Lucas Ian Anderson (Lucien) “Arghhh—!” daing ng lalaki bago tuluyang bumagsak sa sahig at mawalan ng malay. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Ramdam ko pa ang tigas ng kamao ko, ang kabog ng dugo sa ulo ko, pero pinilit kong manatiling kalmado. Mabilis kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon at agad tinawagan si Gavin. “Come to my laboratory. ASAP.” Walang paliwanag, walang dagdag na salita—utos lang. Alam kong maiintindihan na niya ang ibig sabihin no’n. Pagkababa ng tawag, agad kong pinindot ang pulang button sa gilid ng mesa. Emergency lockdown protocol. Sa isang iglap, nagsara ang lahat ng lagusan palabas ng laboratoryo—mga pinto, side exits, kahit mga hidden passage na kami lang ang nakakaalam. Walang makalalabas. Walang makakatakas. Sinumang nagtangkang man

