Ysabelle Cuevas (Ysa) Alas-siyete na pero parang ayaw pa ring humupa ng araw sa Floresta—hindi dahil maliwanag, kundi dahil ang daming tunog na buhay. Rinig ko ang talon, rinig ko ang mga ibon, rinig ko ang mga yabag sa hallway, at rinig ko rin ang sarili kong tiyan na parang may reklamo na kanina pa. Sabi ni Victor, dinner at seven. Late na. At kahit hindi niya sinabing “strictly,” parang may parte sa’kin na ayaw siyang i-disappoint. Kaya lumabas ako ng kwarto na dala ang notebook ko, ang ballpen ko, at yung bagong phone na parang tool na pinapaalala sa’kin na may panghawak na ako sa mundo. Pagdating ko sa dining area, nandoon na silang lahat—si Kianna nakasandal sa upuan na parang nakikipag-away na sa hangin, si Gavin nakaupo nang tuwid pero halatang mentally elsewhere, si Steven

