Lucas Ian Anderson (Lucien) Tiningnan ko si Ysabelle habang mahimbing itong natutulog. Pantay ang paghinga niya, kalmado ang itsura, pero alam kong hindi ibig sabihin no’n ay maayos na ang lahat. May mga taong natutulog para makapagpahinga, at may mga taong natutulog para makalimot. Hindi ko alam kung alin siya ro’n—o kung pinipilit lang niyang paniwalain ang sarili niyang kaya niyang bumangon kinabukasan na parang walang nangyari. Ilang segundo pa akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Parang ang gaan-gaan lang ng mundo sa tuwing nakapikit siya, pero sa likod niyon alam kong may bigat na hindi basta nawawala sa isang tulog lang. Tahimik akong tumayo at lumabas ng silid niya. Maingat kong isinara ang pinto, dahan-dahan, parang ayokong mag-iwan kahit kaunt

