Lucas Ian Anderson (Lucien) Nakatingin lang ako sa likod ni Victor habang naglalakad siya papunta sa direksyong kinaroroonan ni Ysabelle. Diretso ang lakad niya, walang pag-aalinlangan, na para bang kabisado na niya kung saan dinala ang dalaga. Parang alam na alam niya ang pasikot-sikot ng ospital na ito—well, hospital nga niya. Bahagya akong umiling at ilang beses na huminga nang malalim, pilit inaayos ang t***k ng puso kong kanina pa hindi mapakali. Tama siya, bulong ko sa sarili ko. Baka stressed lang ako. Baka nami-miss ko lang si Mia kaya ganito ang nararamdaman ko kay Ysabelle. Muli ko iyong inulit sa isip ko, parang panalangin na pilit kong pinapaniwalaan. Tama. Tama. Tama. Kung paulit-ulit ko iyong sasabihin, baka sakaling maging totoo. Sumunod ako kay Victor. Pumasok siya

