Lucas Ian Anderson (Lucien)
“So she also has an allergy when she eats carrots.”
Napatingin ako kay Victor na ngayon ko lang napansing nakatayo na pala sa may pintuan. Nakasandal siya roon, nakahalukipkip, at kahit mukha itong kalmado, halata sa seryosong tingin ng mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang nangyari.
“Close the door,” utos ko bago muling ibinalik ang tingin kay Ysabelle.
Mas maayos na ang kalagayan niya kumpara kanina. Bumalik na ang natural na kulay ng balat niya, ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang pamumula at pamamantal sa ilang bahagi ng katawan niya. Nakahiga lang siya roon, mahimbing na natutulog, tila walang kaalam-alam kung gaano siya kalapit sa kapahamakan kanina. Kung titingnan mo lang siya ngayon, maiisip mong simpleng pagod lang ang dahilan kaya siya nandito.
“I didn’t know that you’re willing to ruin your image just for calling a goddamn doctor,” sabi ni Victor na may kasamang ngisi.
Napakunot ang noo ko. Ano bang problema ng taong ’to? Ang daldal. Mas gusto ko pa ang tahimik at seryosong Victor kaysa sa ganitong bersyon niya na marunong nang mang-asar.
Hindi ko na lang siya pinansin at muling tiningnan ang babaeng nakaratay sa hospital bed. Tsk. Ang daming nakakabit sa kanya—IV line, monitor, kung anu-anong wires. Isang maling desisyon lang kanina, puwede na sana akong nawalan ng isa pang tao.
“Dr. Chou said mabuti na lang at naagapan. Kung nahuli pa raw tayo kahit kaunti, puwedeng mamatay ang babaeng nasa harap mo,” seryosong sabi ni Victor.
Napatingin ako sa kanya. Nakatuon ang tingin niya kay Ysabelle—at hindi ko nagustuhan iyon. Hindi ko alam kung dahil concerned siya o dahil masyado niyang tinititigan ang pasyente ko.
“What you did earlier is unbelievable,” dagdag niya.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang ngumisi. “Talaga?”
Umiwas siya ng tingin, halatang ayaw amining impressed siya.
“I felt something strange,” seryoso niyang sambit, “lalo na nung makita kong she was hopelessly fighting for her life earlier.”
Masama ang tinging ibinigay ko sa kanya. Hindi ko kailangan na siya pa ang mag-remind sa akin kung gaano kalala ang lagay ni Ysabelle kanina. Hindi ko pa nga tuluyang binibitawan sa ulo ko ‘yung imahe niya habang nahihirapan siyang huminga.
“Since you already have Mia in your life, don’t act like you’re a jealous boyfriend,” sabi ko, may kasamang smirk.
Sinamaan niya lang ako ng tingin, halatang gusto pa niyang magsalita pero pinili na lang niyang manahimik.
“I better get going. Ipapadala ko sa butler ko yung sasakyan mo,” sabi niya bago tuluyang umalis.
Tumango lang ako, wala nang sinayang na salita.
Inilibot ko ang paningin ko sa silid. Maganda ang kwartong napili ni Victor—isang private room sa ospital, kaya walang ibang pasyenteng kasama si Ysabelle. Tahimik, malinis, maayos. May maliit na sofa sa gilid, isang coffee table, at malaking bintanang may kurtinang kulay puti. Amoy disinfectant at malamig ang aircon, pero kahit gano’n, mas gusto ko na ‘to kaysa sa emergency room na puro kaguluhan kanina.
Maya-maya’y may kumatok sa pinto at pumasok ang isang nurse.
“Sir, iche-check ko lang po si Ma’am,” sabi nito.
Napakunot ang noo ko sa itsura niya. Sobrang hapit ng uniporme, lantad ang cleavage, at pulang-pula ang labi na parang hindi siya papasok sa ospital kundi sa bar. Lumapit siya kay Ysabelle at sinimulang i-check ang vitals nito, pero halatang mas aware siya sa presensya ko kaysa sa pasyente. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa sapatos ko, ayaw ko nang makipag-eye contact.
Ngunit ilang sandali pa, napansin kong may isang pares ng sapatos na tumapat sa harap ko.
“Sir… ikaw po ba?” sabi niya sabay kagat sa labi. “Do you want to be checked too, sir?”
Halos iduldol na niya ang dibdib niya sa mukha ko. Lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung mas maiinis ako o mas mandidiri.
Itinulak ko siya—hindi malakas, sapat lang para mapalayo siya. Ayokong maistorbo si Ysabelle. Ayokong may kung sino mang gumagawa ng kalokohan sa kwartong halos maging kamatayan na ng babaeng ‘to kanina.
“You filthy s**t. Get out of my sight,” mariing sabi ko.
Halos magkandadapa siyang lumabas, iniwan ang clipboard at dignidad niya sa likod ng pinto.
Tsk. I don’t want to do fvcking here—lalo na’t may isang babaeng halos mamatay kanina na nakahiga sa loob ng kwartong ’to. Kung may gagawin man akong kalokohan, hindi dito, hindi ngayon, hindi habang nakikita ko pa sa balat niya ang bakas ng nangyari.
Dahil sinabi ng doktor na aabutin pa ng limang oras bago magising si Ysabelle, nahiga muna ako sa mahabang sofa sa gilid ng silid. Hinubad ko ang coat ko, iniwan sa sandalan, at ipinikit ang mga mata ko.
Kulang ako sa tulog dahil sa babaeng ito. Simula nang dumating siya sa buhay ko, mas madalas na akong mapuyat kaysa sa mga panahong puro trabaho lang iniintindi ko.
Pumikit ako at hinayaan ang antok na lamunin ako, kahit alam kong sa oras na magising siya, mas marami na naman akong kailangang sagutin.
Fast Forward
Nagising ako nang halos palubog na ang araw. May mahinang liwanag galing sa bintana, at ang tunog lang ng makina ng aircon ang naririnig ko. Saglit akong napatulala bago mabilis na nilingon si Ysabelle—lagpas limang oras na pala ang lumipas.
“Gising ka na, Mister,” sabi niya na may ngiti.
Napaupo ako agad at lumapit, parang ako pa ‘yung mas naalarma. Agad kong sinuri ang braso niya. Wala na halos bakas ng pamumula, at mas maaliwalas na ang itsura niya ngayon.
“Ayos ka na ba? Bakit hindi mo sinabi na bawal sa’yo ang carrots?” kunot-noo kong tanong. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot pa rin sa naaalala ko kanina.
Ngumiti siya at kinamot ang batok, parang bata na nahuli sa kalokohan. “Akala ko hindi ako magkakaganon. Hindi ko naman alam na magkamag-anak pala ang carrots dito sa Maynila at carrots sa probinsya namin.”
Mas lalo akong nainis—at naguluhan. Anong klaseng paliwanag ‘yon?
Pinitik niya ang noo ko. “Huwag kang ganyan. Sige ka, maaga kang tatanda.”
“Tss. Stupid,” sagot ko, pero mahina lang. “Nagugutom ka na ba?” tanong ko pagkatapos, pilit kong binabalik sa normal ang tono.
Paulit-ulit siyang tumango, halos magningning ang mga mata niya.
“Gusto ko na ngang lumabas kaso ang tagal mo naman gumising, Mister,” sabi niya na parang bata, may halong tampo sa boses niya.
Napailing ako at naglakad palabas. Kahit kakagising ko lang, ako na naman ang may kailangang asikasuhin.
“MISTER! SAAN KA PUPUNTA?” sigaw niya.
“Hintayin mo ako. Ilalabas na kita,” sagot ko bago isinara ang pinto.
Mabilis kong inayos ang lahat—binayaran ang bill, kinausap ang doktor, at dahil sa pangalan ko bilang isang kilalang scientist, nagawa kong mailabas siya kahit dapat ay mag-stay pa siya ng isang araw. Hindi na bago sa akin na may mga bagay akong kayang pabilisin gamit lang ang apelyido ko. Ngayon, sa wakas, may pakinabang ‘yon na hindi lang para sa akin.
Pagbalik ko sa kwarto, naramdaman kong mas maaliwalas na ang mukha niya, parang sabik na sabik nang makalabas sa kulob na kwarto ng ospital.
“Dahan-dahan lang,” sabi ko habang tinutulungan siyang sumakay sa sasakyan. Hinawakan ko ang siko niya, siniguradong hindi siya matitisod. Kahit sabihin niyang okay na siya, mas gusto kong siguraduhin iyon kaysa ulitin lahat ng nangyari.
“Mister, kahit sa karinderya mo na lang ako ibaba. Wala pa rin kasi akong matutuluyan,” mahina niyang sabi habang maingat na inuupo ang sarili sa passenger seat.
Umupo ako sa driver’s seat, nagsuot ng seatbelt, at saka siya sinulyapan. “Sa bahay ka muna. Gagawin kitang assistant—kung gusto mo.”
Nanlaki ang mata niya. “Talaga? Sigurado po bang ligtas ako roon?”
Tumango lang ako. Hindi ko na sinabing mas ligtas siya sa bahay ko kaysa kahit saan pa. Alam kong maiisip niya rin ‘yon.
Nag-drive ako papunta sa Jollibee. Tahimik siya sa unang minuto ng biyahe, nakadungaw lang sa bintana, parang batang ngayon lang nakakita ng siyudad sa ganitong anggulo.
“Wow…” manghang sabi niya nang makita ang malaking bubong at maliwanag na logo.
“Wala bang ganyan sa probinsya niyo?” tanong ko, kahit halata na sa reaksyon niya ang sagot.
“Meron, pero hindi pa ako nakakakain dito,” sagot niya, parang nahihiya pang aminin.
Kinuha ko ang order at inabot sa kanya. Sundae at fries—simple lang, pero sapat na para sa isang taong kakagaling lang sa ospital.
“Masarap ’to… ano nga ulit tawag dito?” tanong niya, nakatitig sa ice cream na parang hindi makapaniwalang sa kanya talaga ‘yon.
“Sundae and fries.”
Ngumiti siya, ‘yung tipong simpleng pagkain lang pero parang malaking bagay na.
“Ayaw mo bang kumain, Mister?” tanong niya pagkatapos ng ilang subo.
“I’m driving.”
Lumapit ang kamay niya sa akin, may hawak na fries. “Subuan na lang kita.”
Itinabi ko agad ang sasakyan, sabay preno nang maayos.
“Stop pouting,” mariing sabi ko.
“Titikman mo lang naman,” nguso niya, mas lalo pang inilapit ang pagkain sa bibig ko.
Nagulo ko ang buhok ko. “Stop pouting because it’s tempting, damn it!”
At doon ko na-realize na kahit ilang beses pa siyang mapunta sa panganib, ako rin ‘yung tipong laging mauubos ang pasensya at tulog ko sa kakaalalay sa kanya—at hindi ko alam kung gusto ko ba ‘yon tigilan, o mas lalong tuloy-tuloy na pahintulutan.