Ysabelle Cuevas (Ysa) Ganun lang ang ayos namin hanggang makarating kami sa bahay at maayos na makapag-garahe si Mister sa parking. Tahimik ako sa buong biyahe, nakamasid lang sa kanya habang hawak niya ang manibela, pero kita ko sa gilid na medyo namumungay na ang mga mata niya. Pagkahinto ng sasakyan, agad siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. “K-kaya ko na,” naiilang na sabi ko habang lumalabas. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko—hindi dahil sa takot sa kanya, kundi sa kaba sa lagay niya. Gusto kong makatulong kahit sa simpleng paraan. “Oh, iha, bakit parang ang aga n’yo yatang umuwi?” salubong sa amin ni Manang pagkapasok namin ng bahay. Napakamot ako sa batok at napatingin kay Manang, medyo nahihiya sa itsura ko na parang ako pa ‘yung may kasalanan. “Si Mister

