Ysabelle Cuevas (Ysa) ‘Ang dami pang sinabi… gusto lang palang magpasubo ng pagkain. Hinalikan ko pa tuloy siya.’ Bulong ko sa sarili ko habang marahang kinukuha ang soup na ipapakain ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako bago muli lumapit kay Mister. Kinuha ko ang kutsara, sinandok ang mainit-init pang sabaw, at marahang itinaas iyon sa harap niya. “Say ahhh…” sabi ko, maingat ang boses, habang akmang isusubo ko na ang kutsara sa kanya. Pero bigla siyang umiwas. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. “Mukha ba akong bata?” galit nitong sabi, kunot ang noo, parang na-offend nang sobra. Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko. Napakaarte mo talaga, Mister. Pero nang muli ko siyang tingnan, nakita kong nakangisi na siya, halatang naaaliw sa reaksyon ko. “Nginingisi mo diyan, M

