Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng corridor nang hindi bumibigay. Siguro dahil hawak pa rin ni Lucien ang kamay ko, hindi mahigpit, hindi paangkin—parang paalala lang na kung aalis man siya, ako ang magdedesisyon kung papayag ako. Si Victor naman nasa kabilang side, tahimik, pero ramdam ko yung bigat ng presensya niya na parang pader na handang sumalo sa anumang tatama. Pagbaba namin sa mas private na bahagi ng venue, doon ko lang narinig ulit yung ingay ng mundo—mga baso, tawa, music na pilit masayang. Pero ako, parang nasa pagitan pa rin ng dalawang realidad. Ysa, yung dating ako. Vivian, yung pangalang biglang ipinapatong sa balikat ko. At ngayon, may isa pang bagay na hindi ko na kayang takasan. Buntis. Sa isang iglap, umabot sa amin si Gavin, paw

