bc

Home in your Arms

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
CEO
like
intro-logo
Blurb

Astrid, being the neglected daughter from a Chinese-blooded family, wanted to impress her father but as she grew up, she grew tired of trying hard. As she finally chose to be free and do what makes her happy, she built a name in the world of Hoteliers and along the way, she met Phriam. Romance grew between them. Just when she thought she found her home, their love was ruined by someone. What will happen if she decided to walk away while she bears a child in her womb? Will she let the father of her child know about her pregnancy? Will her child be the key to open her father's heart and be accepted by him?

chap-preview
Free preview
Unwanted
CHAPTER 1 “Babalik na akong Pilipinas, mommy.” Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga sa kabilang linya. “Astrid, your father won’t like this. You know this very much,” disappointment is evident in her voice. Sinalampak ko ang sarili ko sa malaking sofa ko. Mula sa malawak na salaming bintana ay tinanaw ko ang nagtatayugang building. “You can’t stop me, mommy. I told you my physical presence is needed in the renovation of my hotel,” narinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko. Mabilis akong tumayo ay binuksan iyon. It was Lily. Hawak ang tray ng almusal ay dumiretso siya sa loob ng kwarto ko at inilapag iyon sa coffee table. “I would want you to be back, anak, but your daddy clearly forbids you to.” Bakit…? Her words are clearly different to what she does. “I’m sorry, mommy. I have to do this.” “Are you sure? Hindi ka ba nasasayangan sa pagkakataong maayos na ang pakikisama sa’yo ng iyong ama para lang sa pangsarili mong kagustuhan na bumalik ka rito?! Kung ganoon ay bahala ka na, Astrid!” I sighed. Sasagutin ko pa sana siya ngunit nairinig ko ang tunog na senyales na putol na ang tawag. Napatulala ako sa screen ng telepono. “Mommy mo?” Lily asked. Tumango ako. “I told her I’m going home.” “Let me guess, ayaw niya?” Muli akong tumango. She smiled weakly at me. Nakita ko rin ang awa sa mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang bara sa lalamunan ko kaya kinuha ko ang baso ng juice na dala niya at mabilis na inubos ang laman non. “Astrid…” inangat ko ang paningin ko kay Lily, “Maybe going back home isn’t a wise decision. You tried so hard already. Alam namin iyon, but your daddy…” Nag-init ang gilid ng mata ko pero ayaw kong makita niya na naiiyak na naman ako. Pero kung hindi ko ito gagawin ngayon, kailan? Binagsak ko ang paningin ko sa sahig. My life, as a kid, wasn’t easy. At an early age, my parents, especially my daddy intentionally made me feel unwanted. Very long time, I was locked up in my room especially when daddy have visitors. During meal time, my daddy would finish his meal quickly because he doesn’t want me eating with them. But of course, as a child, hindi ko iyon maintindihan kung bakit. “Look, daddy! My teacher gave me five stars!” I ran to him excitedly to show the reward I got from school. He just gave me a quick glance and he returned in reading the daily newspaper. Hinawakan ni mommy ang balikat ko. “W-wow! Very good, Astrid. I’m sure daddy is very happy about it but he is b-busy right now,” she smiled at me. Napa-angat ako ng tingin nang biglang tumayo si daddy mula sa pang-isahang sofa. “Do I look like I’m happy? Ha, Alicia?” Tumayo si mommy at hinawakan siya sa braso. “How many times do I have to tell you to keep that kid away from me! Saan ba doon ang hindi niyo maintindihan, ha?!” his voice boomed like thunder. Sa sobrang lakas ng boses niya pati ang kutsarang nakapatong sa mesa ay naglikha ng tunog. Napakislot ako sa gulat. Nanlalaki ang mata, ay binalingan ako ni mommy. She kissed me in my forehead bago sinenyasan niya ang kasambahay na kuhain ako at dalhin sa kwarto. Doon ay nagsimulang pumatak ang mga luha ko. I was very young yet I realized I am hated by my father, and even by my grandparents. Every time they visit, they never smiled at me, hugged me, nor kissed me like what other grandparents do. “Saemon, when are you visiting us in China?” my lolo asked when we were having a meal one day. Inilapag ni daddy ang kubyertos na hawak niya bago sumagot. “Soon, papa.” “Are you bringing this kid? I hope not, Saemon. Baka pag nalaman nila na may anak kang babae ay layuan na nila tayo dahil sa takot na mahawaan sila ng kamalasang dadalhin niya,” mariin akong tinitigan ni lola. Nagkatitigan si mommy at daddy. Sa ilalim ng mesa ay hinawakan ni mommy ang munti kong mga kamay. “No. Of course not, mama. Maiiwan siya dito,” tumikhim si daddy. It’s okay.  Iyon ang mga katagang binasa ko sa mga labi ni mommy. She smiled at me. Few months after that, they flew to China. Without me. I was alone in that big house with only the maids and few guards to keep me company. “Astrid, kumain ka na. Tatawag na ang mommy mo maya-maya at magtatanong sa akin kung kumain ka na. Pag nalaman niyang ayaw mong kumain ay ako ang mapapagalitan!” sinubuan niya ako. “Ate, hindi ba nila ako mahal?” napatigil siya sa pagsubo sa akin dahil sa tanong ko. Binagsak niya ang kutsarang hawak niya at nilapag sa mesa ang plato. “Bata ka pa masyado Astrid kaya hindi ko sigurado kung maiintindihan mo ba pero kasi… dugong tsino kasi ang pamilya ng papa mo,” hinawakan niya ang mahaba kong buhok bago nagpatuloy. “Sa paniniwala kasi nila ay malas ang mga panganay na babae. Lalaki ang gusto nilang maging panganay dahil iyon ang dapat magmamana ng business ninyo… kaya siguro ganyan ka nila tratuhin.” “Dapat ba hindi na lang ako pinanganak?” “Astrid… hindi mo kasalanan iyon. Mahal ka nila, siguro ay hindi lang nila alam kung paano nila ipapakita iyon.” “Paano kapag ayaw ko naman pala manahin iyong business nila, ate? Will they like me?” inosente kong tanong. Nakita ko ang awa sa mga mata niya and that’s when I knew that the answer is no. “Naku! ‘Wag mo na nga isipin iyon. Ang masasabi ko lang, mapakabait ka at mag-aral ng mabuti. Walang magulang na hindi mahal ang anak, okay? Ngayon, kumain ka na. Baka mamaya kausapin ka ng daddy mo tapos malaman niyang hindi ka pa kumakain syempre magagalit talaga siya niyan.” Suminghot ako at mabilis na ibinuka ang bunganga para kumain dahil sa sinabi niyang iyon. Every time they wold say things like that, I am being hopeful. Pero grabeng kirot rin ang balik sa akin kapag palagi akong umaasa sa mga bagay na iyon. Dahil kahit isang beses ay hindi nangyari ang alin man sa mga sinabi niya. Matagal sila sa China att sa mga panahong wala sila ang panahon na namulat ako sa malungkot na katotohanan. When they came back, I saw my daddy’s happy and smiling face for the first time than ever. Inaalalayan niya si mommy papasok ng bahay, hawak-hawak ang namumukol na tiyan. “Astrid!” tawag sa akin ni mommy. Lumuhod siya sa harapan ko. “Alicia, dahan-dahan,” my daddy said softly. Hinawakan ni mommy ang mga kamay ko at iginiya iyon papunta sa tiyan niya. “You’ll have a brother soon!” niyakap niya ako. I looked up at daddy. I should be happy you know, because I will have a brother. Finally, my daddy’s wishes will come true. Finally, my daddy will be happy. Pero hindi ko magawang maging masaya, dahil alam kong ang dahilan ng kasiyahan nilang dalawa ay hindi ako. Still, hindi pa rin nagbago ang trato sa akin ng daddy. He refuses to eat when I am in the same table as him. Hindi nagtatagal ng isang minuto ang titig niya sa akin. Nilalayuan nya ako na para bang may nakakahawa akong sakit. At an early age, I had my heart broken. Hindi rin ako hinayaang makapaglaro ng malaya sa bakuran namin dahil mapapagalitan ni daddy ang mga kasambahay kapag nakita niya ako sa labas so often times, I was in the maids quarter, with the maids and Lily, as my playmate. Lily was same as my age. She’s not a daughter of maid, but by my personal nanny mommy hired for me. “Astrid, this is Daisy. From now on, she’ll be taking care of you. Look, she’s got a daughter, may kalaro ka na!” mommy said happily. Tinitigan ko ang Daisy na sinasabi niya. Tingin ko ay mas matanda siya ng kaunti kaysa kay mommy. Daisy smiled at me but I didn’t. Nahagip ng mata ko ang batang babae na may hawak na manika. Palagay ko ay hindi siya komportable na tinititigan ko siya ng matagal kaya hinila niya ang saya ni Daisy at nagtago sa likod nito. Hinawakan ni Daisy ang anak niya at muli akong binalingan. Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ako sa braso. “Hello, Astrid. Nice to meet you. Sana ay maging magkaibigan tayo,” her smile grew wider. Nang oras na iyon, naisip ko, bakit pa ako bibigyan ng kalaro kung pwede naman ang kapatid ko? But maybe, daddy would not want Ely to play with me. He is now a year old. Tuwing napupunta ako sa veranda ng kwarto ko ay nasisilip ko ang kapatid ko na inaalalayan ni daddy, natututo na kasi siyang maglakad. Daddy laughed dahil sa biglaang pagbaksak ni Ely sa bermuda grass at hindi hinayaan ni mommy lumipas ang masaya nilang oras na iyon. She took photos of that happy moment. I wonder kung ganoon din ba sila nang natuto akong maglakad. I bet not. I remember peeking at our walls to see if we have family photos together pero nabigo ako ng kahit isa ay wala man lang nakasabit na litrato ko doon. Bawat hanay ay mayroon silang nakakainggit na litrato kasama ang kapatid ko ngunit ang akin ay naroon lamang sa aking kwarto. It’s as if they don’t want their visitors to know my existence. From that day onwards, mas marami pa ang oras na ginugol ni Daisy sa akin kaysa sa sarili kong ina. Siya ang nag-aasikaso sa akin. From preparing my meals, my clothes, and everything that I needed, except financial needs. Lily went to the same school. Mommy wanted it para daw hindi mahirapan si Daisy. Siya rin ang uma-attend kapag kailangan ng parents sa school. Kapag kailangan kuhanin ng report card ay sinasabay niya yung akin kapag kukuhain niya ang kay Lily. But what I hated the most in school is the Family Day, because only Daisy and Lily was there for me. She became my mother figure and Lily was my sister. They became my family. The following year, mommy became pregnant with my second brother. Isang gabi nagising ako dahil sa g**o na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon dahil baka magising si Lily sa tabi ko. Mommy allowed her to sleep in my room while Daisy is other. Iniwasan kong tapakan ang mga nakakalat na laruan dahil baka maglikha ito ng ingay. I tiptoed my way to the other. Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko ang mga taong halos hindi alam ang gagawin. Tuluyan akong lumabas para makita ang kabuuang nangyayari. “Astrid!” nilingon ko si Daisy na kaaakyat lang “Bakit ka lumabas?” “What’s happening?” kinusot ko ang mga mata ko. Yumuko siya at hinawakan ang mga balikat ko. “Manganganak na ang mommy mo,” she smiled at me. Ngumiti rin ako ng kaunti. Nilingon nya muna ang kwarto ko kung nasaan ang mahimbing na natutulog na si Lily bago muling nagsalita, “Dinala na ng daddy mo siya sa hospital. Natutulog pa si Ely kaya ikaw, bumalik ka na rin sa pagtulog --” naputol ang sasabihin niya nang narinig namin ang palahaw na iyak ni Ely. Nagkatinginan kami bago siya umayos ng tayo at dali-daling dinaluhan si Ely. Sumunod ako sa kanya. Binuhat ni Daisy ang kapatid mula sa kuna nito. Binigyan niya ito ng kanyang gatas pero hindi tinanggap ni Ely. Patuloy lang ito sa pag-iyak habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ilang dalawa, minamasdan ang luhang patuloy na pumapatak mula sa singkit nitong mga mata. This is the first time I have been this close to Ely dahil hindi hinahayaan ni daddy na makalapit ako ng mahigit isang metro sa kanya. Palagi niya din itong dala-dala kung saan man, makes me think that he really loves his son. Nagulat ako ng pilit akong inaabot ni Ely. Napatigil din si Daisy sa ginaawa nitong pagpatahan sa kanya. I raised my hand to touch his little fingers, pero bago ko siya tuluyang mahawakan ay napatingin ako kay Daisy, humihingi ng pahintulot. Nang tumango siya ay tuluyan kong hinawakan ang kamay ng kapatid ko, pero hindi ito nakuntento. Sa maliliit kong mga bisig ay nakaya kong buhatin ang kapatid ko. Nagulat ako ng humilig siya sa mga braso ko at maya-maya lang ay naramdaman ko ang muling pagbalik nito sa pagtulog. “Good job, Astrid,” bulong ni Daisy sa akin. Hindi ko alam kung bakit pinupuri niya ako pero nakaramdam ako ng tuwa. Ngumiti ako. Hindi nagtagal ay kinuha niya si Ely sa akin para ibalik ito sa kanyang kuna. Bago tuluyang umalis ay hinalikan ko ito sa kanyang noo at bumalik na sa kwarto ko. Kinaumagahan ay mabilis akong lumundag sa kama ko. Mula sa ibaba ay naririnig ko ag mumunting hagikhik ni Ely kaya mabilis akong bumaba para lapitan siya. Gumagapang siya nang makalapit ako sa kanya pero nang nakita niya ako ay dahan-dahan siyang tumayo at unti-unting naglakad papunta sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit ng sa wakas ay tagumpay niyang naabot ang kinaroroonan ko. Daisy’s smiles warmed my heart. That day, sa unang beses ay maka-ilang beses kong nayakap, nahagkan, at nakasama sa paglalaro ang kapatid ko. “Oy ano ‘yan?” tanong ni Lily nang nakababa siya ng hagdan. “Lily! Look, I’m playing with Ely,” nilapitan ko siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya palapit kay Ely. “Oh, maglaro muna kayo diyan ha? Ihahanda ko lang ang almusal niyo,” dumiretso si Daisy papuntang kusina pero maya’t-maya ang lingon niya sa amin. “Ely loves to play with me, Lily! Paborito niyang maghabul-habulan kasama ko,” pagmamalaki ko. “Hmm. Talaga ba?” “Oo! Tingnan mo,” kinuha ko si Ely at pinatayo sa pinakadulo ng sofa tapos ay mabilis akong tumakbo pabalik sa pwesto ni Lily. “Ely!” tawag ko sa kanya, “come to ate, come on,” I extended my arms para kung sakaling babagsak siya ay mabilis ko siyang masasalo. Ely ran to me. Nang nalapitan ako ay mabilis niya akong niyakap. “Wow, oo nga ‘no! Ang galing mo naman, Ely,” pumalakpak si Lily. “Gusto ko kasama rin ako.” Tuwang-tuwa kami ni Lily pero pareho rin kaming napatalon sa gulat nang biglang dumagundong ang boses ni daddy. “Anong ginagawa mo?!” “D…daddy.” Malalaki ang hakbang niya nang lumapit siya sa akin. Mabilis niyang hinablot ang kapatid ko mula sa pagkakahawak ko. “Saemon?” tawag ni mommy na kakapasok lang, hawak-hawak ang bagong panganak na sanggol. “Alicia, Saemon,” dumating si Daisy. Pareho kaming hinila ni Lily at itinago sa likod niya. Nanginig ako sa takot. My daddy has always been scary but this was the first time I felt fear like this. Napalingon ako kay Lily nang naramaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. “How dare you let her hold Ely, Daisy!” sigaw niya. “Naglalaro lang ang mga bata, Saemon,” kalmadong sagot ni Daisy. “I told you she can’t be close to my child! Anong karapatan mong suwayin ang utos ko ha? Binabayaran ka para ilayo siya pero ikaw pa mismo ang naglalapit sa kanya sa amin!” “Saemon -” “Shut up, Alicia! Ilayo nyo ang batang iyan dito kundi ay ako ang maglalayo sa kanya!” banta niya. Narinig ko ang mabibigat niyang hakbang paakyat ng hagdan. Tahimik akong umiyak. Lumabas ako mula sa pagkakatago sa likuran ni Daisy para lapitan si mommy pero inilingan niya ako at mabilis na sumunod sa ama ko. Mothers are supposed to protect their children, but what my mommy did makes me doubt if I am really her own child. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya. I was just a child. Hinila ako ni Daisy paupo sa sofa, doon ay pinahid niya luha ko pero mas lalo pa iyong pumatak nang narinig ko ang hikbi ni Lily. “Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya. “Eh, kasi ikaw umiiyak din eh,” hinila niya ang laylayan ng suot niyang bistida para pahiran ang mga luha kong walang tigil sa pagpatak. Nakita tuloy ang suot niyang panty. “Astrid…” tuluyan akong napatigil sa pagluha. Binaling ko ang atensyon ko kay Daisy na ngayon ay sinusuklay ang mahaba kong buhok. “Sana kahit anong masakit na salita ang marinig mo mula sa kanila… sana ‘wag kang magtatanim ng sama ng loob.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook