Lucas Ian Anderson (Lucien)
“Teka nga, Mister, hindi talaga kita maintindihan. Pwede ba, ipaliwanag mo?” iritang sabi ni Ysabelle habang hawak pa rin ang hawakan ng paper bag ng pagkain. Kita ko kung paano humihigpit ang kapit niya roon, para bang iyon na lang ang pasensya niya. “May pagka-alien ka talaga, ano? Hindi kita maintindihan, MI—”
Naputol ang lahat ng sasabihin niya nang sandaling magdampi ang aming mga labi.
Mabilis lang iyon—isang iglap—ngunit sapat para magulo ang buong sistema ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, ang bahagyang pagkabigla sa mga mata niya, at ang init ng hininga niyang tumama sa pisngi ko. Para bang huminto ang oras sa loob ng sasakyan; nawala ang ingay mula sa labas, nawala ang ilaw ng mga dumaraang sasakyan—tanging malakas na t***k lang ng puso ko ang malinaw kong naririnig.
Bumalik ako sa pwesto ko at agad na hinarap siya.
“B-b-bakit mo ako hinalikan?!” sigaw niya, galit at inis ang halo sa boses. Namumula ang pisngi niya, pati ang tenga niya, at nanginginig ang mga kamay na pilit niyang ikinukubli sa kanyang hita. Halata sa kanya na hindi niya alam kung magagalit ba siya o mahihiya.
Tiningnan ko lang siya, diretso sa mata. Hindi ako sumigaw. Hindi rin ako nagtaas ng boses. Hindi ko kailangan.
“Galit ako,” sagot ko, kalmado ngunit mabigat ang bawat salita, parang hinuhugot ko isa-isa sa lalamunan ko. “At ‘yung halik mo lang ang magpapakalma sa akin. Naiintindihan mo ba?”
Kita ko ang pagkurap niya nang sunod-sunod, ang hindi niya malaman kung saan ilalagay ang tingin. Minsan sa akin, minsan sa bintana, minsan sa paper bag na hawak niya. Mas lalo pang namula ang pisngi niya, at sa hindi ko malamang dahilan, napangiti ako nang bahagya. Hindi dahil masaya ako—kundi dahil masyado na akong nalulunod sa nararamdaman kong hindi dapat naroon.
“Naiintindihan mo ba?” ulit kong tanong, mas mababa ang boses.
Tumango-tango siya, parang batang napagsabihan, saka mabilis na tumingin palabas ng bintana. Hindi na niya hinawakan ang pagkain. Hindi na rin siya nagsalita. Para bang natanggalan siya ng lakas ng loob nang higit pa sa inaasahan ko.
Napangisi ako nang mapansin kong tuluyan na siyang nawalan ng gana kumain. Ibinaba ko ang paa ko sa silinyador at muling nagmaneho, ibinalik sa daan ang kotse habang ramdam ko pa rin ang latak ng init sa labi ko.
Yes, Ysabelle. I’m mad. Very, very mad.
Because I have a girlfriend.
Yet I can’t stop myself from kissing you.
And I hate myself for it.
Hindi na kami nag-usap hanggang makarating kami sa bahay. Tahimik ang buong biyahe—isang katahimikang mas mabigat pa sa anumang sigawan. Tanging humuhuning makina at mahinang ingay mula sa labas ang naririnig. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya, pero nakapako ang tingin niya sa bintana, parang takot akong tingnan.
Pagdating namin, agad kaming sinalubong ni Manang nang makita niyang kasama ko ulit si Ysabelle.
“Iha, mabuti at nagbalik ka. Mayroon kang na—”
“Umakyat ka na sa itaas,” putol ko agad sa sasabihin ni Manang. Ayaw kong pag-usapan pa kahit ano sa harap ni Ysa. “Sa silid na ginamit mo kagabi. Ipapahatid ko na lang doon ang gamit mo.”
Saglit na nagulat si Ysabelle, nag-angat ng tingin na parang may gusto pang itanong, ngunit agad ding tumango.
“Sige po, Mister. Manang, akyat na po muna ako,” magalang niyang paalam bago dali-daling umakyat sa hagdan, halos hindi na lumingon.
Napailing na lang ako habang sinusundan siya ng tingin. Kahit nakatalikod na siya, ramdam ko pa rin ang presensya niya—isang presensyang hindi ko dapat hinahayaan na maging komportable sa loob ng bahay ko.
“Sir,” sabi ni Manang, “tumawag po rito ‘yung mommy ni Ma’am Mia.”
Huminga ako nang malalim. “How many times do I have to tell you, Manang, stop calling me sir,” sabi ko na may pilit na ngiti. Kahit gaano ako ka-stressed, hindi ko kayang pagalitan si Manang nang todo.
“Pasensya na, iho,” sagot niya, sabay ngiting parang nanay na hindi na talaga mababago ang nakasanayan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa hagdan na inakyatan ni Ysabelle bago ko muling hinarap si Manang. “Anong sinabi?” seryoso kong tanong.
“Kumuha raw po sila ng mga professionals para humanap ng magpapagaling kay Ma’am Mia. Kapag naunahan ka raw nila, titigilan mo na raw ang anak nila.”
Napatingin ako kay Manang, dama ang bigat ng sinabi niya. Hindi na ako nagulat sa mismong balita—pero sa paraan kung paano nila ibinigay ang kondisyon, doon ako nasaktan.
“Tsk,” napailing ako. “Hayaan mo sila. Ramdam kong matatapos ko na ang imbensyon ko.”
Hindi ko alam kung pinapangaralan ko si Manang o pinapakalma ko ang sarili ko.
Tumalikod na sana ako upang umakyat, ngunit huminto ako at muling tumingin kay Manang. “Ako na ang magsasabi kay Ysabelle tungkol sa kwintas.”
Kinuha ko ang mga gamit ni Ysabelle at umakyat sa itaas.
Hindi ko masisisi ang mga magulang ni Mia. Natural lang na mag-alala sila. Natural lang na gusto nilang mauna. Pero bakit ganito ang pakiramdam? Para bang wala silang tiwala sa akin. Para bang isa lang akong taong madaling talikuran kapag hindi na nila ako kailangan.
I hate this feeling—the feeling of being doubted. And yet, part of me understands them. That’s what makes it worse.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ng silid ni Ysabelle, hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Kusang bumabalik sa isip ko ang pagdampi ng mga labi namin, ang gulat sa kanyang mga mata, at ang init na naiwan sa dibdib ko.
“Mister? Kanina ka pa ba diyan?”
Napabalik ako sa realidad at napatingin sa kanya. Nakabukas na pala ang pinto, at nandoon siya sa bungad, hawak ang knob, tila handa nang lumabas. Siya ang dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko—at siya rin ang dahilan kung bakit ito nagiging komplikado.
“Kakarating ko lang,” sagot ko. “Ihahatid ko lang sana ang gamit mo. Saan ka pupunta? Mukhang palabas ka yata.”
“Pupuntahan sana kita sa baba,” sagot niya. “Magpapasama sana akong mamili ng gamit. Kakaunti lang kasi ang nadala ko… biglaan din ang pagpapalayas sa akin ng tiyuhin ko.”
May lungkot sa boses niya na hindi ko nagustuhan. Ayoko ‘yung tono niya na parang nasanay na sa itinataboy.
“Bukas na lang,” sabi ko. “Papagabi na. Magpahinga ka muna.”
Inabot ko sa kanya ang bag.
“Salamat, Mister,” sabi niya. “Hindi kaya ako nakakaabala?”
Umiling ako. “Matulog ka na.”
Wala na akong ibang idinagdag. Baka kung ano pa ang masabi ko.
Tumalikod ako at naglakad patungo sa sariling silid. Pagkapasok ko, tumunog agad ang cellphone ko.
“Dude? Where are you?” tanong ni Gavin.
“Home,” sagot ko habang inaalis ang polo ko, sabay upo sa gilid ng kama.
“Damnit, dude, I need your help.”
“Call Kiro or Victor. Kakauwi ko lang galing hospital and I’m fvcking tired.”
“Great idea. Thanks, dude.”
Pinatay niya ang tawag nang walang paalam. Typical.
Girl problem? Maybe.
Never mind. I’m exhausted.
Pumasok ako sa banyo, binuksan ang heater, at nag-shower. Hinayaan kong tumama ang mainit na tubig sa ulo ko pababa sa batok, umaasang kaya nitong hugasan kahit kaunti ang gulo sa utak ko. Pagkatapos, nagsuot ako ng jogging pants at puting t-shirt bago pabagsak na humiga sa kama.
Nakatingin lang ako sa kisame, sinusubukan hindi isipin ang kahit ano—si Mia, si Ysabelle, ang imbensyon, ang halik—pero sa halip, mas lalo lang silang nagkukumpulan sa isip ko. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Dinala ko ang kamay ko sa labi ko.
“Lasang fries,” bulong ko sa sarili ko.
At sa kaiisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala akong hindi pa kumakain.
—
“Mister, sabi ko mamimili ako ng gamit. Bakit nandito tayo sa mall?” reklamo ni Ysabelle habang nakatingala sa laki ng mall. Halos mapatid na ang leeg niya sa taas ng tingin. “Mahal mga gamit dito.”
Imbis na dalhin ang dugong hiningi ko kay Victor sa UL nang personal, ipinadala ko na lang iyon—para lang masamahan ang babaeng ito. Hindi ko alam kung tama ba ‘yon, pero nagawa ko na.
“Tsk. Mas magaganda ang damit diyan,” sabi ko habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko iyon ginawa para maliitin siya, pero dahil gusto kong makita kung gaano kalaki ang kailangang baguhin.
Luma ang wedge na suot niya. Kupas ang t-shirt. Maluwag ang pantalon. Pero malinis siya—mula paa hanggang kuko, hanggang sa tali ng buhok niya. Walang amoy pawis, walang dumi. Kaya nakakapikon isipin na may mga taong nanghuhusga sa kanya base lang sa ayos niya.
“Anong tinitingin-tingin mo, Mister?” tanong niya, napapakunot ang noo at nagtataka kung bakit matagal akong nakatitig.
Hindi ako sumagot. Hinawakan ko lang ang kamay niya at hinila siya papasok.
Sa scanner, pumila siya sa harap ko. Tinulak ko siya papunta sa lane ng mga babae.
“Huwag mong sabihing hindi mo rin alam ’to?” tanong ko, hindi makapaniwala.
“Isang beses pa lang ako nakapasok ng mall sa probinsya,” sagot niya, nakanguso, parang naiinis na nahihiya.
“Stop pouting.”
Winaksi niya ang kamay ko. “Bakit?”
“Tigilan mo na ’yan. Ang panget tingnan.”
Hinila ko siya muli. Hindi na siya tumutol, kahit halatang may gusto pa siyang sabihin.
“Pumili ka na,” sabi ko nang makapasok kami sa boutique. Malinis, maliwanag, at halatang hindi pang-karaniwan ang presyo ng mga tinda.
“Wala akong pera,” sabi niya, diretsong tapat.
“Kukunin ko sa sweldo mo.”
Naningning ang mga mata niya, parang biglang may ilaw na sumindi sa loob. “Kung lagi kang ganyan, masaya sana lagi ang buhay.”
Habang papalayo siya, napangiti ako nang hindi sinasadya.
Naupo ako sa bench—isang bench na mukhang sadyang inilagay para sa mga lalaking hindi inaasahang mahuhulog sa babaeng hindi dapat nilang mahalin, habang pinapanood kung paanong unti-unti nilang binabago ang mundo ng isa’t isa nang hindi nila namamalayan.