CHAPTER EIGHT

1743 Words
Ysabelle Cuevas (Ysa) Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Mister, at sabi niya ay ngayon na raw ako opisyal na magsisimulang magtrabaho para sa kanya. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula noong huli kaming lumabas, at halata ko ang pagkaabala niya nitong mga nakaraang araw—pa-late umuwi, laging may kausap sa telepono, laging malalim ang iniisip. “I’m sorry… masyado akong naging abala nitong nakaraan. May kailangan lang talaga akong tapusin,” wika niya, saglit na tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “f**k… why am I explaining to her, tsk,” narinig kong bulong niya sa sarili niya, halatang naiinis sa sariling ginagawa. Ang tono niya ay seryoso pero may halong frustration, at ewan ko ba kung bakit nakakaakit pakinggan. “Okay lang ‘yon, Mister. Mabuti nga ‘yon, nakapagpahinga pa ako,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, pinipigilan ang sariling magtanong nang magtanong sa kanya. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, amoy leather at parang bagong linis. Kahit simple lang ang loob, ramdam ko ‘yung tahimik na yaman—walang masyadong nakakalat, bawat sulok maayos. Hindi ko maiwasang ikumpara sa dati kong kwarto sa probinsiya na puro lumang kahoy at lumang kurtina. Hinila ko pababa ang mini skirt na suot ko. Ito raw ang “tamang” suot para sa trabaho, sabi ni Manang. Sinunod ko na lang; siya na ang mas nakakaalam sa mundo nila. Napapaisip tuloy ako—kung ganito ang itsura ng mga damit sa trabaho nila, baka lamigin ‘yung mga doktor habang nag-oopera. Habang iniayos ko ang skirt, napansin kong si Mister ay naka-suot na naman ng simple pero angas na combination—shirt, slacks, at coat. Walang kahit anong sobra, pero halatang may aura ng kapangyarihan sa bawat galaw niya. “Nandito na tayo,” sabi ni Mister, at marahan niyang hininto ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid. “Dito, tatawagin mo akong Master. Naiintindihan mo ba?” tanong niya, seryoso ang tingin. Tumango lang ako kahit medyo naguluhan, saka inilibot ang mga mata ko. Kahit hanggang labas lang ang nakikita ko mula sa bintana, halata pa rin ang pagiging maayos ng lugar. Ganito ba talaga kayaman si Mister? Parang lahat ng pinupuntahan niya puwede nang maging tourist spot para sa tulad kong taga-probinsiya. Ang dami kong gustong itanong—magkano kaya ang renta dito? Ilan kaya ang trabahador? Paano kaya niya nababayaran lahat ‘to?—pero pinili kong manahimik at sundin na lang siya. “Bakit hindi ka pa naglalakad?” tanong niya nang mapansin sigurong nakaupo pa rin ako. Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila palabas ng sasakyan. Pagbaba namin, sinalubong kami ng malawak na garden—puno ng makukulay na bulaklak, iba’t ibang klase, iba’t ibang hugis. Amoy ko agad ang halimuyak ng mga ito, at kahit kinakabahan ako, nakaka-relax pa rin sa pakiramdam ang paligid. “Maghahardenera ba ako rito?” tanong ko, half-joking, habang hinahayaan siyang hilahin ako. Hindi naman masakit ang kapit niya, pero sapat ‘yon para hindi ako mahiwalay sa kanya. “No,” maikli niyang sagot. Tumango lang ako, kahit lalong lumala ‘yung kaba sa dibdib ko. Nakakaintindi naman ako ng basic English, pero kapag ginagawang mahahabang pangungusap, nahuhuli na ‘yung utak ko. Idagdag mo pa na may iba pa siyang pinapagawa—tawag sa kanya, itsura ng damit ko, at kung saan-saan niya ako dinadala. “Kung gano’n, ano ang gagawin natin dito, Mister?” tanong ko. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Seryoso ang mga mata niya, halos nakakatakot sa tindi ng titig. “I told you… you should call me Master,” wika niya. Kumunot ang noo ko. Kita ko ang bahagyang pagngisi niya—parang aliw na aliw siya sa naguguluhan kong itsura. “Ahhh… oo nga pala. Sabi mo ‘yon kanina sa sasakyan,” sagot ko, bahagyang napapakamot sa ulo kahit hindi naman makati. Sa ganda ng garden, nakalimutan ko na agad ‘yung instruction niya. “Sige, Master… ano ang gagawin natin dito?” tanong ko ulit, mas maingat na ngayon. “Just close your mouth. Masyado kang maingay,” wika niya. Napakurap ako at kusa na lang napatikom ang bibig ko. Tumahimik ako, kahit ang dami-dami ko nang tanong na naiipon sa loob ng utak ko. “Good,” dagdag niya, at muling hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang kubo sa gilid ng garden. Maganda iyon—parang maliit na rest area na gawa sa kahoy, pero malinis at maaliwalas. Pagkapasok namin sa kubo, dire-diretso kaming lumabas sa kabilang bahagi nito. Doon ko nakita ang isang pinto na hindi kahoy, hindi rin bagay sa garden—parang hindi dapat naroon. Pinindot ni Mister ang isang bahagi ng pader at biglang bumukas ang pinto. Habang ginagawa niya iyon, ako naman ay nakatingin lang, parang batang nanonood ng magic trick. “Tara,” sabi niya, at inalalayan akong pumasok. Katulad ito nung naikuwento sa akin ni Manang—elevator daw. Noong una, akala ko ‘yung normal na elevator lang na paakyat-baba sa mall, pero iba ‘to. Tahimik, malamig, at parang mas masikip ang hangin. May pinindot siyang button sa gilid, saka tumingin sa akin nang seryoso. “Kahit anong mangyari, ‘wag kang aalis sa tabi ko, ha?” sabi niya. Tumango lang ako. Doon na ako kinabahan nang totohanan. Kinakabahan akong humawak sa manggas ng lab coat niya—sabi ni Manang, ‘yun daw ang tawag sa suot niya kapag ganito ang pasok nila. Ang kapal ng tela, pero ramdam ko pa rin ang init ng braso niya sa ilalim. Unti-unting bumukas ang pinto sa harap namin, at hindi ko maihakbang ang paa ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko. Baka delikado. Baka may makita akong hindi dapat. “Hey… tara na?” aniya. Umiling ako. Inabot niya ang kamay niya sa akin, pero hindi ko agad tinanggap. “Ayaw mo akong umalis sa tabi mo, kaya ibig sabihin delikado dito. Bumalik na lang tayo sa sasakyan mo,” sabi ko, halatang nanginginig ang boses ko. “Tama… kaya kapag hindi ka bumaba diyan, baka mamaya mapahamak ka dahil hindi mo ako kasama,” sabi niya, nakangisi. Doon ako nagsimulang ma-bad feeling. Pero dahil sa sinabi niya, dali-dali akong bumaba at kumapit sa braso niya, parang stuffed toy na ayaw maiwan sa tindahan. “Sigurado ka ha? Ligtas ako kapag kasama kita,” sabi ko, saka ako naglibot ng tingin sa lugar na binabaan namin. Napakunot ang noo ko. Hindi ito garden. Hindi rin ito parang ospital. Ramdam ko rin ang biglang paninigas ng ekspresyon ni Mister. “Miister—este, Master,” agad kong bawi, medyo napalakas pa ang boses ko. “A-ah… oo,” sagot niya, at umiwas ng tingin, parang may biglang naalala. “So… all this time na busy ka, Sir Lucien… ay dahil sa pakikipaglandian sa babaeng ‘yan?” biglang may nagsalita mula sa gilid. Napatingin ako, kahit ayaw ko. May kakaibang nakakatakot sa tono niya, hindi dahil malakas, kundi dahil puno ng panghuhusga. Nakita ko ang babaeng nagsalita—suot nito ang palda na katulad ng sa akin, pero mas pinaiksi at mas hinapit. Ang blusa niya ay hapit din sa katawan, kaya mas litaw ang hubog niya. Mukha siyang sanay na sanay umasta sa lugar na ‘to, parang siya ang reina dito. “Why do you care?” sabi ni Mister, malamig ang tono, saka ako hinila palayo sa babae. Habang hinihila niya ako, hindi ko maiwasang tignan ang babae. Masama ang tingin niya sa akin, ‘yung parang galit na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ngumiti ako nang matamis, ‘yung tipong ngiti na parang wala akong nararamdamang takot, bago tuluyang nagpadala sa hila ni Mister. Kung galit siya, problema niya ‘yon, hindi ko. May nakasalubong naman kaming isang lalaki na katulad ni Mister ang suot—lab coat din—pero mas matangkad siya, at medyo mas payat. “Professor Lucien, still not working. I came to your girlfri—” nagsimula siya. “It’s fine anyway. This is Ysabelle, my personal assistant, so don’t ever stare at her like that,” putol agad ni Mister, malamig ang boses. Napatingin ako sa lalaki. Halata ang pagkabigla niya. Namutla siya agad, saka mabilis na yumuko. “I’m sorry, Professor,” sabi niya bago umiwas at nagmadaling umalis. “Tsk,” bulong ni Mister. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano kumunot ang noo niya. “Tara na, saan ba tayo pupunta?” tanong ko, gustong ibaling ang usapan para hindi na siya lalo mainis. Nakatingin pa rin siya sa direksyong pinaglakaran ng lalaki, masama ang tingin. “Tsk… tara,” sagot niya sa huli, saka ako muling hinila. Nagpadala na lang ako—sanay na yata akong hilahin niya kung saan-saan. Hindi naman masakit, at wala pa naman siyang hinila sa akin papunta sa kapahamakan… siguro. Hanggang makarating kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan niya ito at dire-diretso kaming pumasok, nakaalalay pa rin ang kamay niya sa akin. Para na akong laruan niya—hinihila-hila lang. Charot. “Wow…” mahinang sabi ko nang makapasok sa silid. Napakalinis at malawak; may sofa set sa gilid, at halos lahat ng gamit ay itim at puti lang. Walang masyadong kulay, pero ang aliwalas tingnan. Naalala ko tuloy ang silid ni Mister sa bahay niya—ganito rin, puro black and white, parang ayaw niya ng masyadong magulo sa paningin. “Maupo ka,” sabi niya. Agad akong sumunod at naupo sa isang single seater sofa. Maayos, malambot, hindi katulad ng bangkong kahoy na kinasanayan ko noon. “‘Yung babae kanina… bakit parang galit na galit siya sa’kin?” tanong ko, hindi mapigilan ang sarili. Sa dami ng naranasan kong galit sa buhay, iba ‘yung pakiramdam kapag nanggagaling sa taong hindi mo naman kilala. Bumuntong-hininga si Mister, umupo sa tapat ko, saka bahagyang naglabas ng inis sa boses. “Don’t mind her… she’s just a f*****g b***h,” sabi niya, diretso, walang paligoy. Naramdaman ko ang bahagyang kaba sa dibdib ko—hindi dahil sa babae, kundi sa tindi ng galit sa tono niya. At doon ko lang na-realize: hindi lang pala ako ang may kinakatakutan dito. May mga tao rin palang kayang ikainit ng ulo ni Mister—bukod sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD