CHAPTER 96

2176 Words

Vincent Thor Vanderbilt Maaga akong nagigising. Hindi dahil kailangan. Kundi dahil sanay na ang katawan ko na mauna sa lahat—sa araw, sa ingay, sa problema. Sa Sanctuary Florest, bihira ang tunay na katahimikan. Hindi dahil maingay. Kundi dahil buhay ang lugar. May lagaslas ng talon sa malayo. May hangin na dumadaan sa hanay ng matataas na puno. May mga ibong hindi ko alam ang pangalan pero kabisado ko na ang tunog. May liwanag na dahan-dahang gumagapang sa salamin ng villa na parang may sariling isip. At sa lahat ng ganda nito, ako pa rin ang sentro ng kaayusan. Hindi bilang hari. Mas tama sigurong tagapagbantay. Ako ang unang gumigising sa estate. Ako ang huling natutulog. Ako ang taong sinisiguradong walang guguho habang abala ang iba sa pamumuhay. Ganun ako. Ganun na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD