Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ko inasahang aabot sa panaginip yung kaba. Kasi kahit nakapikit na ako, ramdam ko pa rin yung vibrate ng phone sa palad ko, parang multong ayaw umalis. Pagmulat ko, unang bungad sa’kin yung kisame na puti, tapos yung tunog ng talon sa labas, tapos yung biglang realization na… wala pa rin sila. Wala pa rin si Gavin. Wala pa rin si Victor. Wala pa rin yung “okay ka lang?” na kahit hindi nila sinasadyang sabihin, parang nagiging tali sa dibdib ko. Umupo ako sa kama, huminga nang malalim, tapos kinuha ko yung bagong phone. Isang missed call pa rin. Unknown. Walang message. Pero may pakiramdam. Yung pakiramdam na hindi ’to simpleng “wrong number.” Yung pakiramdam na may taong gustong makita akong matakot ulit. Nakita ko yung note ni Victor sa likod. Do

