CHAPTER NINE

1550 Words
Ysabelle Cuevas (Ysa) “Ha?” Imbis na sumagot si Mister, ngumiti lang siya. “I love your stupidity,” nakangiting sabi nito. Ang naintindihan ko lang doon ay isang salita: love. “Love? Love mo ako?” tanong ko agad, kunot ang noo, diretsong nakatingin sa kanya. Hindi ko na naisip kung tama ba ‘yung pagkaintindi ko—basta love, eh. Bigla ring kumunot ang noo niya, natigilan, at nawala ang ngiti sa labi niya. Bumalik ‘yung seryoso at nakakatakot niyang ekspresyon, na parang wala siyang binanggit na kahit ano. “Damnit!” rinig kong bulong niya bago siya biglang tumayo at naglakad papunta sa upuang nasa likod ng mesa. Sumunod naman ako, parang natural na lang sa akin na sundan siya kahit saan. Umupo siya sa swivel chair niya, kaya naupo rin ako—hindi sa upuan—kundi sa mismong mesa sa harap niya. “Anong ginagawa mo?” takang tanong niya, nakatingala sa akin. Kita ko sa mukha niya ang gulong-gulo at medyo naiinis na itsura, para bang mababasa mo na ang iniisip niya kahit hindi siya magsalita. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mister,” sabi ko, hindi umatras sa tingin niya. Hindi ko talaga palalagpasin ‘yon. Kita ko kung paanong unti-unting lumamig ang mga mata niya sa akin, parang sinusukat niya kung hanggang saan ang kaya kong ipilit. “Diba sabi ko tawagin mo akong MASTER kapag nandito tayo,” wika niya. Napairap ako nang bahagya. “Bakit ba ayaw mong sagutin ang tanong ko, Mister?” Nanahimik siya. Wala kahit isang salita. Tinitigan niya lang ako na para bang gusto niya akong maubusan ng pasensya. Nilakihan ko rin ang tingin ko sa kanya. “Ano na, Mister? Naghihintay ako ng sagot,” sabi ko, saka inayos ang upo ko sa ibabaw ng mesa. Hindi ko napansin na habang gumagalaw ako, pakunti-unti ring tumataas ang mini skirt ko. Kung sa probinsya ‘to, may magsasaway na sa akin ng “Oy, anong suot mo?”. Dito, si Mister lang ang audience ko. Biglang tumayo si Mister at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa mesa, kaya kusa akong napaatras, dahil konti na lang at maglalapat na naman ang mga labi namin. “A-ano ba, Mister… sagutin mo na lang tanong ko. Naiiilang ako,” sabi ko, umiwas ng tingin dahil sobrang lapit niya. Ramdam ko ‘yung hininga niya sa pisngi ko. “Akala ko ba gusto mong sagutin ko ang tanong mo?” ‘Yung boses niya, may halo ng pang-aasar pero may bigat din na parang may tinatago. Bago pa ako makasagot, bigla niya akong kiniliti sa tagiliran. “Hoy!” napasigaw ako at napatawa nang konti, saka ko siya itinulak palayo. “‘Yun nga, Mister… sasagutin mo lang tanong ko, eh gumaganyan ka pa!” inis kong sabi, sabay hatak pababa sa mini skirt ko na parang may sariling buhay sa taas. “Tsk, it’s a big no,” sabi niya. Kumunot lalo ang noo ko. “Anong no-no ka diyan? Mister, ang tanong ko—bakit parang galit na galit ‘yung babae kanina sa’kin?” Akala ko kasi kanina, ‘yung love na sinabi niya… baka naman dahil ako na ang mahal niya kaya galit sa’kin ‘yung babae. Pero ‘yung no niya, parang sinampal ang imahinasyon ko pabalik sa realidad. Napamaang siya, parang napagod na bigla. Tinapik niya ang noo niya at muling naupo sa upuan niya. “She’s Diamond, my secretary,” wika niya sa wakas. “Tsk. Secretary lang pala,” bulong ko sa isip ko. Tumango lang ako, kahit hindi pa rin nawawala ‘yung inis sa dibdib ko. Sandaling nanahimik ang paligid. Hindi naman nakakailang ‘yung katahimikan; sa totoo lang, medyo komportable. Ramdam kong humuhupa na rin ang kaba ko. “Ano nga palang gagawin ko, Master?” tanong ko, inilibot ang tingin sa malinis at malawak na silid. Halata talagang opisina niya ito—table, sofa, shelves, mga gamit na parang mula sa ibang mundo. Hindi sumagot si Mister. Nang lingunin ko siya, nakita kong nakahawak siya sa ulo niya, nakapikit, para bang sumasakit talaga. “Ayos ka lang ba, Mister?” tanong ko, at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Dala ng kaunting katangahan at kawalan ng koordinasyon, hindi ko napansin ang marker na natapat sa daraanan ko. Apat lang ang paa ng marker—pero tila lahat ‘yon pinagtulungan akong ipahamak. Nadulas ako. Napapikit ako nang mahigpit at hinintay ang matigas na sahig na sasalo sa matambok kong pang-upo. Pero hindi dumating ang sakit. May nahulog nga—ako—pero may sumalo. Ramdam ko ang matitigas na braso sa bewang ko at ang init ng katawang hindi sahig. “M-Mister…” nauutal kong sabi. Nang imulat ko ang mata ko, sobrang lapit ng mukha niya. Naka-upo ako sa mga hita niya, nakadantay ang dalawang kamay ko sa balikat niya, habang siya naman ay nakayakap nang mahigpit sa bewang ko para hindi ako tuluyang mahulog. Nakatitig siya sa mga mata ko, at hindi ko magawang iwasan agad ‘yon. Parang may mali, pero parang ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko sanang alisin ang kamay niya sa bewang ko, pero hindi ko magawa. Ang init. Ang lapit. At ang bilis ng t***k ng puso ko. Agad nanlaki ang mga mata ko at dumapo ang likod ng kamay ko sa noo niya. Mainit. Tama, natural lang na mainit siya—baka may lagnat. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Huminga ako nang malalim, pinakalma ang sariling halos matapilok na naman. Tiningnan ko siya muli; medyo maputla siya at halatang pagod. “Umuwi na kaya muna tayo, Mister?” nag-aalalang suhestiyon ko. Tiningnan niya ako nang seryoso gamit ang malamlam na mga mata, parang ayaw niyang magpatalo. “Tingin mo ba hindi ko kaya?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako. “Wala naman akong sinasabing hindi mo kaya,” mahinang sabi ko, sabay lakad palayo at naupo sa isang upuan. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko na hindi makaka-trigger ng yabang niya. “May sinasabi ka?” bigla niyang sabi. Napaiktad ako. “Galaw mo, narinig niya pa ‘yon…” bulong ko sa sarili ko. “Fine, uuwi na tayo. Just stop your stupidity,” sabi niya, saka tumayo. Kinuha niya ang susi na nailapag niya kanina sa mesa at lumapit sa akin. Napatingin lang ako sa kanya, naguguluhan. Akala ko ba kaya mo? Imbes na sagutin ang iniisip ko, sinamaan niya lang ako ng tingin at hinila ako palabas ng silid. “Professor—” Tumigil siya sa harap namin. Nasa gilid namin si Diamond, nakapamewang, naka-cross-legs kahit nakatayo lang. “What?” iritadong tanong ni Mister kay Diamond. “I just want to ask if itutuloy ang testing later,” malanding sabi ni Diamond, sabay tingin sa akin nang masama, parang kasalanan ko kung bakit hindi siya napagtuunan ng pansin. “Re-sched,” maiksing sagot ni Mister, saka muling hinila ako. Kanina ko pa napapansin—mahilig talaga siyang manghila. Braso ko, kamay ko, bewang ko, lahat yata nadadaanan ng paghila niya. “Teka nga,” sabi ko, sabay hatak sa braso kong namumula na. “What?” tanong niya, medyo mainit pa rin ang ulo. “Kanina mo pa ako hinila-hila,” nakanguso kong reklamo. Bigla siyang nag-iwas ng tingin at pumikit nang mariin, parang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak pa siya sa sentido niya. “Hoy, Mister… ayos ka lang ba? Sige na, hilahin mo na ulit ako. Mukhang sumasakit ang ulo mo kapag hindi ako nahihila,” nag-aalalang biro ko. Sinamaan niya ako ng tingin—‘yung tinging parang gusto na niya akong ilagay sa trash bin—pero sa dulo, bahagya siyang ngumiti at nag-peace sign pa. Dahil hindi pa rin maganda ang tingin niya sa akin, ako na lang ang humila sa kanya. Hinila-hila ko siya hanggang makalabas kami sa lugar, kabaligtaran ng usual. “Fresh air,” sabi ko nang sa wakas makalabas kami. Binitawan ko siya at malalim akong huminga. Ramdam ko ang malamig at sariwang hangin sa balat ko, parang unti-unting nililinis ‘yung bigat sa dibdib ko. May naramdaman akong nakatitig sa akin, kaya nilingon ko siya. Nakatingin nga siya sa akin, parang hindi sigurado kung ano’ng gagawin. Ngumiti ako, sabay abot ng kamay ko sa kanya. “Tara na, Mister,” sabi ko, nakangiti. Imbes na abutin ‘yung kamay ko, naglakad na lang siya pauna na para bang wala siyang nakikita. Napasimangot ako, saka na lang sumunod sa kanya. Nang makasakay kami sa sasakyan, mabilis niyang pinaandar ito. Uminom muna siya ng tubig bago tuluyang umarangkada. Kita ko sa gilid kung paano siya huminga nang malalim, parang pinipilit niyang kalimutan lahat ng nangyari sa araw na ‘yon. Tahimik lang kami buong biyahe. Ako, nakatingin sa kanya. Siya, nakatingin sa kalsada pero halatang kung saan-saan pa pumupunta ang isip. “Stop staring, Ysabelle,” sabi niya sa baritonong boses, hindi man lang lumilingon. Napalunok ako. Kahit hindi ko gaanong naintindihan ‘yung buong sentence, gets ko na rin ang gist. Napaiwas na lang ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana, sabay bulong sa sarili: “Hindi ko naman kasalanan kung interesting kang panoorin, eh…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD