila ang daming sinasabi. He act like he zipped his mouth kaya tinuloy ko na ang ginagawa ko. Naramdaman ko ang tila may napukpok sa dingding. Ano kayang problema nila? Mga chismoso at chismosa! Anong akala nila? Gumagawa kami ng miracle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD