Ysabelle Cuevas (Ysa) Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Mister. Pakiramdam ko, ang tagal-tagal na ng lumipas na oras, pero wala pa rin siyang dumadating. Masyadong tahimik ang paligid para sabihing normal lang ang lahat. Napahigpit ang hawak ko sa bag na dala ko; halos manigas na ang mga daliri ko sa sobrang kapit. Para bang ‘pag binitiwan ko ‘to, baka sumabay na ring mabitawan ‘yung natitirang lakas ng loob ko. Tumingin ako kay Victor na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko sa mga mata niya na para bang ang dami niyang gustong sabihin. Mas pinipili lang niyang manahimik, at sa totoo lang, mas lalo lang akong naiilang sa gano’n. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sinabi niya kay Mister kanina, pero malinaw sa’kin ang naging r

