Ysabelle Cuevas (Ysa) Umaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil excited. Kundi dahil hindi ako mapakali—parang may dalawang kamay na sabay humihila sa dibdib ko: isa papunta sa totoo, isa papunta sa takot. Tahimik ang villa. Rinig ko lang yung malayong ragasa ng talon at yung mahinang tik-tik ng wall clock na parang nanunukso. Bukas. Ito na yung “bukas” na sinabi ko kagabi. Nag-ayos ako nang dahan-dahan, sinuklay ko yung buhok ko kahit hindi naman kailangan, nagsuot ako ng maluwag na dress na pinahiram ni Kianna, tapos umupo ako sa dulo ng kama habang hawak yung magkabilang kamay ko para hindi halatang nanginginig. Knock. Tatlong katok na maingat. “Ysa,” boses ni Victor sa labas, hindi malakas, pero sapat para tumayo yung balahibo ko sa braso. Lumapit ako sa pinto at binuksan.

