CHAPTER 98

4066 Words

Ang Batang Nangako Hindi nakatulog si Vincent nang maayos. Hindi dahil maingay sa villa. Kabaligtaran. Sobrang tahimik. At sa tuwing tahimik ang Sanctuary Florest, mas madaling marinig ang mga bagay na matagal mo nang pilit nilulunod. Isang boses. Isang tawa. Isang batang may putik sa tuhod at sobrang taas ng kumpiyansa para sa liit ng katawan. Pag laki ko, papakasalan kita. Maliit lang dapat ang alaala. Sandali lang. Iyong tipong mapapangiti ka, tapos tapos na. Pero hindi. Hindi pa rin. Pumikit siya, humiga nang tuwid, saka muling dumilat. Walang silbi. Bandang alas-singko, bumangon na rin siya. Kung hindi man siya makakatulog, may mga reports namang puwedeng pagtuunan. Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto, nandoon si Steven sa dulo ng hallway na parang hindi natutulog ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD