Pag-uwi ni Khalid Hindi agad gumalaw si Vincent. Nakatayo lang siya sa pavilion habang bumababa si Khalid mula sa sasakyan, saka iyong babae sa kabilang side. Si Kleo. Parang walang nagbago at sabay naman, parang lahat ay nagbago. Mas matangkad. Mas matigas ang dating. Mas halata ang pagiging pasaway. Pero pareho pa rin ang lakad. Iyong lakad na parang wala siyang pakialam kung sino ang nakatingin. “Wow,” bulong ni Gavin mula sa likod. “Mukhang hindi na bata ang childhood problem mo.” Hindi siya pinansin ni Vincent. Sa ibaba, sumilip muna si Khalid sa paligid bago tumingala. Nagtama ang mga mata nila ni Vincent. Khalid gave a short nod. “Vincent.” “Late ka,” sagot ni Vincent. Napatawa si Khalid. “Hello rin sa’yo.” Bumaling si Gavin sa gilid ng mukha ni Vincent. “Ay, ayan na.

