CHAPTER ELEVEN

1704 Words

Ysabelle Cuevas (Ysa) Mabilis na natapos ang pagkain ni Mister. Halos wala kaming imikan sa buong oras na sinusubuan ko siya, at ramdam ko agad na masama talaga ang pakiramdam niya. Hindi siya tulad ng dati—wala ‘yung malamig na titig na parang laging handang manaway, wala rin ‘yung pasimpleng pang-aasar o maikling utos. Tahimik lang siyang kumakain, parang bawat subo ay mabigat, parang sinusundan ng pagod ang bawat lunok niya. Pagkatapos ay agad ko siyang pinainom ng gamot na iniabot ni Manang kanina. Maingat kong inabot ang baso, pinanood ko kung paano niya nilunok ang tableta, sinigurong hindi siya nabulunan. Nang makasiguro ako, marahan ko siyang inalalayan pahiga sa kama, inayos ang ulo niya sa unan, at kinuha ang kumot. Maingat kong ibinalot ito sa katawan niya, hanggang dibdib, pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD